EPISODE 15

1486 Words
Paglabas ni Shine mula sa comfort room, hindi niya inaasahan na nandoon pa rin si Jiro sa mahabang pasilyo, patiently at palihim na nag-aabang, hindi nawawala ang pagkabahala sa kanyang mukha. Naglakad siya papalapit kay Shine at agad siyang sinalubong ng mahinahong tanong, "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Dama ni Shine ang tapat na pag-aalala sa boses ni Jiro; ramdam ang pagmamalasakit sa mga salitang binitiwan. Kahit hindi pa siya lubos na maayos, pinilit niyang ngumiti upang hindi na mag-alala pa lalo si Jiro, "Oo, medyo okay na ako. Salamat ha, at sorry sa inasal ko kanina," magalang na paumanhin ni Shine, sabay tagong ngiti upang maibsan ang tensyon. "Simpleng bagay lang ‘yon, wag mo nang intindihin," sagot ni Jiro, pilit na pinapagaan ang sitwasyon at halatang naiintindihan ang pinagdadaanan ni Shine. "Sigurado ka ba, wala nang masakit sa’yo ha?" pangungulit niya, bumabakas sa mata ang pag-aalala. "Kung sakali, tara muna tayo sa clinic para siguradong safe ka," alok pa niya nang may bahid ng pag-aasikaso. "Okay na talaga, medyo nawala na, puson ko lang talaga yung sumakit kanina," sagot ni Shine, sinadyang maging buo ang tinig upang mapawi na ang kabalisahan ni Jiro. "Sige, ikaw na mauna, susunod lang ako," sabi ni Jiro, buong paggalang. Pagpasok nila sa classroom, agad silang napansin ng kanilang mga kaibigan—kitang-kita sa mga mata nina Rence, Kevin, Mira, at Mark ang pag-aalala. "Napano ka Shine?" agad na tanong ni Rence, halos mapansin ang maputlang mukha ni Shine. "Naku, Rence, wala naman ito," pilit pinapangiti ni Shine ang sarili sa harap ng mga kaibigan, kahit ramdam pa rin ang konting sakit ng puson dahil sa dysmenorrhea . Tahimik lang si Jiro sa likod, observant at nakamasid, handang tumulong kapag kailangan. Samantala, sina Samantha at Saab, na mga bagong salta sa klase, ay abalang nakikipagmabutihan sa iba pang kaklase. "Hey, ganun ba talaga ang ugali ni Jiro?" pabulong na tanong ni Samantha sa katabi, mahigpit ang tingin at siguradong walang makakarinig. "Hmm, oo, mabait naman siya, pero diretsahan lang. May mga bagay na hindi niya talaga gusto, pero dito sa klase, okay naman siya," sagot ng estudyante, sabay sulyap sa grupo ni Jiro. "Kaya lang, parang nakakapagtaka na parang may ayaw agad siya sa inyo. May nagawa ba kayong di niya nagustuhan? Iwasan niyo na lang siyang asarin kasi nakakatakot yun magalit, lalo na kapag seryoso," dagdag pa ng kaklase. "Kahit mayaman ka, di ka niya sasantuhin kung may mali kang nagawa," warn pa nito. Napatingin si Samantha kay Jiro, na tahimik pa ring nakatayo malapit kay Shine, at napansin din niya kung paanong maalaga ito sa dalaga. "Eh sino yung babae? Girlfriend, pinsan, o kapatid ba niya yun?" tanong niya, sabay turo kay Shine. "Hindi, mag-best friend lang silang dalawa. Sobrang maalaga lang talaga si Jiro kay Shine, tipong siya ang defender, kaya wag mo siyang pakikialaman," paalala ng kaklase na tila alam ang ugali ni Jiro. "Hehe, ganun ba? Siya pala yung taong nakabanggaan ko anyways, maganda siya," bulong ni Samantha sa sarili, natatawang may konting inggit na nararamdaman. Napansin naman ng babae na katabi ni shine na nakatingin si Samantha saknila , kaya inirapan siya at nagpakita ng hindi pagkagusto; parang may namuong tensyon sa kanilang dalawa. Medyo nagulat si Samantha—pamilyar ang mukha ng babae pero di niya matandaan kung saan niya nakilala o Nakita ito , marahil ay may galit din ito sa kanya dahil sa nakalipas. Biglang nagbukas ng usapan ang katabi ni Samantha, "Ay, tamang-tama pala ang lipat niyo dito sa school namin,” excited nitong sambit. "Bakit daw?" tanong ni Saab, nakikinig lang si Samantha. "Malapit na kasi ang acquaintance party ng buong school," sagot ng kaklase, sabik ang mga mata. "Dito lang ba gaganapin?" usisa ni Saab, sabik na malaman. "Hindi, sa Batangas gaganapin, sa resort na pag-aari ng pamilya ni Jiro," proud na wika ng kaklase. "Ay, exciting! Ang saya, parang reunion," sagot ni Saab, kitang-kita ang tuwa. "Take note, halos lahat ay gastos ni Jiro, tayo personal na gamit na lang ang dadalhin," dagdag pa ng kaklase. "Grabe, galante. Baka nagpapakitang gilas lang yan," biro ni Samantha, sabay tawa. "Hindi, ganyan na talaga siya, generous since bata pa," seryosong tugon ng kaklase, sabay sulyap sa grupo ni Jiro at Shine. Habang nagkukwentuhan, namataan ng isa ang mala-muse at escort vibe nina Shine at Jiro—palaging napapansin, maganda at guwapo, laging napipili bilang muse at escort sa mga school events. "Bagay sila, parang mag-jowa," bulong ng isa, pero agad tinutulan ng kaklase, "Magkaibigan lang talaga silang dalawa, never naging mag-jowa." Hindi naglaon, dumating ang professor. Tumigil ang lahat ng usapan, lumipat ang atensyon sa lesson at lecture. Tahimik na nag-aral ang buong klase hanggang matapos ang period, at nang sumapit ang uwian, nagsimula nanamang mag-usap ang magbabarkada. Habang nag-aayos ng gamit, nilapitan ni Jiro si Shine at inialok, "Akin na ang bag mo, ako na magdadala." Kita sa mukha ni Jiro ang tindi ng pag-aalala, at mahigpit na alaga sa kaibigan. "Wag na, kaya ko naman," medyo mahina ang pagkontra ni Shine. "Shine, wag mo na pilitin, hayaan mo na, please," pakiusap ni Jiro, may lambing at pagmamakaawa. "Sige na nga, mapilit ka eh," sagot ni Shine, sabay abot ng bag. "Tara na sa canteen, magmeryenda tayo," aya ni Jiro, nakangiti at inalalayan sa braso si Shine. "Uy, kayo lang ba? Paano naman kami?" reklamo ni Kevin, sabay pout. "Kevin, wag ka nga magpabebe, may paa ka naman, di ba?" pabirong sagot ni Jiro, natutuwa sa kaibigan. "Bakit kay Shine lambing mo, sa akin suplado?" dagdag ni Kevin, parang nang-aasar. Bigla namang kinaltukan siya ni Mira, "Leche ka Kevin, ang sagwa mo! Chicks ka ba?" asar pa ni Mira. "Makakaltok Mira, grabe. Jowa lang ang drama?" biro ni Kevin, kasabay ng tawanan ng barkada. "Eww, mukha mong sagot sa jowa! Di kita type, no. Sa dami mong sinasabi at sa kasibaan mong taglay, in your dreams na magustuhan kita," asik pa ni Mira. "Kayo talaga, parang aso't pusa," sita ni Rence, umaalingawngaw sa buong hallway ang tawanan nila. "Bro, laging kontra si Miss Mira," sumbong ni Kevin, na lalo lang pinatawa ang grupo. "Tara na, gutom na ako," yaya ni Jiro, sabay hila sa barkada papunta ng canteen. Pagdating nila sa canteen, kahit puno ng estudyante, may nakalaan na reserved seats para sa kanila, extra effort ni Jiro na laging pinaprioritize ang comfort ng kaibigan. "Shine, anong meryenda mo, ako na bibili," alok ni Jiro, handang magsilbi. "Eh sa amin din ba, ikaw na bibili?" hamon ni Kevin, sabay taas ng kilay. Sinamaan lang ng tingin ni Jiro si Kevin, kaya natawa at sumuko na lang ito. "Ako nga sabi, kami na eh!" biro pa ni Kevin, pilit ginagawang light ang atmosphere. "Bahala ka, Jiro. Hindi naman ako maarte, wag mo lang dadamihan ng pagkain ha," sabi ni Shine, payak at simpleng request. Kaya't tumungo na ang mga lalaki para kumuha ng pagkain naiwan silang dalawa ni Mira sa lamesa na inookupa nila . Samantala, si Samantha ay lumapit kina Shine at Mira, nagbigay ng matalim na pagbati, "Dito pala tayo muling magkikita." Tinitigan niya si Shine, sabay paalala, "Rich kid ka pala, pero nung nahulog mo iPhone ko, di mo madaan sa bayad?" pasaring niya, may halong yabang. "Excuse me, bakit ko naman babayaran ang isang bagay na di ko kasalanan?" sagot ni Shine, mahinhin pero matatag. Inismiran siya ni Samantha, sabay tingin kay Mira. "Hey, ikaw, sama mo tumingin sakin ah!" sabi ni Samantha kay Mira. "Friend, nakalimutan mo na ba ako? Sige, kalkalin mo muna sa memorya mo," pasarkastikong sagot ni Mira. "Kung wala ka nang kailangan, tsupi ka na lang, di ka welcome dito," dagdag pa ni Mira. "Hmmp," sabay talikod ni Samantha, halatang na-offend. Napansin ni Shine na mukhang may galit si Mira kay Samantha, kaya nagtanong siya, "Friend, bakit nga ba?" Tumango lang si Mira, "Ikukwento ko sa'yo balang araw, promise, wag lang muna ngayon," pagpapaliwanag ni Mira na halatang may tinatagong hinanakit sa puso. Tumango na lang si Shine bilang tanda ng pag-unawa at respeto. Nang dumating na ang mga lalaki dala ang pagkain, agad napansin ni Mark ang masama ang timpla ng mukha ni Mira. "Uy Mira, katabi ka pa ni Shine nakakhawa ba ang topak , parang mainit ulo natin ah," biro ni Mark sinamaan naman sya ng tingin ni shine,pero sinusubukan paring gawing light ang atmosphere. "Wag mo na kong intindihin, may masamang hangin lang na dumaan, nakakasuya," kunwaring pagpaypay ni Mira. "Baka umutot ka lang," pang-aasar pa ni Kevin, sabay tawa. "Leche Kevin, lagyan ko kaya ng sinangag ang bibig mo para tumahimik ka," asik ni Mira, sabay irap kay Kevin. "Oo na, titigil na, kain na lang tayo," sagot ni Kevin, sumuko na rin sa asaran. Nagpatuloy ang masayang kwentuhan at tawanan ng barkada habang sabay-sabay silang kumakain ng meryenda, puno ng kasiyahan at walang patid na pagtatawanan kahit may masakit pa rin Kay shine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD