Nagkaroon ng kaunting gasgas ang aking likod dahil sa pader na hollow blocks, kaya naman minabuti ng aking asawa na mag check in na lamang kami sa hotel o ‘di kaya’y magtiis na lang daw muna kami kung sakaling hindi siya maaaring lumabas dahil baka hindi lang daw gasgas sa likod ang mangyari sa akin. Kasalukuyan kaming nag-aagahan ngayon dito sa kitchen nila. May ilang sundalo na kasa-kasama rin nila ang kanilang mga asawa at anak kaya naman natuwa akong pagmasdan sila. Napapangiti ako tuwing titingin sa akin ang bata gusto ko itong kunin kaya hindi ko na tinapos pa ang aking pagkain dahil lumapit na ako sa babae na may karga kargang bata. “Hello! Baby.” bati ko rito habang matamis na ngiti ang sinukli nito sa akin. “Halika muna para makakain ng maayos si Mommy.” saad ko at agad rin

