EPISODE 19

1375 Words
Nagkanya kanya na silang bihis medyo problemado si shine hindi dahil sa Wala siyang susuotin kundi dahil ang gaganda ng damit pati panligo di sya makapaniwala na magaling si jiro mamili ng magandang damit na babagay skanya..at parang sukat na sukat talaga.''anong problema frenny parang stress ka Jan''usisa ni Mira."hmmm wala naman nahihirapan lang akong pumili ng aking susuotin, yung hindi masyadong revealing."saad nya "jusko yun lang pala" tinignan nito ang kanyang mga dala at namangha ito simple lang kasi ang mga ito pero may dating talaga at bagay lahat kay shine." ito o bagay sayo"at dinampot ni mira ang kanyang napili,napangiti naman si shine at sumang ayon sa gusto ng kaibigan, pumasok na sya sa cr para magpalit ng panligo.namangha naman si mira pagkakita sa kanyang kaibigan dahil sa ganda ng katawan at kutis nito ang two piece na swimsuit na napili nya para dito ay talagang bumagay dito may manipis na tela na kulay-kape ang nakapulupot sa kanyang baywang, ang dulo nito ay umaalon kasabay ng alon ng dagat. Sa kanyang kanang kamay ay hawak ang isang kamera, habang ang kanyang kaliwang braso ay nakataas para ayusin ang kanyang buhok,"wow as in wow para kang modelo frenny"namamanghang dilat na dilat ang kaibigan dahil sa pag hanga sakanya."leche ako lang to noh! "pabiro naman ni shine na sagot sa kaibigan." may dala ka palang camera?"pansin nito sa hawak nya. "ah oo minsan lang kasi to gusto ko may memories tayong magkakaibigan." saad nya dito"tara na ang ganda din ng suot mo huh bagay na bagay sayo frenny" puna din ni shine sa kaibigan."naku! walang tatalo sayo kaya wag ako."ingos naman ni mira.sabay na silang lumabas at nabungaran nila ang limang lalaki."wow! kayo ba talaga yan gaganda ng mga prinsesa namin ah! "bungad ni kevin sa dalawang dalaga pagkakita.." jiro laway mo baka tumulo"sita naman ni mark sa kaibigan dahil literal na nagandahan ito kay shine.. "sinimaan naman ito ng tingin ng huli dahil sa pag pansin nito sa pagkakatitig nya napahiya tuloy sya sa dalaga." alam mo shine kung ako jowa mo di kita papayagang magsuot ng ganyan"biglang wika naman ni rence."huh bakit naman pare? anong mali sa suot nya bagay naman at di malaswang tignan"puna naman ni paolo."hmmm kasi kahit wala syang gawin agaw atensyon sya bro! "paliwanag ni rence " ganun din si mira"dagdag pa nito."ikaw ba jiro papayagan mo ba kung sakaling magsuot ng ganyan ang jowa mo? "tanong ni rence kay jiro na nakikinig at nagmamasid lang na ikinatingin ng mga kaibigan nya sknya naghihintay ng sagot nya sa tanong ni rence. " ahm depende siguro."tanging saad ni jiro."pag ako nagka nobya ayoko siyang paghigpitan ng sobra, maaaring di ako papabor sa kasuotan nya dahil magiging pansinin talaga sya. pero kung kasama naman ako siguro okey lang i should be proud of kung disente naman. nasa tumitingin na ang magiging problema."saad nito"yun ay kung kasama lang ako kung hindi bawal! syempre" dugtong nito. "pare ang gulo mo payag tapos hindi hay naku lalo kong nagutom sayo" saad ni kevin."tara na guys kumain na nga tayo gutom lang yan"yaya ni shine na iiling iling niyakag na ang mga kasama palabas ng kanilang cottage na inookupa, hindi naman maiwasan na agaw atensyon talaga ang magkakaibigan dahil talagang may mga sinabi ito pag dating sa tindig."wow, grabe ang pogi talaga ni young master" bulong ng iilang school mate nila na nadaanan nila, simple lang naman ang suot ni jiro.short at naka bukas na butones na polo shirt lang naman to na bulaklakin na kulay asul nakikita ang pang ilalim na puting sando.. sadyang napakalinis tignan nito,ganun din ang mga kaibigan halos pareho lang sila magkakaiba lng ng kulay.. si shine naman dahil maganda ang katawan at kutis ay di din nakaligtas sa mata ng lahat. nahihiya sya ng konti sa mga naririnig dahil hindi sya sanay sa ganun napansin naman ni jiro ang bagay na yun dahil madalas nya itong tapunan ng tingin.tinabihan nya ito at binulungan" relax! ang ganda mo kasi beb kaya napapansin ka talaga nila"sabi nito."che! kasalanan mo to eh bakit kasi ganito ang mga napili mo."kunwaring sita ni shine sa kaibigan.,"hahaha sorry na... "saad ni jiro halatang nakamove on na sa kanyang topak nung umaga. " saya ka? kanina kala mo kakain kana ng tao sa galit ah! "puna ni shine pero masaya sya na ngumingiti at maganda na ulit ang mood ni jiro, napakamot nalang ito sa ulo na parang bata, " sorry kanina sa inasal ko, di ko mapigilan. ayokong napapahiya ka,, lalo na andun ang mommy at daddy ko."saad nito natouch naman si shine sa sinabi ni jiro"nagpapasalamat nga ako sayo kasi handa mo kong ipagtanggol, pero ayokong nakikitang nagagalit ka, kaya kontrolin mo emosyon mo jiro"paalala ni shine dito di maiwasan ni shine na humawak sa braso nito na nakasanayan na nya nakalimutan nya na marami palang matang nakatingin. kabilang na sila gavin sa di kalayuan..sumikdo naman ang puso ni jiro sa ginawa ng kaibigan literal na kinilig sya sa inasal nito kahit para dito ay walang malisya yun naliligayahan pa rin sya kasi ganun to maglambing saknya, at hindi na rin to dumidistansya sknya mula ng mag usap sila noon, sa mga kaibigan naman na kasama nila at tila balewala nalang ang ganung asal ng dalawa kilala kasi nila na ganun talaga ang mga ito.. "hahaha bro di ka na magkakanobya nyan.,. kinapitan kana naman ni shine" biro ni paolo., bigla namang bitaw si shine dahil mukhang nakuha ang ibig sabihin ng kaibigan sinamaan ito ng tingin ni jiro.."mukha bang may interes akong magkanobya ngayon? "asik ni jiro kay paolo habang masama ang tingin, nagpiece sign naman ito" hehehe sabi ko nga wala nakakatakot ka nga maging nobyo eh".tawanan sila..nang makapasok sa isa sa restaurant ng resort ay humanap sila ng pupwestuhan."guys dun tayo malapit sa tanawin na nakaharap sa dagat mukhang masarap kumain dun."aya ni kevin"jiro?self sevice ba dito? " tanong naman ni rence pinagmamasdan ang kapaligiran."hindi naman yata"sagot ni jiro"anyway guys ano gusto nyong kainin. eat all you can naman dito"saad ni jiro. "seafoods muna tayo guys" pagbibigay komento ni mark, na napagkasunduan ng magkakaibigan.inihain sa kanila ang ibat ibang uri ng putahe.Adobong pusit, Baked Tahong,Ginataang Alimango,Inihaw na Isda, ​Kinilaw na Tanigue,Sinigang na Isda, ​Sweet and Sour Lapu-Lapu,Tinolang Tahong., at garlic shrimp,sinabayan pa na pang himagas na buko pandan salad, at buko juice, "wow! jiro fiesta lang ang dami naman nyan" puna ni shine. "naku konti lang yan beb, alam mo kung gano kasiba si kevin." saad ni jiro, "hanep bro ako na naman nakita nyo" tugon ni kevin."pero infairness sayo bro di ka talaga tumataba no?"puna ni mark kay kevin."naku tigilan nyo na at kumain nalang tayo"saway ni kevin sa kagustuhang kumain na., nagtawanan ang magkakaibigan sa di kalayuan andun naman sila samantha, saab, miel at gavin."umorder din ng kanilang makakain., ayaw sana isama ni sam si miel dahil di nya ito gustong kasama, ngunit hindi pumayag si gavin sinabi nya dito na pag hindi ito kasama hindi rin sya sasama sa mga ito. kaya napapayag na ito sa gusto ni gavin. hindi maiwasan ni gavin ang mapasulyap kila shine., di sya makapaniwalang kaya nitong magsuot ng two piece swimsuit, ang laki na talaga ng pinagbago nito..sa mga oras na yun hinihiling nya na sana bumalik ang dating pagkakagusto nito saknya.. "pare baka malusaw kanina kapa tingin ng tingin dun" puna ni miel. "anong binubulong bulong mo miel kay gavin? aber" sita ni samantha. "ah wala po señorita tinatanong ko lang po si gavin kung ano ang gusto nyang kainin" palusot nito.."oo nga sam wag mo kaming intindihin ni miel nag uusap lang kami kung ano ang masarap kainin dito" palusot ni gavin.."ok sabi nyo eh, pero alam mo gavin super saya ko kasi napasama ka"tuwang tuwang sabi ni sam sa lalaki. "hndi naman umimik si gavin hindi nya alam kung dapat ba syang matuwa, siguro natutuwa sya dahil nakita nya na ulit yung dalagang naglaan saknya nang oras at panahon noon, pero bigla syang parang di na nakikita.. parang balewala na sya dito.medyo nanibugho sya sa isiping iyon, naninikip ang dibdib nya sa lungkot.. ngayon nya lang yon naramdaman sa buong buhay nya.. nakikita nya itong masaya sa mga kaibigan nito lalo na pagkasama ang binatang si jiro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD