Kabanata 2

2036 Words
NAABUTAN ni Regor na tulala ang matalik na kaibigan. Kasalukuyan itong naka-upo sa sulok na mesa, 'di kalayuan sa bintana kung saan tanaw na tanaw pa rin ang magandang tanawin sa ibaba. Inukupa ng sandamakmak na libro ang ibabaw ng mesa. Makakapal ang mga ‘to, mas makapal pa sa mukha niya at lahat ay nakabukas.  Wow! How can she manage to read all of that? Nakikita pa lamang ni Regor iyon ay inaantok na agad siya. Nagpakawala ang binata ng isang malalim na buntong-hininga. Nais niya sanang gulatin ang kaibigan kaso baka humiyaw ito't makagawa ng ingay sa loob. Paniguradong pagagalitan silang dalawa o 'di kaya naman ay palalayasin sa loob. “Uy!” aniya sa kaibigan.  Sinundot-sundot niya ang tagiliran nito upang makuha ang atensyon ni Maris na hanggang ngayon ay tutok na tutok pa rin ang atensyon sa mga binabasa. Hindi man lang 'ata narinig o naramdaman ni Maris ang kaibigan.  "What's up?" he asked.  Inakbayan niya ito at inalis ang kulay dilaw na nakasuksok sa kaniyang tainga.  "Ano?" asik niya. "I told you not to pester me when I am studying!"  "Aray ko naman mare. Kanina pa kita hinahanap sa building niyo. Sabi ko naman sa ‘yo hintayin mo ako dahil mas mabait ang mga Prof niyo. Sa amin sagad na sagad ang oras, madalas nga ay overtime pa.” “Time is gold. Alam mo naman kung saan ako hahanapin,‘di ba?” pabulong niyang sagot.  “Ano pa nga ba?” mapait niyang anas. Ipinatong ni Regor ang pisngi sa ibabaw ng mesa. Patagilid siyang nakahiga habang minamasdan ang kaibigan na kasalukuyang nakatingin sa kisame, bumubulong-bulong mag-isa, at tila may binibilang sa daliri.  Nakikita niya ba sa kisame ang mga sagot? Sana all.  “Uy, Maris.” Muli niyang sinundot ang dalaga, pero hindi na siya pinansin nito. Bagot niyang ipinikit ang mata. Inabala niya ang sarili sa pagde-daydream ng iba’t-ibang masarap na pagkain dahil kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Habang binabagtas niya ang daan patungo sa building nila Maris ay nagwe-welga na ang mga alaga niyang bulate sa loob.  Muli ay bumuntong-hininga siya. “Ano ba kasi ‘yang binabasa mo?” “1987 Constitution.” “Ah, 1987 Constitutin." Tatango-tango niyang anas. "Ano naman ‘yon?” “Fundamental Law of the Land.” “Ay, okay. Mga batas sa lupa? Akala ko sa Law School pa ‘yan.” “It was one of the basics.” “Isang tanong isang sagot segment ba ‘to?” tanong niya na may halong pag-uuyam. Nagkibit-balikat lamang si Maris. Muli niyang itinuon ang pansin sa 1987 Constitution. at ilang libro na nakahain sa kaniyang mata. She wanted to read and analyze each line. Ayaw niyang may malampasan na impormasyon. Pakiramdam niya, lahat ng impormasyon ay mahalaga at hindi maaring balewalain.Also, she wanted to memorize it with heart. “Gutom ka na?” Tanong ni Maris matapos ang ilang minuto ng katahimikan. Tila pumalakpak ang tainga ni Regor sa narinig. Kumislap ang mata niya at agad na napa-diretso ng upo.  “Hay, buhay! Sa wakas itinanong mo rin. Akala ko hahayaan mo nalang akong papakin ng lamok dito at mamatay sa gutom kakahintay sayo.” “Kumain ka muna. Hindi ako makapag-focus dahil diyan sa tiyan mong tunog nang tunog.” Anak ng tupa! “Hindi mo ba ako sasamahan?” “Bakit, hawak ko ba bunganga mo?”  Pucha! “Hindi p—” “Kaya mo naman kumain mag-isa. Balikan mo nalang ako rito kapag tapos ka na.” Sinilip niya ang wristwatch. “Malapit na rin naman mag-open gate. Sasabay ako sa ‘yo umuwi."  “Nakakatampo ka, Maris!” Padarag niyang inusog ang upuan. Agaw pansin tuloy siya sa loob. Mabuti na lamang at naka-idlip ‘yung Librarian.  “Regor, please? Huwag mong isabay ang init ng ulo mo sa init ng ulo ko.” “Akala ako ba... akala ko ba walang iwanan, peksman? E bakit ngayon, lagi ka ng solo flight? Madalang mo na lang ako sabayan at samahan. Hindi ka naman ganyan dati, a.” “Regor, it’s not always about us. Hindi naman pwede na lagi tayong nakabuntot sa isa’t-isa. May kanya-kanya tayong buhay at pangarap na gustong abutin. We-” “You’ve changed.” And with that, he left her. Nakatulala siya sa kawalan habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Importante si Regor sa kanya. She spends almost half of her life being with him. Hindi kumpleto ang araw niya kung wala ito. Importante siya, pero itong pag-aaral niya para sa magandang kinabukasan ang priority niya. Ibinaba niya ang mata sa 1987 Constitution. First year pa lang siya, kabisado niya na ito. Required kasi iyon na kabisaduhin at isapuso. Gusto niya lang ma-refresh ang utak niya, at masiguro na wala siyang nakalimutan lalo na’t may graded recitation sila bukas. Kasalukuyan siyang nasa ikatlong taon at huling semestro bilang Political Science Student. Sa susunod na buwan ay may summer term pa sila para sa practicum. Halos isang taon na lang ay iiwan na niya ang kolehiyo. She wanted to pursue law after this, but her parents can’t afford the fee. Kaya't sinisikap niyang mag-aral upang makakuha ng matataas na marka; mas mataas na tiyansa upang magkaroon ng scholarship kung sakali.  Hindi siya naniniwala na hindi hadlang ang kahirapan upang matupad ang pangarap. Kaya lang naman iyon nasasabi ng iba ay dahil nadapuan sila ng swerte. Kahit gaano ka pa kasipag at katalino, kung wala kang pera ay mahihirapan kang makapagtapos. Money talks, ika nga nila.  Lumabas si Maris dalawang minuto bago tuluyang bumukas ang gate. She was expecting to see his best friend outside, but he wasn’t there. Bumuntong-hininga siya. “Mukhang masama nga ang loob sa akin.” Sinubukan niya itong tawagan pero out of reach ang binata. She even left a message, but his friend didn’t show up. Bitbit ang bag na puno ng libro at lukot na term papers, pinuntahan niya ito sa canteen ng department. Natagpuan niya ang kaibigan sa loob, pero hindi ito nag-iisa. Abala itong maki-tawa sa dalawang babae  na kasama at kasalo niya sa mesa. He looks happy… and fine even without her. And it pained her.  Kumuyom ang kamao ni Maris at dali-daling tumalikod. Nagiging immature nanaman siya mag-isip. Normal lang naman na magkaroon ito ng mga bagong kakilala at kaibigan. Ano ba itong ipinuputok ng butsi niya?  She's just being jealous and she hated to admit ng fact. Hindi lang siguro siya sanay na iba ang kasama, kakulitan, at katawanan ng matalik na kaibigan. Their setup in college changed their usual routines but will not tear them apart.  Stay calm, Maris. You are being unreasonable and immature.  “Good job, Krieg! Pinatunayan mo sa amin ng lolo mo na dugong Cojuanco nga ang nananalaytay sa ‘yo.” His father tapped his broad shoulder with a smile on his face. Abo't hanggang sa tainga ngiti dulot ng tamis ng tagumpay.  “It was nothing, dad. I just did my task while enjoying," pagyayabang niya. "It was like hitting two birds with one stone."  Kagabi ay pumutok na ang scandal ni Cee. Marami ang nawindang nang mapanood ang maselang pornograpiya ng dalaga. Kitang-kita kung gaano siya kagaling kumain at sumubo. Pati na rin kung gaano ito ka-eksperto gumiling sa ibabaw.  She’s really hot and wild in bed. He will surely miss her performance. “Putol na ang pakpak ng kabilang partido, mahihirapan na silang lumipad.”  "Paniguradong nagkukumahog na ang partido nila sa paghahanap kung sino ang puno at dulo ng lahat. Did you clean your mess before exposing it?"  "Yes, daddy. Malinis ako trumabaho," he said while grinning.   His lips quirk up a bit. “They deserved it. Alam dapat nila kung saan sila lulugar. Aware dapat sila kung sino ang dapat at hindi dapat kalabanin.” “Good thing you didn’t follow your sibling’s footsteps,” iiling-iling na hayag nito.  The family was expecting something big from their first born. Palaban kasi si Charlene kahit babae ito ngunit sa ibang larangan niya pinili lumaban.  “Let them live the life they want, dad.” Isang ngisi ang ipinaskil niya sa kaniyang mukha. Hawak niya sa kanang kamay ang makinang na baril. Kapagkuwa'y inihipan niya ito at saka muling ngumisi nang makitang mas makinang na iyon, at mahihiya na ang alikabok na kumapit pa. Perfect!  “Call them tomorrow. Sabihin mo ay umuwi sila sa victory party ko. Make them come before I drag their ass here.” “Okay, dad. But I don’t think your secondborn can make it. Kabuwanan ‘ata ng misis niya. You know how family-oriented he is, right?” "Family-oriented," he mocked half laughing. "Aren't we his family too?"  Matinik ang pangalawa niyang anak, taon-taon ay binubuntis ang asawa. Plano pa ‘ata nitong gumawa ng isang buong basketball team at isali sa liga ng barangay.  “Sana lang ay makuha ng mga anak niya ang dugo natin."  Kinabukasan, idiniklara na sa publiko ang pagkapanalo ng kanyang ama sa halalan. Marami ang na-turn off sa kabilang partido. Ayon sa mga ibang kumento, anak nga raw niya ay hindi niya mabantayan, taombayan pa raw kaya? Ilang araw na walang pansinan si Maris at Regor. Parehas nilang tinitiis ang isa’t-isa. Hindi maiwasan ng dalaga na hanap-hanapin ang presensya nito. Katulad ngayon, mag-isa siyang naglalakad sa kalsa, pauwi sa apartment na inuukupahan. Yakap niya ang sarili habang pinipilit ihakbang ang dalawang paa. Kusa siyang dinala ng mga paa sa parke kung saan sila madalas tumambay ni Regor. God knows how much she missed him.   “Hindi ko nalang dapat sinabi ‘yon.” Bumuntong-hininga siya't pinagsisihan ang nangyari. Kung kaya niya lang ibalik ang oras upang bawiin ang mga nabitawan niyang salita sa matalik na kaibigan ay gagawin niya.  Paulit-ulit niyang inuntog ang sarili sa isang puno. Kung may makakakita man sa kanya ay paniguradong iisipin nilang baliw siya at takas sa Mental Hospital. Bang! Halos mabuwal na siya sa kinatatayuan. Paulit-ulit siyang lumunok habang nanlalaki ang dalawang mata. Nagulat siya nang marinig ang isang tunog ng baril ‘di kalayuan mula sa lokasyon na kinaroroonan niya ngayon. Itinago niya ang sarili sa likod ng puno. Nasundan pa iyon ng dalawang beses. Muling nanlaki ang mata niya at tila napako ang mga paa ng makita ang isang naka-all black na lalaki. Nakahandusay ito sa damuhan. Taranta niyang kinapa ang cellphone sa bulsa, pero sa kamalas-malasan ay ubos na pala ang baterya nito. “A-Ayos ka lang?” Hindi na siya nakatiis, nilapitan niya ito. “Do you think I’m okay?” Tila slow motion itong lumingon sa gawi niya. Napangiwi si Maris. Panginoon, nasa langit na ba ako? Isang adonis! She was mesmerized. Kung gaano katagal siyang nakatulala lang sa mukha nito ay hindi niya alam. Maganda ang mata niya kaso madilim at mukhang mapanganib. Kapansin-pansin ang makapal niyang kilay at prominentang panga. Lalo na ang labi niyang--crap! Ano ba ang nangyayari sa akin? “Is something wrong with my face?” Ramdam ni Maris ang pag-iinit ng kanyang mukha subalit pinili niyang itago ang pagkapahiya sa kanyang katarayan. She raised a brow. “Mukhang hindi ka naman napuruhan. May kaunti kang galos sa mukha pero gwapo ka pa rin naman.” Tumayo ang dalaga ay pinagpag ang palad niyang narumihan. “Your place or mine?” "Pardon?"  "Your place or mine?" he asked again, never minding the aura that she's giving him.  Muling pinamulahan ang dalaga nang rumehistro sa kanya ang sinabi nito. “Impyerno kuya, gusto mo?” Her eyes turned 360 degrees. “Oh, ayan kuya, band-aid para sa sugat mo at itong alcohol naman para sa marumi mong utak. Ibuhos mo lahat, ha? Para maalis ang mikrobyo.” “Don’t you know me?” Tumayo ito at napadaing sa sakit. “Artista ka ba? Ah, siguro hindi ka sikat.” “I’m Krieg.” “I’m…” pabiro niyang inilahad ang kamay sa binata, pero agad din niyang binawi ng akmang aabutin na niya ito. “not interested.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD