Chapter XVI: Plan

1305 Words
Bago pa man makalapit ang mga tao kina Gerardo at Harvey na gustong-gusto silang saktan ay mabilis na silang nakaliko at nakahanap ng mapagtataguan. "Hanapin natin sila!" sigaw ng lalaki ng hindi na nila abutan ang mag-ama. Pero sina Gerardo at Harvey, nasa ilalim ng kotseng naroon at tanging ang mga paa lang ng mga tao ang nakikita nila. "Bakit pa ba tayo mag aaksaya ng oras para hanapin sila? Dapat ang ginagawa natin ay ang maghanap ng paraan kung paano makakaalis dito sa Sta. Rama," tutol ng isang ginang habang hawak-hawak ang umiiyak nitong anak na babae. "Hindi na tayo makakalabas ng buhay dito! Nakita niyo naman hindi ba? Wala na tayong malalabasan dahil sinaraduhan na ang buong Sta. Rama. Kaya kung ganoon din naman ang mangyayari, mabuti pang mamatay na naipaghiganti ang nangyari sa pamilya ko!" nanggagalaiting sabi ng lalaki. Nakita nina Gerardo at Harvey nang mag-alisan ang mga ito dahil kita nila nang maglakad ang mga paang nakikita nila mula sa ilalim ng kotse. Iba't-iba ang direksiyon na tinumbok ng mga ito. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ang mag-ama. "Ano bang ibig sabihin ng lalaki kanina? Anong sinaraduhan?" nakakunot ang noong turan ni Gerardo. "Dad, ang mabuti pa po umalis na lang tayo. Baka bumalik pa iyong lalaking galit na galit sa atin," suhestiyon ni Harvey. Naglakad ngang muli ang mag-ama at tinumbok ang daan kung saan nanggaling ang mga tao kanina. May mga nagliparan namang mga jet sa kalangitan, tapat sa bayan ng Sta. Rama. Ang mga ito ay dumating para patamaan ang mga earthworm na naggagapangan sa mga tao ng Sta. Rama. Subalit hindi rin ipinatuloy ng presidente ang plano dahil malapit lang ito sa pader na ginawa at pinangangambahang guguho rin ang pader na iyon. Sa halip, iniutos na patamaan lang ang mga earthworm kapag malayo ang mga ito sa pader na nakapalibot sa bayan ng Sta. Rama. "Are we doing what is right, Mr. President?" tanong ng isa sa mga kasamahan ng presidente doon habang pinapanood mula sa monitor na nasa harapan nila ang nangyayari sa Sta. Rama. Kita rin nila doon ang nangyayari sa loob ng Sta. Rama dahil sa camera na nakatutok sa bayang iyon. "This is just the only way...kung mas iisipin natin nang iisipin ang buhay ng mga natitira pa sa Sta. Rama, manganganib ang iba pa na hindi naman kailangang manganib dahil hindi pa rin natin alam kung paano mapupuksa ang mga infected earthworms na iyan lalo na ngayon na mas dumami pa sila," sagot ng presidente habang seryoso itong nakatingin sa monitor kung saan kita nila na halos tabunan na ng maliliit na earthworm ang bawat isang tao na mabiktima ng mga ito. "We need to do something," seryosong sabi ni Kennedy na nakatingala lang sa mga jet na nasa itaas. Naririnig pala siya ng sundalong nakausap at lumapit ito sa kanya. "Ano ba ang balak ninyong gawin? Ano bang magagawa ninyo?" ang mahinahon nguni't malungkot na tanong ng sundalo kay Kennedy. "Kailangang makapunta kami kahit paano sa Sta. Rama, kailangang may gawin kami para mailigtas ang mahal namin sa buhay. Hindi p'wedeng tatayo lang kami dito at maghihintay ng susunod na mangyayari lalo pa at tila wala ng may balak na saklolohan ang mga taga Sta. Rama," ang luhaang sabi naman ni Alpha. "I can help," walang gatol na sabi ng sundalo. Sabay pang napatingin sina Kennedy at Alpha dito. "How?" agad tanong ni Kennedy. Samantala, mula naman sa monitor na tinitingnan ng presidente at mga kasama nito, they spotted Gerardo and Harvey. Papunta na ang mga ito sa labasan sana ng Sta. Rama nguni't ang nagkakagulong mga tao at infected earthworms ang nasilayan ng mga ito. "Wait! That's the kid who caused all of this trouble, right?" tanong ng isa sa mga naroon. "Yes...they were lucky, ligtas pa rin sila. And I think, wala pang napapahamak sa pamilya nila," mahinang sagot ng presidente. "But," sabi ng isa na tumayo pa mula sa pagkakaupo, "Sooner or later, baka mamatay na rin sila. Kung hindi man dahil sa mga infected earthworms, baka ang maging dahilan ay ang mangyayaring pagsabog sa Sta. Rama," anito "A-ano 'to?" gulat na sambit ni Gerardo nang makita ang mga taong tila pinagkakaguluhan ng mga earthworm. "Dad, ito ang ibig sabihin ng lalaki kanina sa sinabi niyang wala ng makakalabas pa ng buhay dito," sambit naman ni Harvey habang tinitingala nito ang mataas na pader. "Aaahhh!" Pinukaw ang atensiyon nila sa kabilaang hiyawan ng mga tao, may mga gumegewang pang nakakabunggo sa kanila dahil sa sakit na nararanasan ng mga ito. Hinila naman bigla ni Gerardo ang anak nang may mapadikit dito na isang tao na nakakaranas na ngayon ng mga sugat sugat na pulang pula at nagdudugo pa. "Anak, tayo na. Maghanap tayo ng ibang malulusutan. Huwag mong hayaang may mapadikit pa sa'yo baka mahawaan ka nila," ang alalang sabi nito. "Dont worry dad, hindi po sila makakahawa. Tanging ang mga infected earthworms lang po talaga ang nakukuhaan ng ganyan," maagap namang sagot ni Harvey dahil nga sinabi na rin noon na hindi naman ito nakakahawa at tanging ang mga earthworms lang ang kailangang 'wag madikitan. Tila nakahinga naman ng maluwag si Gerardo sa sinabi ng anak. "Halika na!" hinatak ni Gerardo ang anak upang lumayo doon, dahil makikita ang kakapalan ng mga earthworm na naroon idagdag pa ang tatlong malalaking earthworm. Kahit pa sabihing hindi naman sila didikitan ng mga earthworm, hindi pa rin nila masasabi kung may mangyaring hindi sadyang mapadikit sa mga ito. Agad nga silang lumayo dito at umiba ng direksiyon at pilit humanap ng maaaring daanan palabas ng Sta. Rama. Pero gaya ng nauna nilang dinatnan, pawang nagtataasang pader ang napupuntahan nilang dulo. "Maraming salamat sa ginawa mong ito, iho," bahagyang tinapik ni Kennedy ang balikat ng sundalong siyang kumokontrol sa helicopter na kinasasakyan nila ngayon. Iyon ang sinasabi ng sundalo kanina nang sabihin nitong makakatulong siya. Kumuha ito ng helicopter ng palihim at lumipad nga siya kasama sina Kennedy at Alpha. May mga nakakita nang tumapat ang helicopter sa Sta.Rama nguni't wala na rin namang tumutol o humadlang pa sa ginawa nila. "Kung may balak silang pasabugin na lang ang buong Sta.Rama, siguradong uunahin nila ang parte kung nasaan ang mga earthworm. At ang parte na malayo sa mga pader na ginawa ay hindi nila patatamaan. Gagawin nila iyon upang siguruhin munang walang makakatakas na earthworm, at pag nakasigurado na sila, siguradong saka pa nila pasasabugin ang mga malapit sa pader. Ihuhuli nila ang mga parteng malapit sa pader upang masigurong kahit mawala na ang harang, wala na ring mga infected earthworms na maiiwan. Siguradong grabeng pagpapasabog ang gagawin nila upang walang makaligtas na earthworms," mahabang paliwanag ng sundalo. "If that's the case, we need to hurry so we can save our love ones," sabi ni Kennedy. "Dito ko na lang ilalapag ang helicopter, malapit sa pader para makasigurong hindi ito madadamay agad sa pagsabog," sabi ng sundalo nang mailapag ang helicopter sa isang open area malapit sa pader, malayo rin ito sa parte ng Sta. Rama na may mga nagkakagulong tao. Nang makababa ay dali-dali silang nagsimula agad sa paghahanap. "Sir, take this," iniabot ng sundalo ang isang radyo kay Kennedy at isa naman kay Alpha. "Sa sitwasyong kailangan nating magmadali, kinakailangan talaga nating maghiwa-hiwalay. Magkita-kita tayo dito pag nahanap na ninyo sila at iradyo niyo kung nakabalik na kayo dito at ganoon rin ako pag nahanap ko na ang nanay ko," dagdag pa nito. Sinang-ayunan nila ang sinabi ng sundalo. "Take care. I believe that we can get over from this tragedy and we'll see each other here again, please save your mom, soldier. Be brave," sabi ni Kennedy bago humiwalay ang sundalo sa kanila. "Dad, promise me na makakabalik po kayo dito kahit anong mangyari," sabi naman ni Alpha kay Kennedy bago siya humiwalay dito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD