Kinabukasan sa university, nagkita-kita ang magkakaibigan sa karaniwang tambayan nila sa paligid ng campus, ngunit kapansin-pansin na hindi pa rin pinapansin ni Shine si Jiro. Ramdam ng grupo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, na tila hindi pa rin natutuldukan ang sama ng loob ni Shine sa inasal ni Jiro noong nakaraang araw. Sa bawat sulyap ni Shine kay Jiro, makikita ang pagkairita at paglayo, at nang inirapan pa niya ito, agad napansin ng kanilang mga kasama ang kakaibang kilos nilang dalawa. "Hmmm, may away yata itong dalawa at di nagkikibuan," puna ni Kevin, na may halong biro at pagtataka. Ngunit mabilis naman sumagot si Shine sa asik na tono, "Wag mo kong simulan ngayon Kevin, baka di kita matantya," sabay talikod at iniwan na sila. Nakatingin lang ang grupo habang lumalayo si Shine.
"Pare, ano problema nun? Ang init yata ng ulo?" tanong ni Kevin kay Jiro, na nagsukli lang ng kibit-balikat, waring walang alam. "Di ko alam, dun kung bakit ang sungit ngayong araw," sagot ni Jiro at tiningnan ang mga kasama. Ang hindi nila alam, may red tide lang si Shine kaya mainit ang ulo nito at masakit ang puson—isang natural na dahilan, ngunit hindi batid ng grupo.
Nag-umpisa ang klase wala pa rin sa mood si Shine. Dahil dito, pinili ng kaniyang mga kaibigan na huwag na lang siyang kulitin, kaysa masungitan na naman sila. Pagdating ng pangalawang klase, pumasok ang dalawang bagong estudyante at agad ipinakilala ng kanilang professor. "Good day class, I would like to formally introduce to you your new classmates today," sabi ng professor na nagbigay ng pansin sa pagdating ng mga bagong mukha. Nagtinginan ang lahat, ngunit ang grupo ni Jiro ay halatang hindi natuwa. Sa dinami-dami ng section at course na pwedeng mapuntahan, bakit saknila pa napunta ang dalawang bagong babae—walang iba kundi sina Samantha at Saab Valejo. Kitang-kita ang ngiti ng dalawa, habang blangko at seryoso naman ang expression ng magkakaibigan.
Agad naalala ni Shine ang naging karanasan niya noon sa isa sa mga babae, lalo siyang napasimangot. Si Jiro, sa kabilang banda, ay parang hindi maipinta ang mukha dahil hindi niya talaga gusto si Samantha kahit sa unang kita pa lang: sa tingin niya, maarte ito, mukhang palaging gala at spoiled pa. Bukod pa dito, alam niyang gusto yan ng ama ni Samantha na magkalapit sila. Sina Paulo at Mira naman ay inalala ang galit nila sa dalawang babae dahil naging kaklase na rin nila ito noong una, at hindi maganda ang naging karanasan nila na alam rin ni Kevin.
"Hi, my name is Samantha Valejo. I hope we get along well and become friends with everyone, and that you help us learn and understand all the rules in your school," sabay ngiti ni Samantha sa klase. Ganun din ang ginawa ni Saab. Biglang nagtaas ng kamay si Jiro, na agad na napansin ng kanilang professor. "Yes, young master, may kailangan po ba kayo?" tanong ng professor sa anak ng may-ari ng university, na ikinagulat ng lahat dahil ngayon lang siya nagsalita sa mga bagong transfer. Tumayo si Jiro at diretsong nagsalita, "Yes, I just want to have a piece of advice for the two of them. If you want to get along with us, just behave #1 rule. And the second is wag kayong hahara-hara sa dadaanan ko; ayoko ng mga kulang sa pansin, wag kayong gagawa ng eksena, ayoko ng gagawa kayo ng gulo dito," matapang niyang saad, na ikinabigla ng lahat kasama na ang dalawang bagong salta.
"Young master, did you know them?" tanong ng professor dahil nagtataka talaga ito. "No, I don't know them," sagot naman ni Jiro, sabay upo. Sinabihan ng professor sina Samantha at Saab na humanap na ng mauupuan. Bumulong si Saab kay Samantha, "Cou's, parang nakakatakot si Jiro—parang ayaw niya satin." Kumapit si Saab sa braso ng pinsan ang sayang nararamdaman kanina ay napalitan ng kaba at hindi maipaliwanag na pagkadismaya; di parin nila napansin sina Paulo at Mira na masama ang tingin. Puno pa rin ng galit ang mga ito. "So what, hayaan mo siya," balewalang sagot ni Sam kay Saab. Muling bumulong si Sam sa sarili, "May araw ka rin sa'kin, lalaki ka." Di niya matanggap na muli na namang parang pinahiya siya.
Samantala, nagtaas naman ng kamay si Shine upang magpaalam at magbanyo. "Prof, may I go out," sabi niya. Di maipinta ang mukha nito sa sakit ng puson. Agad siyang tumayo nang payagan ng guro.
Pagdating sa CR, mabilis na naglakad si Shine papasok at pagkaupo, kinalkal niya ang pouch niya na naglalaman ng napkin—ngunit nadismaya siyang naalala na naubos na pala ito. Mabuti na lang, dala niya ang phone niya. Nagsimulang mag-isip kung kanino siya hihingi ng tulong, ngunit sa kasamaang-palad, si Jiro lang ang kilala na nakasave sa phone niya, at siya lang ang malapit sknya sa campus ang iba kasi nyang mga kaibigan ay walang Numero sknya . Tinawagan ni Shine si Jiro, kahit inis na inis siya dito. Naka-ilang ring pa bago sinagot. "Hello?" sagot ni Jiro. "Leche, ang tagal mo sagutin," sabi ni Shine na walang pasensya. "Sorry, alam mo namang naka-silent ang phone ko pag andito tayo," mapagkumbabang paliwanag nito, na nagpatahimik kay Shine at nagdulot ng konting konsensya dahil nabulyawan niya si Jiro. "Sorry din," hingi niya ng paumanhin, at tinanong agad cya nito, "Asan ka na ba, ang tagal mo naman yata?" usisa nito sa mababang tono. "Ahm, andito pa ko sa CR, hindi ako makalabas. Pwede bang humingi ng pabor?" hindi na nagpaligoy si Shine. "Huh, bakit? Ano ba yun?" tanong ni Jiro. "Hmm, pwede bang magpabili ng napkin at gamot? Di ko na kasi kaya ang sakit at wala rin akong stock ng napkin, wala din dito sa CR," paliwanag ni Shine—ramdam ang hirap niya sa katawan. Hindi nakaimik si Jiro, waring nag-iisip. "Napkin? My god, ako talaga ang bibili," bulong niya sa isip. Wala kasi siyang alam o ideya kung anong klaseng napkin ang bibilhin niya.
"Hey Jiro, andyan ka pa ba? Please!" sigaw ni Shine sa phone, kaya nagising si Jiro mula sa pag-aalinlangan. "Ah sige, hintayin mo ako diyan, at bibili ako," sagot ni Jiro, medyo kinakabahan sa first time experience. "Thank you," ani Shine, ramdam ang paghihirap sa sakit ng puson.
Pagdating ni Jiro sa mini botika ng university, agad niyang tina-target ang bantay at sinabihan, "Ahm, miss, may napkin ba kayo diyan?" Nahihiya man, nilakasan niya ang loob para kay Shine na nasa CR pa at hindi makalabas. Nawala ang pagpapacute ng bantay nang marinig ang hinahanap ni Jiro. "Ah, young master, para kanino po ba?" kunot-noo at nagtatakang tanong ng bantay. "Kailangan mo pa ba talagang malaman kung para kanino?" asik ni Jiro, nanatili pa ring aligaga. "Ay sorry po, mali po yung tanong ko. Ano bang klaseng napkin?" lalo pang hindi maipinta ang mukha ni Jiro, parang gusto na niyang lumubog sa hiya.
"s**t, may klase pa ba yun?" bulong ni Jiro sa sarili. "Hindi naman ako bobo, pero s**t, anong alam ko sa napkin?" nagdagdag pa siya sa isip, ramdam ang kawalang kaalaman. "Ahm, nasaan ba yung lagayan niyo, ituro mo na lang, at nagmamadali ako. Bigyan mo na rin ako ng gamot para sa sakit ng puson," wika niya sa bantay, na walang nagawa kundi ituro ang mga napkin at kumuha gamot. Nang makita ni Jiro na napakaraming klase ng napkin, dumampot na lang siya ng iba't ibang klaseng napkin—bahala na si Shine pumili kung ano ang gagamitin niya.
"Magkano lahat ng ito, at yang gamot?" tanong ni Jiro, namangha ang tindera sa dami ng binili niya, umabot ito ng 3,000 pesos. Agad na siyang umalis, tumakbo kung nasaan si Shine, at tinawag niya dahil di pwede siyang pumasok doon. Binuksan agad ni Shine ang pinto at sumilip, kita ni Jiro ang di maipintang mukha—pinagpapawisan ng malamig, namumutla na at halata ang sakit. "Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jiro. Tumango si Shine, "Nasaan na yung napkin?" tanong nito. Ibinigay ni Jiro ang isang plastic na puno ng napkin at gamot, nagulat si Shine sa dami. "Oh my gosh, napakadami naman!" bulalas niya, napangiti sa kabila ng sakit. "Pasensya na, wala kasi akong ideya—hindi mo kasi nasabi kanina kung anong klase at anong brand," kamot-ulong sagot ni Jiro. Na-realize ni Shine na tama naman ito, kaya nagpasalamat. "Sige, salamat. Iwan mo na ako at baka hinahanap ka na doon," sabi nito at muling sinarado ang pinto. Ngunit hindi siya maiwan ni Jiro—nakatayo lang ito sa pasilyo, nag-aalala kung ayos lang si Shine sa loob ng CR, handang maghintay at tumulong pa kung kailangan, nagpapakita ng malasakit sa kabila ng pagsusungit ni shine kay jiro.hindi talaga ito matiis ni jiro kahit ano pa ang ginawa ni shine sknya.