Sinama niya si Aila sa party at pinakilala niya itong Personal Assistant imbes na yaya o Personal Maid na siyang papel nito talaga dahil pinababantayan siya ng kanyang lolo rito. At first, ok naman sunod lang ng sunod sa kanya sa party at hindi naman siya na bo-bother rito, isa pa nakapag usap na rin sila nito kung ano lang dapat ang i report nito sa lolo niya. Sinuswelduhan din niya ito para mga magagandang bagay lang ang i report nito sa lolo niya.
Sa ngayon kase nais niyang mag rebelde sa Don at sa kanyang Papa, dahil pinaalis ng mga ito ang kanyang Mama sa mansyon. Nais niyang sirain na ang kanyang buhay at isisi sa mga ito ang kawalan niya ng dereksyon. Pero dahil inaalala din niya ang kanyang Mama na paniguradong malulungkot kung tuluyan niyang sisirain ang kanyang buhay. Isama pang nag-iisang tagapagmana siya ng mga Fisher. Pagdating ng panahon lahat ng pagmamay-ari ng mga Fisher ay sa kanya mapupunta, kaya naman habang nag e-enjoy siya at slight na pag re-rebelde ay hindi na dapat umabot pa sa Don. Alam naman niya kung bakit kinuha ng Don si Aila para bantayan siya at alam niyang wala siyang magagawa para suwayin ang utos na mula sa Don, kaya imbes na mag reklamo sa Don at magalit, makikipag kunchaba na lamang siya kay Aila at least kontrolado niya ang mga nakakarating sa Don, alam niya kung ano lang ang umaabot rito.
"Babe, let's go somewhere, I need you," bulong sa kanya ni Raven habang nakaupo ito sa kanyang kandungan at wala ng ginawa kundi halikan siya ng halikan sa labi sa kung saan-saang parte ng kanyang katawan. Nasa kabilang upuan naman si Aila at kausap nito si Jeremiah.
Kanina pa nga siya naiinis dahil tila nag e-enjoy pa ngayon si Aila kesa sa kanya. Bored na bored na kasi siya sa ginagawa sa kanya ni Raven. Hindi na siya nag e-enjoy, imbes na mag init ang katawan niya parang ang ulo niya ang umiinit, sa tuwing mapapasulyap kay Aila na masayang nakikipag kwentuhan kay Jeremiah.
"Mamaya na, dito muna tayo," tugon niya kay Raven at pasimple itong tinulak paalis sa kanyang kandungan para naman makahinga na siya at makapagpahinga muna ang labi niya.
"Do you want drinks?" Tanong nito sa kanya nang makaupo sa tabi niya.
"Yes, please," tugon niya at pasimpleng sinulyapan sina Aila at Jeremiah na busy sa kwentuhan. Na para bang sinama lang niya si Aila sa Yatch party para may makasama si Jeremiah. Ni hindi man nga siya sinusulyapan ni Aila, na para bang hindi ito naka duty sa kanya.
"Uutusan ko ang P. A mo,' saad ni Raven sa kanya.
"Ano nga kase ang pangalan niya?" Tanong pa nito.
"Ikaw na lang ang kumuha. Probinsyana iyan, anong malay niya sa mga alak," saad niya kay Raven at naglabas ng stick ng sigarilyo sa bulsa at lighter saka agad na inipit ang sigarilyo sa labi niya at sinindian iyon habang nakatingin kay Aila na busy pa rin kay Jeremiah. Malakas ang musika kaya hindi niya marinig kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Isama pang dahil na rin sa ingay halos mag dikit na ang mga mukha nito sa para magkarinigan.
"Sa dami naman kasi ng tao dito sa bayan natin, kukuha ka pa ng P.A sa probinsya,' inis na saad ni Raven sa kanya sabay tayo mula sa kinauupuan at padabog itong lumakad para kumuha ng maiinom nila.
Nagbuga siya ng usok sa may gawi ni Aila, sinadya niya iyon para mapalingon ito sa kanya at nangyari naman ang gusto niya. Nagkatinginan sila, at kahit hindi naman ganoon kaliwanag, kita pa rin niya ang natural na angking ganda ni Aila. Muli siyang umitit sa sigarilyo habang hindi inaalis ang mga mata kay Aila.
"May kailangan ka Kenzo?' Tanong nito sa kanya. Nagbuga siya ng usok at iniling ang ulo saka nalipat ang mga mata kay Jeremiah na nakatingin sa kanya.
"Baka gusto mong ikuha si Aila ng ladies drink, Jeremiah. Kanina pa kayo nag-uusap niya tuyo na ang lalamunan niyan,' saad niya kay Jeremiah.
"Oh! Yeah, yeah," tugon naman ni Jeremiah at mabilis na kumilos para kumuha ng maiinom si Aila. Nagpaalam pa nga ito kay Aila at may paghawak pa ito sa balikat ng dalaga. Iniling na lamang niya ang ulo.
Kilala niya si Jeremiah, walang pinagkalayo ang ugali nito sa ugali niya. Kasali rin ito sa frat at katulad din niya itong matakaw pagdating sa babae. At sa kinikilos ni Jeremiah since day one na nakilala nito si Aila, ramdam niyang interesado ito kay Aila. Bagay na hindi niya gusto. Hindi niya nais maging kumplikado ang lahat kay Aila, lalo na't nagtatrabaho lang ito.
"Aila, masyado naman yata kayong close ni Jeremiah," saad niya kay Aila habang patuloy ang paninigarilyo at halos pausukan na ang dalagang kaharap. Hindi naman ito nag rereklamo pero panay ang payday nito sa usok.
"Nakikipag kwentuhan lang siya,' mahinhin nitong tugon sa kanya.
"May kailangan ka ba? Sabihin mo lang," saad pa nito sa kanya.
Magsasalita pa sana siya nang mapansing papalapit ang grupo ni Jake sa kanila ni Aila. Umigting ang kanyang panga nang mapansin si Jake na kahit malayo pa kay Aila na nakatingin.
Si Jake ang pinaka leader ng kanilang fraternity. Kung ano utos nito sa mga member ay kailangan gawin at hindi dapat magkamali dahil bugbog ang dadanasin sa kamay ni Jake. Siya bilang may malaking hambag sa grupo ay hindi pa naman siya ginugulo ni Jake, marahil kilala din kasi nito kung anong klaseng pamilya meron siya sa kanilang bayan.
"Sino sila Kenzo?' Narinig niyang tanong ni Aila nang makita si Jake at dalawa pang kasama nitong lumapit sa kanila. Hindi na niya nagawang sumagot sa dalaga dahil nakalapit na ang tatlo sa kanila. Agad na pinalibutan ng mga ito sa upuan si Aila at si Jake ang pumuwesto sa harapan ni Aila, habang nakaupo ang dalawa pang kasama nito sa magkabilang gilid ng dalaga.
"Kenzo," tawag sa kanya ni Aila. Napalunok siya at kinuyom ang kanyang kamay, nais niyang ilayo ang mga ito kay Aila. Hindi katulad ni Aila ang ibang babaeng naroon sa party.
"Newbie," saad ni Jake at hinawakan ang pisngi ni Aila bago pa ito naka iwas.
"Ang ganda naman, fresh," tila pambabastos na saad ni Jake at inamoy pa nito si Aila, saka nagtawanan ang dalawang lalake sa tabi ni Aila.
"Jake st-" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla na lang may humila kay Aila mula sa tatlo. Nang sulyapan niya nakita niya si Jeremiah.
"Aila, it's off limits, Jake. She is with me," saad ni Jeremiah kay Jake. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Jake bilang pag surrender at tumayo mula sa kinauupuan kasabay ang dalawa pang kasama nito.
Hindi na lamang siya nagsalita pa at nakisali sa gulo. Nanatili siyang tahimik at tinuloy ang paninigarilyo. Maya-maya pa dumating na rin si Raven dala ang alak para sa kanilang dalawa.
"Hey, Jake,' bati ni Raven kay Jake.
"Hey, Raven,' bati rin ni Jake kay Raven. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsuri ni Jake sa katawan ni Aila habang nakatayo ito sa tabi ni Jeremiah. Hindi niya maiwasang isipin na siya dapat ang nagtanggol kay Aila dahil siya ang kasama nitong dumating.
"Excuse us may sasabihin lang ako kay Aila," paalam ni Jeremiah. Nais sana niyang pigilan ito pero mas ok na rin na mailayo muna si Aila kay Jake. Iba kase nakikita niya sa mga mata ni Jake.
Si Jake pa naman ang tipo ng taong pag natipuhan niya ang isang babae, hindi ito titigil hangga't hindi nito ito nakukuha. Maraming issue si Jake pero dahil magaling ito sa grupo kaya nanatili ang tiwala ng marami rito sa kanilang frat.
"Girlfriend ba ni Jeremiah iyon?' Tanong ni Jake sa kanila.
"Sino si Aila? Hindi ah,' si Raven na ang tumugon at hinayaan na lang niya, magsasalita na lang siya kung kailangan. Sa ngayon mag mamantiyag muna siya sa kung ano ang magiging kilos ni Jake.
"P. A siya ni Kenzo," saad pa ni Raven. Sinulyapan siya ni Jake.
"P. A mo?' Tanong nito sa kanya. Banayad na tango lang ang naging tugon niya.
"Maganda siya,' puri ni Jake kay Aila. Papuring dapat yata ikatakot ni Aila.
"Probinsyana siya?' Tanong sa kanya ni Jake. Tumawa naman ng malakas si Raven at ito na ang sumagot sa tanong ni Jake.
"Yon! Birhen iyan panigurado. Ganyang probinsyana ang gusto ko,' Jake said. Umigting ang panga niya sa narinig rito. Ganoon pa man nanatili siyang kalmado.