EPISODE 18

1585 Words
Habang nagsisimula nang sumakay ang mga estudyante ng pamantasan kung saan sila nakatalagang sumakay, ramdam ang excitement at pagmamadali ng kanya kanyang mga grupo. Subalit, ang grupo lang ni Jiro ang nagpasya na bumukod at naghanap ng sariling sasakyan, kaya napiling mag-van sila, isang desisyong bunga ng hindi magandang mood ni Jiro kanina—marahil ay galit talaga sya. Bago sila sumakay, napansin nila na ang magiging driver nila ay si Miel,Ang driver ng mga Valejo “Hi po! Magandang umaga po ulit, young master. Ako po ang nahiram ng inyong ama para magmaneho sa inyo,” magalang na bati ni Miel kay Jiro, na may pagpipitagan at respeto. Tumingin lang si Jiro at tumango, nagpapahiwatig ng pagiging pormal at tahimik, bago sila pumasok sa loob ng van kasama ang kanyang mga kaibigan. Pagpasok nila sa puting Innova na pag-aari mismo ng pamilya ni Jiro, naramdaman agad ang bigat ng katahimikan sa loob. Tahimik lang ang bawat isa, abala sa kani-kaniyang iniisip habang binabaybay ang mahabang daan mula pamantasan patungong Batangas. Ang tanging ingay sa sasakyan ay nagmumula sa malamyos na tugtog ng banda mula sa radyo, sinasabayan ng mahinang boses ni Miel, na nagsimula ng kwentuhan upang mabasag ang katahimikan. “Shine, estudyante ka na ba talaga ng eksklusibong pamantasan na ‘yon?” usisa ni Miel, pilit kinakalabit ang kuryusidad ng mga kasama. Nakikinig lang ang mga kaibigan ni Shine, tahimik na nakaupo sa likod, nagmamasid sa bawat ekspresyon. Si Shine naman, seryoso at tila may bumabagabag, ay nagfocus sa daan, madiinng hawak ang hawakan ng upuan sa tabi ng driver’s seat. “Hmmm, oo, scholar ako ng mga magulang ni Jiro,” sagot ni Shine, bahagyang ngumiti at halatang may konti pang hiya, naipapakita ang kanyang pagpapakumbaba, ngunit ramdam ang bigat sa boses niya. “Ang swerte mo naman, pero sabagay, deserve mo yan dahil matalino ka,” dagdag pa ni Miel sa usapan, hindi namamalayan ang biglang paglungkot ng mukha ni Shine. “Swerte nga… pero hindi lahat ng swerte ay nagdudulot ng kasiyahan,” bulong ni Shine, bagamat mahina ay sapat para marinig ng grupo, nagpapahiwatig ng malalim na damdamin—at hirap sa likod ng pagiging scholar sa prestihiyosong Buenavista University. Alam ng mga kaibigan na hindi madali ang pinagdaanan ni Shine, lalo’t ito ay paaralan ng mga anak ng mayayamang pamilya, kabilang na si Jiro Buenavista at ang kanyang barkada. Biglang nagbago ng usapan si Shine, “Ahm Miel, may ipapakiusap sana ako sa’yo.” “Sige, ano ‘yon?” tanong ni Miel. “Wag na sanang makarating sa atin kung anong nakita mong lagay ko dito. Hindi kasi alam sa atin na muli akong nag-aral. Gusto ko kapag nalaman nila, nakatapos na at may narating na ako. Maaasahan ko ba sa’yo ‘yon?” mahigpit na pakiusap ni Shine, na napansin ni Miel ang sinseridad at pangarap ng kaibigan. Tumango si Miel bilang pag sang-ayon, alam niya ang pangarap ni Shine, kaya pinangako niya ang kanyang suporta. “Sige, maaasahan mo ako,” tugon ni Miel. Hindi nagtagal, lumipat din ang usapan sa isyu kay Jiro, “Ahm Boss Jiro, pasensya na pala kanina sa inasal ni Señorita Samantha, nahihiya nga din ang kanyang ama sa ginawa ng kanyang anak,” paghingi ng paumanhin ni Miel kay Jiro. Tumango lang si Jiro na may pormal na aura, “Hindi ikaw o ang ama niya ang dapat humingi ng pasensya, hindi naman kayo ang nakagawa ng kasalanan kaya lalong lumalaki ang ulo ng babaeng ‘yon kasi lagi n’yong sinasalo,” sagot nito, ramdam ang inis. Sinubukan siyang pakalmahin ni Mark, “Pare! Relax. Wag mong hayaan na masira ang araw mo dahil lang naiinis ka sa babaeng ‘yon,” ngunit tumango lang si Jiro, piniling manahimik. Ang iba ay hindi na rin umimik, at nagdesisyong umidlip habang patuloy ang biyahe. Pagdating sa Batangas, agad napuno ng tuwa at saya ang mga estudyante, nangingibabaw ang ingay at mga nagkakagulo. Sa di kalayuan, bago pa bumaba ang grupo ni Jiro, napansin na niya si Gavin, na kasama sa isa sa mga bus. Nagtaka si Jiro kung bakit nakasama ito at inusisa ang kanilang driver, nagsimula siyang makaramdam ng selos lalo’t nalaman niyang si Gavin ang first love ni Shine. “Bakit kasama pa yung mekaniko n’yo, wag mong sabihin na pinahiram din yan ng boss mo sa daddy ko?” tanong ni Jiro kay Miel. Kumamot lang sa ulo si Miel, patutsada na tama ang hinala ni Jiro, “Ah oo, just in case daw masiraan sa daan ang isa sa mga sasakyan, at least may marunong mag-ayos.” Pinansin din ni Mira, “Mekaniko ng kumpanya huh? Pero kung makakapit si Samantha, wagas. Ano yan, jowa?” sabay tingin ng grupo sa tinititigan nila Jiro at Mira. “Ah hindi po sila mag-jowa, mam. Talagang close lang po si Señorita Sam kay Gavin,” paliwanag ni Miel. “Oh really, close? Kelan pa natutong makipaglapit ang matapobreng ‘yan sa mababang uri ng tao? Kasi ang naaalala ko ang taas at tayog ng babaeng ‘yan eh,” dagdag ni Mira, labis ang iritasyon niya kay Samantha. “Relax! Mira, wag natin sila pag-aksayahan ng panahon, ok? Pati ba naman ikaw?” awat ni Paolo. “Tara na,” seryosong sabi ni Jiro, sabay kuha ng mga gamit niya at gamit ni Shine. Hindi na nagreklamo si Shine, takot na baka muling mainis si Jiro at lalong masira ang mood nito. “Paano ba ‘yan, Miel? Una na muna kami ha!” paalam ni Shine sa dating kaibigan. “Sige lang. Kami naman ni Gavin ang magbobonding maghapon magdamag, di kami related sa school n’yo, tauhan lang kami!” tugon ni Miel, sabay alis papunta kay Gavin. Sa kabilang banda, bumungad kay Gavin si Miel, “Oh, pare, kamusta sa bus?” Bungad ni Miel, “Parang linta makakapit sa’yo si Señorita, ah! Napagkamalan tuloy kayo ng grupo nila Shine na mag-jowa,” dagdag pa nito. “Ha! Talaga ba nakita kami ni Shine?” gulat na sagot ni Gavin, di makapaniwala. “Oo pare, pero parang wala lang kay Shine. Parang nakamove on na sayo yung kaibigan ko,” sagot ni Miel, sabay dagdag na “Sabagay, di na ko magtataka—ang daming gwapo sa school nila, mga kaibigan niya na nga lang na lalaki walang tulak kabigin, lamang lang ng konti si Jiro.” Nalungkot dito si Gavin, dahil kahit noon pa man ay hinahangaan na niya ang ganda ni Shine, ngunit ngayon ay mas napansin niyang mas gumanda pa ito, muling nabuhay ang damdamin niya sa dalaga. Samantala, papunta na ang grupo nila Jiro sa kanilang cottage, na tutuluyan nila para sa isang masayang bakasyon. Malapit sa kanila, nasilayan nila ang mahabang puting buhangin na kasing kinang ng ginto, nakausli sa gilid ng dagat. Ang tubig ng dagat, mula berde-dilaw hanggang asul, ay tila isang napakagandang paleta ng kulay, nagiging mas malinaw at mas nakaka-engganyo habang lumalayo ang tanaw. Sa magkabilang gilid ng dalampasigan, nakatayo ang mga mala-kastilyong gusali ng resort—may bubong na pawid at pader na mala-kristal, nagbibigay daan para masilip ang napakagandang tanawin maging mula sa loob ng gusali. Lumakad ang barkada patungo sa gitna ng resort, doon nakita nila ang malaking infinity pool na ang tubig ay tila sumasama at nagtatagpo sa dagat, parang walang hangganang swimming area. Sa paligid ng pool, nakalatag ang mga dayami at mga puting payong na parang kabute, nagbibigay proteksyon sa init ng araw. Sa malayo, may mga kubo na gawa sa kahoy at pawid, mga eksklusibong villa na may sarili-sariling pool at tanawin ng dagat—perpektong destinasyon para sa bakasyon at relaxation. Hindi lamang dagat at pool ang inaalok ng resort. Sa likuran ng mga gusali, may matabang kagubatan ng mga niyog at tropikal na halaman, kung saan tagpo ang mga amoy ng dagat at bulaklak, binibigyan ang bawat bisita ng pambihirang damdamin ng presko at pagkalasa ng kalikasan. Ang simoy ng hangin ay napakabanayad at sumasabay sa bawat paggalaw ng mga dahon, na para bang nagmumuni-muni ka at sumasabay sa daloy ng panahon. Naririnig paminsan-minsan ang huni ng mga ibon, dagdag pa ang malambot na alon ng dagat na tila musika sa dalampasigan. Pagsapit ng hapon, lalong gumaganda ang tanawin ng resort. Unti-unting lumulubog ang araw sa dagat, nagbabago ang kulay ng langit at tubig—nagmumula sa asul at nagiging pula, dilaw, at kahel. Ang mga gusali ng resort ay unti-unting nagbubukas ng mga ilaw, parang mga bituin na bumagsak sa lupa, nagdadagdag ng aliwalas at ganda sa paligid. “Ang ganda dito!” manghang saad ni Mira, ramdam ang galak at pagkamangha. “Oo nga sobrang nakakarelax,” dagdag ni Kevin, tila napawi ang pagod sa biyahe. “Pumasok na kayo sa loob at magpalit para makaligo na tayo,” sabi ni Jiro na ngayo’y mas kalmado na. “Pare, kumain muna tayo bago maligo, di pa tayo kumakain,” reklamo ni Kevin kay Jiro. “Naks! Kevin, di mo talaga makalimutan ang pagkain ha!” biro ni Mira. “Bwisit Mira, di kita papatulan ngayon, talagang gutom na ko,” sagot ni Kevin, sabay irap kay Mira. “Magpalit muna tayo, Kevin, bago kumain,” payo naman ni Jiro. “Girls, doon kayo sa kabilang silid, kami dito sa kabila,” turo ni Jiro. Nagkanya-kanya na ng pasok ang bawat isa, excited sa pagligo at paghahapunan, sabik maranasan ang sarap at sariwang pagkain,At magtampisaw sa pool o dagat at pag sapit ng gabi ay party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD