Two years later.. “Dina, Hija pumasok na ako nakabukas kasi yung gate kaya dumeretso na ako.” anito at inaabot ang tupperware na naglalaman ng ulam. Halos araw araw yata akong dinadalhan ng ulam ni Mama Maricel, ang ina ni Matt, opo ‘Mama’ na ang tawag ko sa kanya at ayon iyon sa kagustuhan n’ya upang kahit paano raw ay makalimutan niya ang sakit ng pagkawala ng kanyang anak na kaagad ko namang sinang-ayunan. “Salamat po, Mama.” pasalamat ko rito at nag beso. “Asan ang mga bata maari ko bang hiramin muna?” nakangiting tanong nito mas madalas ang mga anak ko kay Mama Maricel lalo na nung kapapanganak ko pa lang ay halos dito na siya matulog. Best friend ito ng aking ina kaya naman ayos lang kay Mommy dahil naiintindihan n’ya ang pinag dadaan ni Mama Maricel bukod ron ay nag iisa anak

