NAWALA ang konsentrasyon ni Imo sa kausap sa cellphone niya. Napatingin siya sa dalawang bulto na bumaba sa jeep ilang metro sa kabilang bahagi ng kalsada mula sa kinaroroonan niya. Iyon palang ang nag-iisang jeep na huminto doon mula pa kaninang naroroon sila at bibihira rin ang dumadaang sasakyan. Pasado alas tres palang sa oras na iyon at walang tao sa paligid. Bukas ang van na kinalulunan niya kaya kita niya ang dalawang tao mula sa pagbaba ng jeep hanggang sa pumasok ang mga ito sa kasukalan. Napansin din niya ang paglinga-linga ng lalake sa paligid. Isinuot ng lalaki ang hood jacket na suot ng babae sa ulo nito habang inaakay ito papasok sa kasukalan. Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya. Namumukhaan ni Imo ang mga iyon. Ang lalaki ay si Ludgi na anak ng isang dating trabahado

