Chapter -13

1015 Words
Hindi naman kalayuan ang yatch party na pinuntahan nila ni Kenzo halos malapit lang naman sa mansyon. Ang mansyon kasi ng mga Fisher ay nasa mismong tinatawag na Beach House sa bayan ng San Juan. May magandang beach sa bayan at pagmamay-ari daw iyon ng mga Fisher. Open ang beach sa lahat kaya minsan marami ang nagpupunta roon para maligo dahil libre lang naman. "How old are you, Aila?' Tanong sa kanya ni Kenzo nang marating na nila ang parking area. "Eighteen po Sir Kenzo,' tugon niya. Tumango ito sa kanya. "Don't forget huwag mo kong tatawaging Sir Kenzo mamaya, and also huwag kang mag po at opo sa akin," bilin nito sa kanya. Tumango naman siya. "Ipapakilala kitang Personal Assistant ko sa mga kaibigan ko. Hindi naman na sila magtataka pa, dahil mostly ng mga anak mayaman sa grupo ay may mga P.A din nagkataon lang bata ka pa at estudyante rin sa De La Cerna University," paliwanag sa kanya ni Kenzo. Tango lang ang naging tugon niya sa amo. "Kung ready ka na tara na,' saad pa nito sa kanya at sabay na silang kumilos pababa ng sasakyan. Tama ang suot niya para sa event. Yatch party kase kaya pinili niyang magsuot ng plai white dress, pinakita naman niya iyon kanina kay Kenzo bago niya binili. Iyon nga lang wala siyang ano mang accessories sa mukha at katawan. Nakalugay lang din ang mahaba niyang buhok. Confident na lang ang meron siya dahil wala siyang kaayos-ayos, panigurado naman kase na makakapal ang make up ng mga a-attend isama pa ang mga bonggang suot. Ok din ang suot ni Kenzo na white polo na bukas ang ilang mga butones at khaki shorts, bagay na bagay rito ang suot dahil lutang ang kagwapuhan nito. Isama pa ang napaka bango nitong amoy, walang duda na mamahaling pabango ang gamit nito. Lahat naman kasi ng mayaman ay mabango. Required yata na maging mabango pag mayaman ka. Napakaswerte lang talaga ng mga pinanganak na mayaman. Minsan napapaisip siya kung ano pa ang requirements para ipanganak na mayaman, para sana makapaghanda na siya para sa kanyang second life. Sa susunod niyang buhay hindi na niya nais ipanganak na mahirap, nais naman niyang ipanganak na may gintong kutsara. Pagbaba pa lang nila ng sasakyan ni Kenzo may bumati na agad kay Kenzo na isang lalake na kahit sa dilim kita pa rin niya ang malalaking tattoo nito sa braso, kasama ang isang babae na may pagka OA ang outfit nito para sa yatch party, dahil halos hubod't hubad na ito. Alam niyang may mas grabe pa siyang makikitang over revealing kung manamit sa loob. Ganyan naman kasi ang henerasyon niya. Baka nga kung mayaman din siya at hindi lumaki sa liblib na probinsya ay may pagka liberated din siguro siya, hindi siya naiiba sa mga maraming estudyante sa De La Cerna University. "Kenzo pare," bati ng lalaking maraming tattoo kay Kenzo at nagbatian pa ang dalawa sa pamamagitan kung anu-anong moves sa kamay ng mga ito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang kakaibang sulyap ng babaing kasama ng lalake, na para bang kakaiba siya at hindi nababagay sa party, kahit para sa kanya ito ang hindi nababagay sa party dahil para itong papasok sa bar at sasakyan para kumita ng kaunting pera. "Who's with you?" Tanong ng lalake kay Kenzo at sinulyapan siya ng lalake. Nanatili naman siya sa kinatatayuan niya sa tabi ni Kenzo. "Ah.. This is, Aila she is my personal assistant," pakilala niya sa lalake. Tumango naman ang lalake at hindi na kumibo pero hindi nito inaalis ang tingin nito sa kanya na para bang ano mang oras kakagatin siya nito. "I knew it, sabi ko na hindi siya guest eh," maarteng saad ng babae at ngumisi pa sa kanya. "Tara na sa loob," saad ni Kenzo at hindi pinansin ang komento ng babae. Nais pa naman niya sanang alamin kung bakit nasabi iyon ng babae, pero hindi na kasi pinatulan ni Kenzo, kaya hindi na rin siya pumatol pa. Sabay-sabay na silang apat na lumakad paakyat sa malaking yateng naroon. Maraming mga yate ang nasa gilid at mukhang wala namang tao ang iba. Ang inakyat nila ang pinaka maliwanag at mukhang nagsisimula na ang party. Dahil medyo magalaw ang hagdan ng yate hindi niya naiwasang mapakapit sa braso ni Kenzo habang paakyat sila. Natigilan pa si Kenzo at sinulyapan ang kamay niyang nasa braso nito. "Ah.. Sorry," paumanhin niya at mabilis na inalis ang kamay sa braso ng amo na mukhang hindi nagustuhan ang ginawa niyang pag hawak rito. Hindi naman niya sinasadya, natakot lang siyang baka matumba siya, hindi naman kasi siya sanay sa pagsakay ng yate. Ito ang unang beses niyang sasakay sa yate at salamat sa amo niya sa experience. Pagdating sa deck ng yate halos lahat ng naroon naka puti at nagkakasiyahan na sa malakas na musika. Ganito pala ang party ng mga mayayaman. Unang requirements dapat sexy ang suot mo pag babae ka, pag lalake dapat mabango at gwapo ka. "Kenzo," papalapit na tawag ni Raven sa boyfriend nito. Napasulyap pa si Raven at natigilan saglit nang sulyapan siya pero nagtuloy pa rin sa pag lapit kay Kenzo para halikan ito sa labi. Imbes na mahiya sa kanya ang amo at si Raven sa ginagawang paghahalikan sa harapan niya, siya ang nakaramdam ng hiya para sa dalawang patuloy pa rin ang tukaan na para bang ayaw ng tumigil ng mga ito kahit maraming tao roon. Although napansin niyang wala namang nakatingin sa dalawa dahil hindi lang naman ang mga ito ang naghahalikan roon, dahil nang igala niya ang mga mata marami siyang nakitang mas malala pa ang ginagawa kesa sa mga nasa harapan niya. Hindi niya alam kung aalis ba o mag stay sa tabi ng amo habang kahalikan nito ang girlfriend nito. Napaka awkward na kase ng pakiramdam niya. "Aila," nagulat siya nang may tumawag sa kanya at nang lumingon para hanapin nakita niya si Jeremiah na nakangiting papalapit sa kanya. "Jeremiah,' bulong niya sa pangalan ng gwapong lalake na palapit sa kanya. Ito ba ang magiging partner niya ngayong gabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD