Finally dumating na ang araw ng Acquaintance Party masaya ang lahat ng estudyante.Sa dami nito himala talaga na naaccomodate ito ng resort na pag aari nila jiro.Napag usapan ng lahat sa comittee ng pamantasan na bus nalang ang gagamiting transpo nila na napagkasunduan naman ng lahat...
"Shine, Jiro" kaway nila Mira sa mga kaibigan ng makita itong parating sa venue kung saan iipunin ang mga estudyante.Kumaway din ang dalawa.hinatid sila ng mommy at daddy ni Jiro gusto din kasi makita ng mag asawa kung ano ang sitwasyon lalo na at pag mamay ari nila ang pamantasan.
"hi po! tito, tita kamusta po kayo?"saad ni kevin sabay na nagmano ang mga ito sa mag asawa tanda ng pag galang." Salamat at kaawaan kayo ng dyos"saad ng Don sa mga kaibigan ni jiro."ok naman kami hijo.eh kayo ba kamusta? nag aaral ba kayong mabuti baka nagbubulakbol lang kayo ha!" biro ng ginang sa mga magkakaibigan."naku! tita hindi po at palagay nyo po ba makikipag kaibigan samin si young master kung ganun. ang hirap po kayang kunin nang loob nyan."sumbong pa ni kevin sinamaan naman siya ng tingin ni jiro."mabuti naman pagpasensyahan nyo na ang aking anak mana lang yan sa ama.. mabait pero ang hirap kunin ng loob.. pero pag nakuha nyo naman na para na kayong nakatama sa jackpot dahil hindi kayo nyan iiwan sa ere." sabi ng ginang."ay opo tama po kayo jan!!tita mahal na mahal talaga kami ni jiro., di ba pare? "saad naman ni mark sabay kindat sa kaibigan..sinamaan lang sya ni jiro ng tingin samantalang sila shine at mira ay giliw na giliw sa naririnig na usapan.mukhang napagkakaisahan na naman kasi si jiro ang aga aga.
" Hey Mr, and Mrs, Buenavista nice to see you here"napalingon naman ang mag asawa sa kinaroroonan ng tumawag sakanila, naagaw narin ang atensyon ng magkakaibigan sa mga paparating.Walang iba lang naman kundi sila Samantha, Saab at daddy ng una.. kasama rin ang personal driver nito na si miel at ang pilit na pinasama ni samantha na si Gavin..Nagkabiglaan ang dating magkakaschool mate na sila gavin, miel at shine di nila akalain na muli silang magkikita kita sa lugar na yun."so tama ako ng nakita nung isang araw si shine nga yon.. hindi pala ako nagkamali." ani ni miel sa isip.Samantala titig na titig naman si Gavin sa dalaga hindi nya lubos maisip na magtatagpo pa sila..lalo syang humanga dito.Dahil parang nadagdagan ang taglay nitong ganda pati hubog ng katawan nito ay gumanda rin literal na walang tapon kung tutuusin napakasimple lang ng floral dress nito ngunit aakalain mong anak mayaman.kilala pala ito ng kliyente nya na si mr, Buenavista.Hindi naman maiwasan ni Shine mamula sa pagkakatitig nito para syang kinakabahan, dati nya kasi itong nagustuhan..." hey shine long time no see my friend"bati ni miel sakanya kitang kita ang galak sa mukha nito sa muli nilang pagkikita"oo nga eh!lumuwas kana rin pala kumusta naman sa davao?"bati ni shine sa dating kaibigan." naku ganun parin wala paring pagbabago ikaw naman kasi bakit hindi kana umuuwi mula ng lumuwas ka."ani nito sa dalaga habang nakikinig ang iba bigla namang umepal si samantha at umismid pa."so probinsyana ka pala di ka pala rich kid! kaya pala di mo ko kayang bayaran"asik at pangmamata nito kay shine. tila hindi naman ito nagustuhan ng mga magulang ni jiro kaya sinaway si samantha ng kanyang ama dahil napansin nito na nag iba ang aura ng mag asawa at ng unico hijo nito."hija watch your word, where is your manners?"
"oopppss sorry" hinging paumanhin nito ngunit halatang di bukal."excuse me lang po mr, Valejo ask ko lang ganyan po ba talaga ugali ng anak nyo? medyo ay hindi ang tamang sabihin ay literal na magaspang po kasi ang ugali."di makatiis na puna ni jiro kay samantha na tila natawa naman ang mga kaibigan nito. halata naman na napahiya ang mag ama sa tinuran ng binata."hijo! dont say bad words! "saway ng ina sa anak." why mom? pag siya ok lang magsalita ng di maganda pag kami bawal ganun po ba?"katwiran naman ni jiro sa ina.. "mr, valejo sorry for may words po pero nakakairita po kasi ang pag uugali ng inyong anak." dugtong pa nito na talagang di nagustuhan ang pamamahiya na ginawa kay shine."magkano ba yung sinasabi mong kailangan bayaran ng kaibigan ko? na kung tutuusin dahil sa katangahan mo kaya kayo nagkabanggaan.i am willing to pay basta wag mo ng ibubuka yang bibig mo."napatda naman ang lahat ng nakarinig di nila akalain na ganun pala magalit ito."son stop."saway na ng ama nito..tumingin ito sa magkakaibigan at sinabing mauna nang sumakay sa sasakyan nilang bus.." no dad ayoko pong sumakay sa bus kung nasan sila mag vavan nalang po kami."biglang sabi ni jiro"baka di po kasi ako makapagtimpi"pilit pinipigilan ang emosyon.. "sige iho kami na ang bahala na maghanap ng pwedeng magdrive sainyo." wika ng kanyang ina at umalis na ang magkakaibigan.."hey! shine wait"pigil ni miel sa pag alis ng kaibigan" tumigil at tumingin naman ito saknya na may tingin na nagtatanong. ganun din ang mga kaibigang kasama ng dalaga kunot noong nakatingin saknya."ahm pwede bang mahingi ang cellphone # mo kung maaari lang naman sana"nahihiyang sabi nito na may pagkamot pa sa ulo."ah yun lang ba? sige sure walang problema, miel"nilabas naman ni shine ang notes at ballpen nya at isinulat dito ang kanyang no. pagkatapos ay inabot kay miel."o pano una na kami ha text mo nalang ako.."sabi ni shine at nagpaalam na...
"who's that guy.? " tanong naman ni jiro kanina pa sya nagseselos pero nagtitimpi lang sya alam kasi nya na wala syang karapatan pa dito."ah! si miel since elementary at highschool friend ko na sya"balewalang paliwanag ni shine.. "really as in friends lang kayo? " tila di pa rin kumbinsido si jiro."oo nga. di kami talo. pero yung kasama nilang isang lalaki first love ko yun"pag amin ni shine.. hindi nya alam ang epekto ng pag amin nya kay jiro."wow! totoo ba? nagka first love ka frienny?"usisa naman ni mira tila di makapaniwala. "oo naman pero past na yun no? " saad naman ni shine."study first muna tayo ngayon. "Uy, pero baka naman hindi mo talaga sya naalis sa isip 'mo, noh baka natulog lang siya sa alaala mo?" Asar ni Mira habang tumatawa.Napailing na lang si Shine at binatukan ng mahinahon si Mira. "Hindi naman! Alam mo namang importante sa akin ang pag-aaral. Tsaka past na nga 'yun, e. Wala na akong nararamdaman para sa kanya ngayon." saad nya pero parang di sigurado. Napatingin naman si Jiro sa kanila, parang may bigat sa kanyang dibdib pero kinikimkim na lang niya. "Tama ka naman diyan, Shine. Bago ang lahat ng 'yan, pag-aaral muna talaga. Baka makalimutan na natin ang mga plano natin kung mag-iisip pa tayo ng iba-iba.""Oho! Nakikinig ka pala, Jiro!" Biro ni Mira. "Baka naman ikaw din may tinatagong feelings para sa isang tao dito young master?"pahaging ni mira. Namula naman si Jiro at agad na umiling. "Wala! Wala akong gano'n off limits muna ko sa mga ganyan. Basta focus muna tayo sa grupo at sa mga gusto muna nating gawin"Tumango-tango naman si Shine. "Oo nga! cya nga pala ok kana ba jiro.?hindi kana ba badmood.? " usisa nito."oo nga pare, ok kana ba?nakakatakot ka kanina"segunda ni kevin."oo ok na ko pasensya na kanina di ko mapigilan ayoko kasi na may napapahiya sa harap ko."mapagkumbabang paliwanag nito hindi nya lang maamin na hindi nya na makontrol dahil si shine na yun... ayaw nyang napapahiya ito sa lahat.. "young master ready na po ang van na sasakyan nyo" lumapit ang isang guard ng pamantasan.."sino po ang naatasan magdrive"usisa nya sa guard."ahm para pong nagpahiram yung matandang lalaking kausap kanina ng daddy nyo,pinahiram po yata yung isang driver nila."paliwanag nito skanya. "ah ganun ba, sige po susunod na kami." saad ng binata.."tara na nasan ang mga gamit nyo?" sabi nya sa mga kaibigan nya."andun na kanina pa pare sila na ang nagsakay."saad naman ni rence, tumango naman si jiro at nagpatiuna ng maglakad.papunta sa sasakyan.