Iniwan siya ni Kenzo sa tatlong babae na kung tignan siya ay para lamang siyang basura sa paligid.
"Huwag na tayo mag aksaya ng oras sa kanya, hindi ganyan ang mga tipo ni Kenzo," maarteng saad ng isa sa tatlong babae. Hindi niya alam ang pangalan ng dalawang iba pa, basta iyung isa Raven ang pangalan at girlfriend iyon ni Kenzo, pero hindi iyon ang kasama nitong nag swimming party sa mansyon noong isang araw, ibang babae ang kasama ni Kenzo. Kung ganun womanizer si Kenzo. Kaya hindi na siya magtataka pa kung bakit ganun na lang ang pag-aalala ng Don rito. Nag-iisang apo ito at nag-iisang tagapagmana, baka kung kaninong babae lang ito mapikot.
"Well, yeah right," maarteng tugon ni Raven matapos siyang paulit-ulit na tignan mula ulo hanggang paa. Kinakabahan siya at sa totoo lang nais na niyang tumakbo palayo para iwasan ang tatlo na sa datingan pa lang mukhang mga bully na sa kapwa estudyante lalo na't halata namang galing sa mayayamang pamilya katulad ni Kenzo.
"Bawal ang hindi member sa rooftop na ito,' saad sa kanya ng isa pang babae. Napalunok lang siya at hindi nagawang magsalita dahil sa kaba.
"Let's go, girls. Don't waste our time," maarteng saad ng girlfriend ni Kenzo at lumakad na ang tatlo patungo sa hagdan para bumaba na. Naiwan siyang mag isa sa rooftop.
Nagbuga siya ng hangin at mariing pinikit ang kanyang mga mata, saka kinabog-kabog ang puso na pakiramdam niya ay tumigil sa pag t***k sa takot sa girlfriend ni Kenzo. Si Raven ang tipo ng babaing hindi mo nanaising makabangga o makaalitan, dahil paniguradong hindi ito magpapatalo at gagamitin ang lahat ng koneksyon nito para labanan ka at mapatumba. Ang uri ni Raven ang babaing hinding basta-basta nagpapatalo. Lumalaban ito kahit sa ano mang klaseng paraan.
Dahil na rin sa takot na kanyang naramdaman nag stay muna siya sa rooftop at inenjoy ang magandang view. Naupo siya sa swing na naroon at hinayaan ang sariling mag swing habang nakatingala sa asul na langit. Busog pa naman siya at aabot na hanggang mamayang pag uwi. Makakatipid pa siya kung hindi na kakain ng meryenda at sa mansyon na lang kakain pag uwi. Sagana sa pagkain sa mansyon at hindi mahigpit ang Don pagdating sa pagkain, bagay nagustuhan niya sa mansyon, dahil kahit anong oras pwede siyang kumain at lahat ng nasa mansyon na nais niyang kainin ay pwede.
"Ang sarap sigurong maging mayaman,' bulong niya sa sarili. Nang may marinig siyang tumikhim sa kanyang likuran. Sa gulat niya napakislot pa siya at mabilis na napalingon kung sino ang tao sa likuran niya.
"It's you again," bulalas ng lalake sa kanya nang pag harap niya rito. Agad rin niyang nakilala ang nakangiting lalake sa harapan niya.
Smiling face ang gwapong lalake at familiar talaga ito, baka modelo ito o di kaya artista, basta parang nakita na niya sa TV before. Mabilis siyang tumayo mula sa duyan habang nakatingin sa lalake.
"Iniwan ka ba ni Kenzo rito?" Tanong nito sa kanya.
"Ah.. Hindi naman, bababa na rin ako,' saad niya at akmang lalakad na para iwasan ito nang harangin siya ng lalake.
"Wait, may itatanong lang ako,' pigil sa kanya ng lalake nang maharang siya nito dahilan para huminto siya sa paglalakad. Napaatras siya. Nasa rooftop sila at silang dalawa roon. Hindi dapat siya basta-basta magtiwala sa kahit na kanino pa man lalo na sa panahon ngayon. Kahit gwapo, mayaman at mukhang mabait pwede ring gumawa ng hindi maganda.
"Ano iyon?" Kabado niyang tanong.
"Relax, huwag kang kabahan, hindi naman ako nangangagat," nakangiting saad nito sa kanya. Ewan niya sa tuwing nakikita niya ang magandang ngiti nito nawawala ang takot niya at tila mapapangiti na rin.
"Paano mo nakilala si Kenzo?" Tanong nito sa kanya.
"Ah.. Si-" Hindi niya natuloy ang sasabihin. Napaisip siya bigla kung ok lang ba na sabihin rito na isa siyang katulong sa mansyon mg mga Fisher. Sa sarili niya mismo ay nakaramdam siya ng hiya kaya hindi niya magawang ituloy ang sasabihin. Naghihintay naman ang kaharap sa sasabihin niya.
"Dito lang sa school," pagsisinungaling niya. Bahala na si Kenzo kung sabihin nitong isa lang siyang katulong sa mansyon ng mga ito.
"Ah.. Personally?' Tanong nito. Iniling niya ang ulo. Tumango-tango naman ang lalake.
"Nag-usap kasi kayo kaya akala ko magkakilala kayo ng personal,' saad ng lalake sa kanya. Sadya niyang iniwasang magsalita sa takot na baka magkamali siya. Hindi lang sa nagtatakot siyang magalit sa kanya si Kenzo, kundi baka pati sarili niya at mapahiya niya.
"Excuse me," saad niya at bago pa siya mapigilan muli ng lalake mabilis na siyang kumilos para iwasan ito. Nagmamadali niyang nilakad ang hagdan nang hindi man nililingon ang gwapong lalaking kausap kanina.
Alam niyang marangal na trabaho ang pagiging isang katulong, pero aminin man o hindi mababa ang tingin ng marami sa pagiging isang katulong. Hindi niya maiwasan na magsinungaling para protektahan ang sarili. Ganoon pa man mahal niya ang kanyang trabaho, hindi pa nga lang niya maipagmamalaki iyon sa ngayon.
Laylay ang kanyang mga balikat at nakayuko siyang lumakad pabalik sa nursing building. Malapit na ang klase niya at ngayon pa siya nakaramdam ng gutom. Hindi na siya pwedeng kumain wala ng oras.
Malapit na siya sa building nang bigla na lang may pumatid sa kanyang paa na muntik na niyang ikinadapa kung hindi lang siya alerto. Napatili pa siya at nang sulyapan kung sino ang may gawa nakita niya si Kenzo na nakatingin sa kanya. Wala itong ngiti sa labi pero gwapo pa rin ito. Kung ikukumpara niya ito kay Jeremiah, mas gwapo para sa kanya si Kenzo, kahit mukhang suplado, masungit at hindi palangiti. Misteryoso kasi ang datingan nito, na para bang ma cu-curious ka kung ano pa ang meron rito.
"Kayo po pala Sir Kenzo," magalang niyang saad nang maka recover. Sadya niyang hininahan ang tinig para hindi marinig ng ibang estudyante.
"Kailan ang start ng trabaho mo sa akin?" Tanong nito sa kanya.
"Ngayon po Sir Kenzo," tugon niya.
"Ok. After class magkita tayo sa parking area, sumabay ka na sa akin pag uwi. May pupuntahan tayo at doon tayo mag-uusap," saad nito sa kanya. Dahil sa isa lang siyang hamak na katulong wala siyang karapatang tumanggi sa kanyang amo.
"Sige po Sir Kenzo,' tugon niya sa amo. Tumango naman ito sa kanya sabay talikod na at iniwan na siya.
Humugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang kanyang mga mata. Unang araw pa lang niya sa trabaho parang pagod na pagod na siya. Hirap na hirap na siya. Iyon nga lang wala siyang karapatang mapagod at sumuko. Kailangan niyang magpatuloy para sa kanyang mga pangarap at para sa kanyang sarili.