“MARINA?” Ang nurse ang nagsalita. Napatingin silang dalawa ni Ludgi sa nurse. Bumaling dito si Marina saka tumango-tango. Na mukhang naintindihan ng nurse. Palipat-lipat nalang ang tingin niya sa mga ito dahil kahit walang salitang namumutawi mula sa mga ito ay mukhang nagkakaintindihan ang dalawa. Nang tila magkaintindihan ay ibinalik ni Marina ang atensiyon sa kanya. “Ikaw si Saphira hindi ba?” pagkuwa’y seryosong tanong nito. Napalunok siya. Bumukas-sara ang bibig niya. Papaanong nalaman ni Marina ang pangalan niya? At papaanong parang bigla itong tumino? Magsisimula palang siyang magtanong ng marahan nitong pakawalan ang kamay niya. Muli itong bumaling sa nurse. “Kaya ko na dito, Susan. Maari mo na kaming iwan.” Anito. Napanganga siya. Hindi yata at bigla talaga itong naging

