Chapter - 10

1508 Words
Kabado siya habang patungo sa parking lot kung saan ang usapan nila ng kanyang amo na magkikita, isasabay daw kasi siya ni Kenzo sa pag uwi at para na rin makapag usap sila nito. Hiling lang niya na sana hayaan siya nito sa kanyang trabaho dahil kailangan na kailangan niya ang pera para sa kanyang sarili. Nang makita niya si Kenzo sa tabi ng isang sasakyan nagdalawang isip siya kung lalapitan ito dahil kasama nito ang ilang kaibigan at naroon rin ang girlfriend nito. Baka pag initan siya ng girlfriend ni Kenzo pag nakita siyang sumakay sa sasakyan ni Kenzo. Hindi pa naman siya nakikita ni Kenzo kaya nagtago muna siya sa di kalayuan at hinintay na maiwan mag isa ang amo para makalapit siya. Ayaw niyang ma ipit sa ano mang gulo, kaya hangga't maaari iiwas siya sa gulo. Pinagpasalamat niyang hindi naman na nagtagal at isa-isa nang umalis ang mga kasama ni Kenzo at naiwan na itong mag isa. Humugot siya ng malalim na paghinga at sinugurado pang malayo na ang mga kaibigan nito at girlfriend nito saka sita kumilos palapit sa amo na nakasandal sa mamahaling nitong sasakyan. Ilang hakbang pa bago siya makalapit rito nang mapansin na siya ni Kenzo. Tumango ito sa kanya at sumenyas na sumakay na at nauna na itong sumakay sa driver seat. Nagmadali na rin siyang lumapit para sumakay na sa passenger seat. Maingat siyang naupo at maingat rin niyang sinara ang pintuan ng sasakyan. Kinapa ang seat belt na alam niyang unang kailangan isuot pagsakay ng sasakyan. Pinagpapasalamat niyang mahilig siyang manood ng mga movies at kahit papano hindi siya mukhang ignorante sa mga bagay-bagag na bago sa kanya. "Let's go," Kenzo said at nagmaneho na ito habang tahimik naman siyang nakaupo sa passenger seat at ine-enjoy ang bagong karanasan na ito sa kanya. Lihim siyang natutuwa dahil kung anu-ano ang kanyang naiisip habang nakatingin sa labas ng bintana. Isama pa ang magandang music sa loob ng sasakyan. Iba talaga ang feeling pag nakasakay sa mamahaling sasakyan. "Ok lang ba kung sa Burger and Fries House na lang tayo mag usap?" Tanong sa kanya ni Kenzo habang nagmamaneho ito. Sinulyapan niya ang amo na nakatuon sa kalsada ang atensyon. "Ok lang po Sir Kenzo,' tugon niya rito. Tumango naman ito sa kanya. Limang minuto lang ang tinagal ng kanilang biyahe at narating na nila ang sinasabi nitong Burge and Fries House. Nag park lang ito at sabay na silang bumaba ng sasakyan. Sadya niyang binagalan ang paglalakad para hindi makasabay ang amo at baka may makakilala rito at maisumbong pa siya sa girlfriend nito. "Sa taas tayo para hindi crowded,' Kenzo said at sumunod siya rito paakyat ng hagdan. First time niya sa ganitong mag fastfood, hindi naman sa wala siyang pambili, kundi hindi niya nakasanayan, sanay siya sa pang masang fastfood. Itchura pa lang kase ng pinasukan nila ni Kenzo halatang mamahalin na ang mga pagkain at mga katulad lang ni Kenzo na mayayaman ang kumakain. Nang makahanap na sila ng pwesto agad ng sumenyas si Kenzo sa waiter para maka order na sila. "Take everything you want. It's my treat," Kenzo said to her. Napalunok siya, kung hindi lang siya nahihiya sa asawa oorderin niya talaga lahat ng gusto niyang nasa menu, dahil lahat ng nasa menu ay mukhang masasarap lalo na't first time niya. Burger, fries, and soda lang ang in order niya para naman hindi masyadong halata sa amo niya na first time niya. Pero bago umalis ang waiter nagdagdag pa ng kung anu-anong order si Kenzo, hindi lang niya sure kung meron pang para sa kanya sa dinagdag nito. "Aila, right?' Tanong nito na tila ba nakalimutan na naman nito ang pangalan niya. "Opo Sir Kenzo," tugon niya rito. "Ilang buwan ka na nga pala sa mansyon? Sa pagkakaalam ko kase wala ka pa nang umalis ako para mag bakasyon," saad nito sa kanya. Sinagot naman niya ang lahat ng tanong ng amo niya, alam niyang wala namang masama kung alamin nito ang lahat ng tungkol sa kanya. Inalam na rin ni Kenzo kung paano nga ba siya nakarating ng mansyon at sinabi niya ang kanyang Tiyang Mara na parang hindi pa nga maalala ni Kenzo kung sino sa mga kasambahay sa mansyon ang kanyang Tiyahin na binanggit. Marami kasi silang mga kasambahay sa mansyon na nagsisilbi sa pamilya Fisher. Tama namang matapos niyang masagot lahat ng tanong nito ay dumating na ang kanilang pagkain. Nagulat pa siya nang makita kung gaano karami ang dala ng waiter kahit dalawa lang naman silang kakain. "Kumain na muna tayo," saad ni Kenzo nang maiwan na sila ng waiter. Dahil nasa second floor sila walang ibang kumakain roon kundi silang dalawa lang. Sa first floor pa lang naman kase malawak na kaya siguro hindi na umaakyat pa ang iba. Dahil gutom na rin siya at excited matikman ang masarap na pagkaing nasa harapan niya, nilakasan na niya ang kanyang loob para sabayang kumain ang kanyang amo. "Ngayong araw na ang simula ng trabaho mo sa akin, tama ba Aila?" Tanong ni Kenzo sa kanya habang kapwa sila maganang kumakain. "Opo Sir Kenzo," tugon niya. "Much better kung huwag ka ng po at opo sa akin, hindi pa naman ako matanda, halos hindi naman nalalayo ang edad nating dalawa," saad nito sa kanya. "And also pag nasa University tayo o di kaya sa labas huwag mo na rin akong tawaging Sir Kenzo. Hindi mo naman siguro nanaising malaman ng iba na kasambahay ka mansyon," patuloy nito sa kanya at sinulyapan siya. Nagtama ang kanilang mga mata. Dahil na rin sa puno ang kanyang bibig ng masarap na burger tumango na lamang siya sa amo. Actually iyon din naman ang nais niyang mangyari, iyon bang hindi na malaman ng ibang mag-aaral na isa lang siyang katulong. Uulitin niya, hindi niya ikinahihiya ang pagiging katulong. Nais lang niyang i private ang ilang bagay para sa kanyang proteksyon. "May party akong pupuntahan mamaya, isasama kita,' saad nito sa kanya. Natigilan siya sa pagkain at sinulyapan ang amo. "Why? Isn't iyon din naman ang iuutos sa iyo ng lolo ko,' saad nito nang makita sa kanyang mga mata ang pag aalinlangan o pagdadalawang isip. "Ah.. Opo.. I mean...," hindi niya malaman kung paano ito pakikitunguan. Nasanay siyang galangin ito dahil sa mansyon iyon ang nais ng Don. Bilin sa kanya ng Don na bantayan ang batang amo at galangin ito sa loob at labas ng mansyon. Binanggit rin sa kanya ng Don na hindi nito nais na maging magkaibigan sila ni Kenzo, dapat daw alam niya ang limitasyon niya bilang kasambahay at bilang amo naman niya si Kenzo. Lahat ng sinabi sa kanya ng Don ay kailangan niyang sundin dahil ito ang nagpapasweldo sa kanya. "Sanayin mo na ang sarili mo na tawagin ako sa pangalan ko, at huwag ka ng po at opo sa akin,' saad nito. "Si... ge..,' utal niyang tugon rito. "Kumain ka pa, sa iyo lahat talaga iyan. Libre ko,' saad nito sa kanya. "Nakakahiya naman po.. I mean.. Nakakahiya,' utal niyang saad. "Ok lang iyan. Personal assistant naman kita. Kung may magtatanong iyon ang isasagot natin. Hindi mo pwede sabihin na katulong ka sa mansyon o sa mansyon ka nakatira,' saad nito sa kanya. "Ah.. Bakit po?" Tanong niya rito. "Bukod sa ginagawa ko ito para hindi ka ma target ng mag bully sa University, ay para na rin wala ng masyadong issue pa sa atin, lalo na't babae ka at lalake ako," tugon nito sa kanya. Tumango siya sa amo. Alam niyang walang magdududa na pwedeng magka relasyon sila nito. Maganda naman siya pero hindi nababagay ang ganda niya sa gwapong mukha ng kanyang amo. "Bilang Personal assistant ko Aila kailangan mong sumama sa akin sa lahat ng lakad ko, kahit gimik pa iyan, para na rin may ma report ka sa lolo ko. And of course hindi mo i re-report sa kanya ang mga bagay na alam mong ikakagalit niya sa akin. And by doing that, I will pay you, katumbas ng binabayad sa iyo ni lolo,' litanya nito sa kanya. Muntik pa siyang mabulunan nang marinig huling sinabi nito. Babayaran din daw siya nito katulad ng bayad ng lolo nito sa kanya. "Ang kailangan mo lang gawin, sabihin mo sa lolo ko ang mga ginagawa ko sa labas in a nice way, alam mo na iyon Aila. Dapat lahat ng i report mo sa lolo ko mga magaganda lang at walang bad news, para na rin ma klaro na ang isip niya at hindi na niya ko pag-isipan pa ng kung anu-ano,' litanya pa nito. Hindi na nga niya maintindihan ang mga sumunod na sinabi nito dahil nagniningning na ang kanyang mga mata at tenga sa bayad na binanggit nito. Mukha nga siyang pera at hindi niya maitatanggi. Iba ang tunog sa kanya ng pera. "I'll give you an extra 10 thousand Aila," saad nito sa kanya na nagpaningning lalo sa kanyang mga mata. Na para bang nais na niyang tawaging itong master. "Sige,' maiksing tugon niya para hindi halatang mukha siyang pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD