HINDI siya pinatahimik ng alok ng binata sa buong gabi. At kahit ngayon pagising niya'y nasa isipan pa rin niya ang pag-uusap nila. It could have been easier for her if he looked a little pleasant. Kahit konti lang, kahit sapat lang na hindi siya mapangiwi kapag naiisip niyang magiging fiance niya ito. Maybe if he could cut that long hair and shave off that beard, he wouldn't look so disgusting. Sinaway niya kaagad ang sarili sa iniisip. Mabait si Hercules. Hindi niya ito dapat nilalait. Pero talagang hindi niya nakikita ang sariling magugustuhan ito. Paano siya magpapanggap?
Nakikinita na niya ang reaksyon ng mga kaibigan niya kapag nalaman ng mga ito na magpapakasal siya kay Hercules Mondragon. Hindi niya napigilang mag-alala. Mapanlait silang tao. At alam niyang siya ang may pinakamalakas na tawa kapag nagkataon. Kapag tinanggap niya ang alok nito, kailangang magmukhang in love siya rito. She wouldn't want to humiliate him so she should be ready.
Kakayanin kaya niya? What if it gets to the point when they should kiss? Bigla niyang naitikom ang labi. Nanayo ang mga balahibo niya sa naisip at parang babaliktad ang sikmura niya. Hindi pa man, nasusuka na siya. Napabuntong-hininga siya. But two million in a month's time... Baliw lang ang tatanggi sa alok na iyon. Kahit siguro sagarin niya ang katawan na magtrabaho, hindi niya kayang kitain ang dalawang milyon sa loob ng isang buwan. It's a tempting offer. She wants it. Malaki ang maitutulong ng perang iyon sa pamumuhay nilang mag-ina.
Napapikit siya. She recalled how miserable she had been the past month. She prayed so hard to get a new life. Siguro ito na ang sagot sa mga dasal niya. She's still hurting after that unexpected break-up. But she's gonna get a new life. And seeing that look on Hercules face makes her want to help him. She'll help him get a new life too.
Pagtingin niya sa bintana'y maliwanag na. Babangon na sana siya para maligo nang maalalang wala na pala siyang trabaho. Napabunga siya ng hininga at muling nahiga. Nakatulugan na niya ang pag-iisip tungkol sa alok ng binata.
Tanghali na nang magising siya at nakaalis na ang Mama niya para magbenta ng mga alahas. Umaambon sa labas pero ayaw niyang maburo sa bahay. Nag-isip siya ng pwedeng gawin pagkuwa'y napangiti. She'll bake a cake. Baking is also a good cure for boredom. Susubukan niya ang chocolate fudge cake recipe na bigay ni Maricar. Pero kailangan muna niyang mamili ng ingredients na kakailanganin niya. Napatingin siya sa bubong nang may tumulo sa batok. Kaagad siyang kumuha ng balde at itinapat sa parteng tumutulo. Kailangan na niyang ipaayos iyon pero mas gusto niyang mag-bake ngayon.
"YOU'RE COOKING?"
Napalingon siya't napatingala. Masyado siyang abala sa pamimili at hindi niya namalayang lumapit ito sa kanya. It's Hercules. He looked quite fresh. Nakatali ang mahabang buhok nito. Parang may kakaibang glow sa mga mata. Parang ang saya nito. Iba siguro ang aura nito sa umaga. Hindi ito masyadong nakakatakot. But she still wished he's cut that hair and shave off that beard.
"Just baking," sagot niya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Stupid question. Pag-aari nito ang supermarket na iyon.
"I guess I'm here to help you," anito at kinuha ang basket na dala-dala niya. Napalunok siya dahil halos lahat ng mga mata'y nakatutok sa kanila.
"Tinitingnan nila tayo," bulong niya.
"So what? I'm courting you."
"What?!" Laglag ang pangang tanong niya.
"When you say yes to the deal, at least, people would know that I courted you first."
Nanliliit ang mga matang tiningnan niya ito. She should know he had planned this. He knew what to do. And he had a point. Kaya hinayaan niyang bitbitin nito ang mga pinamili niya. Nang magprisinta itong ihatid siya'y hindi na siya tumanggi. Sayang din ang otso pesos pang-traysikel, may kargador pa siya.
"Akala ko instructor ka sa Flap?"
"I was."
"Nag-resign ka?"
Napatingin siya rito. Siguro'y wala nga itong alam sa nangyayari.
"Tinanggal ako."
"At bakit naman?" takang-tanong nito. Pagkuwa'y biglang natigilan. "Wait... you're that girl?"
"Na inagawan ng boyfriend ng magaling mong pinsan? Oo." Himutok niya.
Kita niya ang pangangalit ng bagang nito. Hindi ito umimik. Is he mad at her? Nagtaka siya nang bigla itong lumiko at tinalunton ang daan patungo sa dance school.
"I'm not going back there," matigas na sabi niya. "I'm not going to apologize if that's what you want."
"You're not going to apologize. Wynona will," mariing sabi nito.
She felt like her throat is closing up. Ilang beses niyang ikinurap-kurap ang mga mata. Napatingin siya kay Hercules. Seryoso ito. Sa loob ng mahabang panahon, tiniis niya ang magaspang na ugali ni Wynona dahil mahal niya ang trabaho. Kahit ilang beses na tinapakan nito ang pagkatao niya, pinalampas niyang lahat ng iyon. Walang sinuman ang kayang magtanggol sa kanya. Ang boyfriend niyang walang kwenta tumulong pa para mapaalis siya. Ngayon lang na may handang magtanggol sa kanya. Ngayon lang.
"WHAT the hell are you doing here?" kaagad na bungad sa kanya ni Wynona. Nasa tabi nito si Lemuel na hindi makuhang tingnan siya. Hindi siya sumagot na lalong nagpataas ng boses nito. "I told you you're fired! Hindi ka ba nakakaintindi?"
"I hired her back," ani Hercules sa likuran niya. Nakita niyang lumaki ang mata ni Wynona. Ganoon rin ang panlalaki ng mata niya. Pag-aari din ba ni Hercules ang dance school?
"K-Kuya Hercules," anito saka nanginginig ang labing ngumiti. Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. "You're not serious, are you?"
"To the office," mariing sabi ni Hercules. "Wait here," bulong nito sa kanya. Naiwan silang dalawa ni Lemuel. Tiningnan niya ito ng matalim. Gustung-gusto niyang kutusan ang dating nobyo.
"Jane..."
"Huwag mo akong kakausapin kung ayaw mo ng gulo."
"Mawawala ang gulo kapag wala ka rito. Insecured si Wynona sa'yo. Please Jane. Umalis ka na lang."
Mariin niyang ikinuyom ang kamao. Naglapat ng mariin ang mga labi niya. She wanted to scream at his face. This wouldn't have happened if not because of him! Pinilit niyang pinatatag ang boses. "I can't leave, Lemuel." Ngumiti siya. "I'm the future owner of this school. I can't just leave."
Awang ang bibig na napatitig ito sa kanya. Tiyempong paglabas nina Hercules sa office. Namumula ang mata ni Wynona halatang kakaiyak lang. Puno ng galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Pagkuwa'y biglang yumuko sa harapan niya.
"I'm.... I'm s-sorry for what I did yesterday. It was unprofessional. I apologize."
Napatingin siya kay Hercules. She knew her eyes are twinkling as of the moment.
"Apology accepted." aniyang tila nakalutang sa alapaap. "Pero hindi lang naman ako ang nasaktan mo kundi lahat ng taong nagtatrabaho dito."
Kita niyang nanginginig si Wynona sa galit. Wynona never said sorry. Never. Gusto niyang mapahalakhak sa oras na iyon.
"You know what to do, Wynona." ani Hercules na walang kangiti-ngiti.
"Call for a meeting," anito sa secretary. "You'll be sorry for this," mariing bulong nito't nilagpasan siya. Mabilis namang nakasunod si Lemuel dito na tinapunan siya ng galit na tingin. Tinaasan lang niya ito ng kilay.
"I guess you're off for work," ani Hercules sa kanya. "Pasensiya ka na kay Wynona. She was raised a brat kaya ganyan iyan."
Nakangiting tiningnan niya ito. Gusto niya itong yakapin sa tuwa pero maraming nakamasid sa kanila.
"Thank you," buong puso niyang sabi. "I didn't know that you owned the school."
He smiled. "You're welcome. Well, I built this school. This is actually my mother's. Si Wynona lang ang pinamahala niya. But yeah, I'm your boss' boss. So it's an advantage when you say yes to my proposal."
"Sunduin mo 'ko mam'ya. We'll talk about it."
Umabot sa mata ang ngiti nito. "Can we talk it around dinner then?"
Tumango siyang muli. She'll hug him later. Kinawayan niya ito't hinatid ng tingin saka palundag-lundag na tinungo ang locker room. Nang makarating roon ay nakangiting mukha ng mga kasama ang sumalubong sa kanya. Doon na niya napakawalan ang saya. Naglulundag sila't nagtitili sa tuwa. Her day started fabulously. Hanggang sa pagtuturo ng sayaw, dala niya ang kasiyahang ngayon lang niya naramdaman buong buhay niya. Over lunch, Wynona gave an apology speech which made all of them very happy.
She felt she just won over something. She's so happy. She owe it to Hercules. Desidido na siya. She won't be just helping Hercules when she says yes to the deal. He is also helping her get her life back. He just helped her today. He just brought back what they mercilessly took away from her- her pride. He is worthy to be her boyfriend. Well, with certain conditions, aniya sa isip nang maisip na naghahalikan sila. Hindi pa rin niya maiwasang mapangiwi.
KINAHAPUNAN, sinundo siya ng binata kagaya ng napagkasunduan. Habang nasa daan, iniisip niya ang maaring terms of agreement nila. Everything should be written on paper. She had to stress certain limitations. Dahil kailangan din naman niyang protektahan ang sarili niya.
Dinala siya nito sa restaurant na pag-aari ng mga ito. Ang pinakamagarbong restaurant sa lugar nila. Napangiti siya, VIP pa sila. Medyo naalangan siya sa damit na suot dahil pawang mga maykaya lang ang nakakapunta roon. Pero hinawakan siya ni Hercules at diretso ang tingin nito. It seems he didn't care about anyone at all. And it makes her feel comfortable.
"What do you want to eat?" anitong tumingin sa menu.
Nanlaki ang mata niya sa presyo sa menu. Marami siyang naririnig na masarap lahat ng pagkain dito. Kaya naman pala.
"What would you recommend?" aniya. Nang mag-angat siya ng tingin, nahuli niyang nakatitig ito sa kanya. Napaangat siya ng kilay nang may bumundol na kaba sa dibdib.
"Okay," anito saka pinalapit ang waiter. To her surprise, halos lahat ng nasa top menu ang inorder nito. A buffet was prepared just for them.
"This is too much," komento niya.
"Dalhan natin si Mama," sagot nito.
Umangat ang kilay niya.
"Practicing," anitong ngumiti.
Naparami yata ang kain niya. One thing she learned this night, they're quite compatible with food. She had never enjoyed having dinner with someone. Not with all her suitors. Hercules is a good conversationalist. He had humor. And she liked the way he looked at her na tila ba napaka-importante ng sinasabi niya. Ni hindi niya namalayan ang paglipas ng oras at halos nasabi niya sa binata ang tungkol sa buhay niya, sa pangarap niya . At ni hindi pa nila napag-uusapan ang dapat nilang pag-usapan. There's something in the way he speaks that makes her want to listen and look at his face. Kahit pa naaalibadbaran siya sa ayos nito, gusto niya itong pagmasdan sa tuwing nagsasalita ito. Mas mabuti na rin iyon dahil nasasanay siyang tingnan ito na hindi napapangiwi.
"How do yo find the food?" tanong nito nang matapos silang kumain.
"I've never tasted food as great as what I had eaten today."
"That's good," nakangiting saad nito na tila ba natutuwang pagmasdan ang reaksyon niya. "Shall we get down to business?"
"Sure."
May kinuha itong folder mula sa attache case at ibinigay sa kanya. It's a contract of their said agreement. Nangislap ang mata niya nang makita ang halagang Php 2,000,000.00. Nakasaad sa kontrata na makukuha lamang niya ang halagang iyon kapag natapos niya ang isang buwang pagpapanggap bilang fiancee nito.
"I already signed it. Pirma mo na lang ang kulang."
"I shall be frank, Mr. Mondragon-"
"Try to call me Hercules."
Tumango siya. "May kundisyon ako, Hercules."
"Name it."
"No sex."
Saglit na natigilan ito. Biglang namula ang punong-tenga at umiwas ng tingin sa kanya. Bigla tuloy nag-init ang pisngi niya. Hercules was probably not thinking about it. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero kailangang maging malinaw sa kanila ang lahat. She's going to pose as his fiancee, iyon lang.
"O-Of course," anito nang tila mahimasmasan. "All you have to do is pretend that you love me. That, however, includes kissing and hugging in public especially when Walter is around. You just have to be that perfect, too good to be true girl who is madly in love with me that I'm gonna dump after a month. No more, no less."
"Good. I think we have an understanding." aniya at isinulat doon ang kundisyon at pinapirmahan iyon kay Hercules bago pumirma. "I'll keep this," aniya nang makitang nag-iisang kopya lang iyon. Tila pinagawa lang ito ng binata para sa kanya. Tumango ang binata, tila shocked pa rin sa nasabi niya.
FOCUS, ani Hercules sa sarili. He didn't expect that. Ni hindi niya naisip ang bagay na iyon. But seeing himself naked with Jane drives him nuts. It's only the second day and she's already getting on his system. He seriously needs to overcome his feelings for her.
You're over her, kumbinsi niya sa sarili nang biglang bumilis ang t***k ng dibidb. Besides, she is just like any other woman. There's nothing special about her. Tiningnan niya ito. Kumalma ang puso niya. She's just a normal girl with exceptionally soft hair and a very beautiful face. And tantalizing eyes, perfect nose and soft, delicate and inviting lips that is causing his heart to beat frantically again.
"Nakikinig ka ba?" tanong nito na nakapagpagising sa kanya.
"Yes. All is settled then," aniyang inilahad ang kamay. Ngumiti ito at tinanggap ang kamay niya.
She smiled at him. This night is what he had longed to experience. Alright, he shall enjoy this. He shall overcome his feelings for this woman and beat Walter. It's all worth two million. It's like hitting two birds in one stone.
"It's a deal," aniya.
Humugot ito ng hininga bago nagsalita. "Yes. We have a deal."
"Okay, starting now, you're mine," aniya, in a very businesslike tone. Pinigil niya ang nag-uumalpas na saya sa dibdib. "Bawal kang tumanggap ng manliligaw o mag-entertain ng texter o caller. Kapag may stalker ka, ipakukulong ko kaagad. At pinaka-importante sa lahat, walang sinumang pwedeng makaalam nito. Ikaw lang at ako. Or this will be over. Is that clear?"
Tumango ito sa kanya saka ngumiti. "Of course, love."
Naumid ang dila niya. She called him love. Pero mas nagulat siya nang ipinulupot nito ang kamay sa batok niya at niyakap siya. "You've been my hero today. Thank you," anito at tumingkayad para bigyan siya ng halik sa pisngi. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib. Aatakihin yata siya sa puso.