"UY!" anang kaharap sabay bato ng throw pillow sa kanya. "Nakikinig ka ba?" Tumama iyon sa mukha niya. Saka lang niya namalayang nasa sariling pad na siya hawak-hawak ang isang boteng beer na wala ng laman kaharap ang hindi imbitadong bisita na may sinasabing hindi niya maunawaan. "What's that again?" aburidong tanong niya. Nagbukas siya ng panibagong bote ng beer. Hindi niya maalis sa isip si Jane. Ang totoo'y ayaw niyang mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Gusto niyang paulit-ulit na balikan iyon. Jane kissed him like she was in love with him. He wants to live remembering that perfect moment. Except the fact that all he did while she was kissing him was freeze. Humugot siya ng malalim na hininga. Kailan kaya darating ang panahon na hindi na siya matitiyope kapag kasama ang dalaga?

