KINABUKASAN, magaan ang katawan niya ng bumangon. She felt revived after last night. Kagabi lang siya nakatulog ng maayos. And for the first time, nakangiti siya't hindi humahagulgol para kay Lemuel. And though it may seem absurd, pakiramdam niya'y hulog talaga ng langit si Hercules sa kanya.
Kagaya ng napag-usapan, ginugol nila ang isang linggo para makilala ng husto ang isa't isa. Naging madalas ang pagdalaw ni Hercules sa kanya na ikinatuwa ng husto ng Mama niya at mas ikinagiliw ng pakikitungo ni Mrs. Mondragon sa kanya. Hinahatid-sundo siya nito. Panatag ang loob niya sa binata. Pakiramdam niya'y ligtas siya kapag kasama ito. Habang tumatagal, mas nakilala niya ito ng lubos. There's never a dull moment with Hercules around. He seemed to be capable of everything especially of making her laugh. And the irony of it all, despite all the things she said about him, she finds him a very likable person. Nasanay na siyang makita ang mukha nito araw-araw. Nasasanay na rin siyang halikan at yakapin ito na hindi siya napapangiwi. And she's looking forward each day to see him.
"MAGANDA yata ang gising mo ngayon?" puna ng ina pagkatapos nilang mag-almusal.
Ngumiti siya. Today's her engagement day. Hindi niya alam kung sa paanong paraan magpo-propose si Hercules. But it's for Hercules to think about. They're going to rehearse their dance and probably practice some cheesy lines.
"Na-realize ko lang, Ma, na tama kayo. Siguro nga dapat bigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na magsimula uli. I think I should give Hercules a chance."
Lumiwanag bigla ang mukha ng ina. "Hinding-hindi mo pagsisisihan iyan, anak. Mamamatay akong matiwasay kung si Hercules ang mapapangasawa mo. Panatag ang loob ko sa batang iyon na hindi ka niya sasaktan."
Hinawakan niya ang kamay ng ina. She felt the same way for Hercules. Parang iyon ang dahilan kung bakit magaan ang loob niya rito. Dahil nararamdaman niyang kailanman hindi siya nito hahayaang masaktan. "Thanks for everything, Ma."
Biglang namasa ang mata nito. Akmang iiyak na ito nang may kumatok sa pinto. Nakahinga siya ng maluwag. She isn't ready yet for early morning dramas. Dahil kapag ganito ang Mama niya, hindi niya mapigilang makonsensiya dahil alam niyang hindi matutuloy ang kasal.
Pagbukas niya ng pinto nabungaran niya ang bultong pamilyar sa kanya. Hindi na niya kailangang tumingala para mapagsino iyon.
"Hi!" aniyang natigilan nang mapagmasdan ang binata. Ilang beses siyang napakurap at napatitig sa ayos nito. Saka siya napangiti. He finally got rid off his long hair. And he shaved off his beard. He looked clean and fresh. And what else? Yeah, the sparkling eyes. Parang ang gaan ng aura nito.
"Well?" Tiningnan siya nito na para bang may hinihintay. Oh yeah, he's her boyfriend. Tumiyad siya't ginawaran ito ng halik sa pisngi. "Hi, love. Your new look suits you," aniyang hindi pa rin makapaniwala sa laki ng ipinagbago nito.
Ngumiti ito saka dinukwang siya't dinampian siya ng halik sa labi. The kiss lingered for a few seconds and she felt an abnormal blood rush. Namilog ang matang napatingin siya kay Hercules. It's the first time he kissed her on the lips. On the lips! In front of her mother!
"Good morning, love," anito. Binalingan nito ang Mama niya't hinalikan ito sa pisngi. "Good morning, Tita. Hihiramin ko na po si Jane."
Ngumiti ang ina niya. "Sige, hijo. Mag-iingat kayo." Napa-angat ang kilay niya. Nawindang siya saglit sa halik na iyon pero parang okay lang sa Mama niya?
"T-Teka, magbibihis muna ako." aniya nang tila mahimasmasan.
"No, need. You look great." He looke at her with admiring eyes. "Beautiful as always."
Sinipat niya ang suot. Naka-shorts at t-shirt lang siya. "Okay." Gusto niya itong kutusan. Kung sana'y sinabihan siya nitong maaga siya nitong susunduin, nakahanda sana siya. Hinablot niya ang bag at nagpaalam sa ina. Umabot sa mga mata nito ang ngiti habang tinitingnan silang dalawa. Nang makapasok sila sa kotse'y hinarap niya ang binata.
"Don't you think it was too much for my mom to-"
"What? This?" Nagulat siya nang lumapat ang labi nito sa labi niya. She felt a tingling sensation from her toes. Natameme ulit siya.
"No, it isn't much," sagot ng kaharap. "She has to get used to it because I'm gonna propose today. And you have to get used to it. Take that shock off your face. Parang ngayon ka lang nahalikan ah."
Wala sa loob na tinakpan niya ang labi. Nagtataka siya sa reaksyon niya. It feels odd. Hindi niya matukoy kung anong klaseng pakiramdam iyon. Pero sigurado siya sa sarili na hindi niya iyon dapat maramdaman. She doesn't even like Hercules. Well, she likes him because he's kind and all but not the kind of like that should have something to do with... romance. Eeww!
"Are you okay?" tanong nito.
Tila nagising siya bigla. Tumango siya. Pinakiramdaman niya ang katabi. Hindi kaya may gusto si Hercules sa kanya kaya nararamdaman niya ang mga bagay na hindi niya dapat maramdaman? But he said she's not her type. Kaya panatag ang loob niya rito. There was no special attention he gives her except that he's just so kind. But the kiss was different. It was brief but it was... passionate. Namula ang magkabilang-pisngi niya. Oh my... ano bang pumapasok sa isip niya?
"Y-Yeah," aniya. Nagulat siya nang ginagap nito bigla ang ang palad niya.
"Are you afraid?" His expression was so gentle that made all her worries go away. And his hold makes her feel good. Baka nagkakamali lang siya sa iniisip. Baka nag-hohormonal change lang siya kaya abnormal pa rin ang pintig ng puso niya.
Mabilis siyang umiling. "No. Bakit naman ako matatakot sa'yo? N-Naninibago lang siguro ako."
"Good," anitong nakahinga ng maluwag. "You know what's happening tonight, right?"
Tumango siya. "It's your mom and dad's 30th wedding anniversary and it's our engagement.
Ngumiti ito. "And we're gonna dance and hug and kiss all night," paalala nito.
Tumango siya. Napag-usapan na nila iyon. They practiced their dance. She is confident. No, she was. Because now, she's starting to get nervous. What if she feels odd when Hercules kisses her again? Bakit ba ganito ang reaksyon niya sa simpleng halik na iyon? Humugot siya ng malalim na hininga at inihilig ang ulo sa balikat nito. Isa iyon sa mga bagay na sinasanay niya. She has to appear sweet and in love with him. It has been easy. Until now. Pinakawalan ni Hercules ang kamay niya't inakbayan siya. She is starting to feel something which makes her heart beat twice faster than usual. Yumakap siya sa bewang nito at unti-unting kumalma ang pakiramdam niya. It's still odd. How can she feel nervous and at ease with Hercules almost at the same time? She really needs to get her head back. Nawawalan na yata ng tino ang utak niya.
Nagtaka siya nang tumigil ang sasakyan nito sa harap ng supermarket. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod rito. The plan was to rehearse their lines during the engagement party and to practice the dance. She has no idea what they're doing in the grocery.
"Personal stuffs?" takang-tanong niya. Buong akala niya'y maglilibot lang sila para makita ng mga tao na sila na. Hercules is starting to annoy her. Bakit ba hindi nito sinasabi ang mga plano nito ahead of time?
"Yes. My pad should have a feminine touch. Kailangan may mga damit ka rin doon. Walter will arrive next week and he shows up in my pad without warning. So I need you to personalize it."
Wala siyang nagawa kundi tumango for the sake of two million. "No problem."
"Sanitary napkin or tampons?" tanong nitong nakaharap sa stall.
Nag-init ang magkabilang pisngi. "The one with wings."
Tumawa ito. "This is kind of awkward."
Nagkibit-balikat siya.
Ginaya siya nito. Nagkatinginan lang sila't kapwa napa-iling at napangiti. "Right, love." sang-ayon nito sa bagay na hindi na niya kailangang sabihin pa.
Pagkatapos nilang mamili'y nagpunta sila sa pad ng binata. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.
"Wow," sambit niya nang makapasok sa loob ng tinitirhan nito. It's a zen inspired house. She felt so comfortable. It's very homey. Like the way she feels when Hercules is around. Nang tingnan niya ito'y nakangiti itong pinagmamasdan siya. Something suddenly tugged her heart with that smile. Nagtatakang pinakiramdaman niya ang sarili. She's being funny. Iwinaksi niya iyon sa isip at malayang naglibot sa loob ng pad nito. It was spacious. Makakapag-practice sila ng sayaw na hindi mag-aalalang makabasag ng mga gamit.
"Wonderful kitchen!" bulalas niya. Everything was in its proper place. Masinop at malinis at kumpleto sa gamit. "Do you cook?"
"Yes and I'll cook something delicious for you today."
"Great!" aniyang tabingi ang ngiti. She felt that funny feeling again. Ano ba'ng nangyayari sa kanya?
"The bathroom," anito at pinagbuksan siya ng pinto. Napa-wow uli siya. It's so wide. Binuksan nito ang mg drawers. Maayos ang mga gamit nito. "You can put your stuff wherever you want."
"Okay," aniya't sinimulang ayusin ang mga gamit niya roon. Bakit ba pakiramdam niya'y totoo ang lahat? It's as if she's really moving in. Ilalagay niya sana ang bagong biling toothbrush nang mapansing hindi bagay iyon doon. "You don't mind if I brush my teeth, right? It doesn't fit there."
"We can do it together," anitong may excitement sa tinig. Kinuha nito ang lumang toothbrush at itinapon iyon. "I bought a new one, too."
Magkasabay silang nag-toothbrush. Inilibot niya ang tingin. The bathroom was made for couples. Malaki ang shower stall, kahit sabay silang maligo, hindi sila magsisiksikan. May bath tub pa, kasya ang dalawa. Biglang nangunot ang noo niya nang pumasok sa balintataw ang naisip. Eeww! Pinigilan niya ang sariling mapasulyap dito dahil nakadama siya ng pagkaasiwa. The bathroom was wide enough to accommodate both of them. Pero para siyang nasasakal. Lumabas siya kaagad matapos mag-toothbrush para makahinga ng maluwag. Para lang makarating sa silid nito. Gusto niyang lumabas pero baka mahalata siyang umiiwas.
Pumikit siya ng mariin para mawala ang mga bagay na hindi niya dapat iniisip. This is her job. To be his fiancee. They are just faking so she doesn't have to feel anything. It's inappropriate and totally ridiculous! Ibinaling niya ang pansin sa silid nito. It was so neat. Maaliwalas ang pakiramdam dahil malayang pumapasok ang hangin at liwanag mula sa bintana. There's a queen size bed in the center. Muntik na siyang mapaigtad nang magsalita ito sa likuran niya.
"I made some space in the closet for your clothes, too."
Sinikap niyang huminga ng normal pero tila nasasakal na naman siya. Lalabas na sana siya nang mahagip ni Hercules ang kamay niya.
"Come, try our bed, first" anito sabay hila sa kanya pahiga sa kama . Napatili siya sa gulat. Tumawa ito. "You're acting weird. If I had not known how much you disliked me, I would think that I'm making you nervous," anitong nakatunghay sa kanya.
Lalong bumilis ang tahip ng dibdib niya nang titigan siya nito. "Of course not!" mabilis na sagot niya. Mabilis siyang bumangon pero hinatak siya nito pabalik sa kama . Patagilid siyang napahiga at hindi siya makatayo dahil pinipigilan nito ang bewang niya ng braso nito.
"Are we going to get things done o magtititigan tayo buong araw?" aniyang hindi napigilan ang inis sa tinig.
Napa-isip ito. "Mas gusto ko iyong huli," anito't hinapit siya papalapit. "You're so tensed and now you're angry. You cannot act like this in front of anyone," anitong tinitigan siya ng matiim na tila ba pinag-aaralan ang reaksyon niya.
She could feel herself blushing and she felt more irritated because it's the last thing that she'd like to happen. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Ano ba naman kais ang nangyayari sa kanya? "I'm not angry," mabilis na sagot niya. "Marami lang akong iniisip."
Tumaas ang kilay nito. " Gaya ng?"
"Basta," iwas niya at pilit na ngumiti. "Let's go to work." akmang babangon siya pero hindi pa rin inaalis ng binata ang braso nito sa bewang niya.
Nagdududang tinitigan siya nito. "Why don't we start by staring each other?" suhestiyon nito.
Napabuga siya ng hininga. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya?
"Kung kailangan nating magtitigan buong araw, gagawin natin hanggang sa masanay kang titigan ako. I know I'm ugly but that should never show on your face because if it does, this whole thing is over. Now, stare at me. And convince yourself that you love me. No. Convince me that you love me or you're gonna have to stare at me the whole day. Or, the deal is off."
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Wala siyang nagawa kundi sundin ito. She needs to concentrate dahil hindi niya maatim na titigan ito buong araw. Naiilang siyang hindi niya mawari. At pabilis ng pabilis ang t***k ng puso niya. Tinitigan niya ng maigi ang buong mukha nito. "Masyadong makapal ang kilay mo," wala sa loob na sambit niya. Talaga namang makapal ang kilay nito. "Pero okay lang, dahil malalaki naman ang mga mata mo. Ordinary lang ang pilikmata mo. But it compliments your eyes..." saka lang niya napansing brown pala ang kulay niyon at matamang nakatitig sa kanya. " which are kind. And beautiful." Mabilis niya ibinaba ang tingin dahil nag-uumalpas ang t***k ng dibdib niya. "Matangos pero malaki ang butas ng ilong mo. Makapal ang mga labi mo. Parang nakagat ng langgam. But it compliments your face dahil-"
"Dahil malaki at pangahan ang mukha ko. I know that. Nilalait mo ba ako, Jane?"pa-inosenteng tanong nito.
Muntik na siyang matawa sa paraan ng pagkakatanong nito. Di niya napigilan ang ngiti at umiling siya. "I'm convincing you that you are not handsome but I can still stare at you." Totoo sa loob na sambit niya. Alright, hindi si Hercules ang matatawag niyang gwapo. But he still looks pleasant... which she just noticed now. He really looks pleasant. Iyong tipong kapag tinititigan mas nakikita ang magagandang katangian. O baka dinadaya lang siya ng sariling mga mata? "Which means I love you just the way you are." dagdag niya para matapos na kaagad ang pinapagawa ng binata sa kanya. If not for two million, she'll never do this.
"Poetic but not convincing." anito. "My turn?" Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya.
"Y-Your turn?"
"Yes. This is how you should describe a person you love." Hinaplos ng likod ng kamay nito ang pisngi niya. "Perfect." He touched the line of her nose down to it's tip. "Cute." He traced her brows. "Beautiful." Then he pressed her lips with his thumb. Napalunok ito. "Lovely. You're so lovely, Jane."
Nahigit niya ang hininga sa ginawa nito. There was an eerie silence between them for a while.
"Your turn." anito.
"Alright, then." Ginaya niya ang ginawi nito. Hinaplos ng likod ng kamay nito ang pisngi niya. "Perfect."
Nangiti ito. "Why do I feel it's a lie?"
"It's not!" aniya. "Okay, this isn't cute," aniya nang hawakan ang ilong nito. "It's too huge to call it cute. I'll call it grand." Kita niya ang amusement sa mga mata nito. Napatitig siya sa labi nito at pinaraanan iyon ng mga daliri. Pakiramdam niya' nagkabuhol-buhol ang bituka sa tiyan. "This is just thick. Still kissable. But thick." And sensual, aniyang napalunok bigla sa naisip. "Okay na? Baka gustuhin ko nang matulog kapag hindi tayo bumangon."
"You haven't convinced me you love me yet."
"Okay, I love you," mabilis na sabi niya.
"Liar. Paano mo makukumbinsi ang sinuman lalo na si Walter na mahal mo ako kung ganyan ka?"
Umiwas siya ng tingin. "I'll probably think of someone else," pagsisinungaling niya.
"Okay. Like who?"
Sino nga ba? "Brad Pitt," aniya sabay ngiti.
"That's fine. As long as you never call me Brad."
Pumikit siya ng mariin. But she isn't thinking of Brad Pitt. She can't think of anything of anyone, just Hercules. Nang bumuka ang mga mata'y hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at tinitigan ito ng matiim. He isn't handsome. But his face is all she wants to see. She felt butterflies swirling in her stomach while looking at him. "I love you," buong puso niyang sambit. She felt so vulnerable. Exposed. At hindi niya maipaliwanag kung bakit.
Hindi ito nakapagsalita saglit. Pagkuwa'y ilang beses na napakurap at hinaplos ang pisngi niya. "I love you, too, Jane" anito saka unti-unting inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Nang dumampi ang labi nito sa labi niya'y awtomatikong napapikit ang mga mata niya. He was kissing him so slow it made her ache for more. Napakapit siya ng mahigpit sa batok nito nang unti-unting lumalim ang halik. He tasted mint and something sweet. Pakiramdam niya'y malulunod siya.
"Good job," anito nang maghiwalay ang mga labi nila at tumayo. "We better start with the dance." Nagpatiuna itong lumabas ng silid.
Naiwan siyang tutop ang dibdib. How can a kiss be that powerful? Ano bang nangyayari sa kanya?