PAGKAGALING nila sa ospital ay dumiretso siya sa isang bangko para asikasuhin ang kanyang savings account na hindi niya makuha dahil wala siyang proof of identification. Pinuntahan nila ang isang kilalang bangko kung saan nakalagak ang kanyang savings account. Kinausap nila ang malapit niyang kaibigan na nagtatrabaho doon bilang Assistant Supervisor – si Aurora. Isa pang dahilan kung bakit hindi siya bumalik sa Maynila ng mga panahong mag-isa pa lamang siya at wala pa sa poder nila Ludgi ay dahil ayaw niyang umalis ng Tres. Ang gusto niya ng mga panahong iyon ay ang makapaghiganti kay Kanor at masubaybayan ito. Hindi niya nagawang puntahan ang kaibigang si Aurora dahil hindi pa niya alam ang gagawin. Puntahan man niya ito ay para ayusin ang ipon niya sa bangko ay kukulangin siya sa oras.

