Samantala, sa kabilang silid na inookupa ng mga lalaki, nagpapahinga rin ang mga ito. Kanya-kanyang higa sa kama at upuan, kanya-kanyang scroll sa kani-kanilang cellphone, habang ang katahimikan ng hapon ay paminsan-minsang nababasag ng mahinang tawanan.
Biglang nagbukas ng paksa si Kevin sa mga kaibigang sina Jiro, Mark, Paolo, at Rence. May ngising aso itong itinaas ang cellphone at iniharap sa kanila. “Uy, tingnan n’yo ’to,” sabi niya, halatang aliw na aliw.
Lumapit ang iba, habang si Jiro naman ay bahagyang napatayo ang kilay. Sa screen ay makikita ang kuha ni Kevin sa dalampasigan kanina inilipat kasi nito ang nakuha kaninsa camerang dala—si Jiro, basa ang buhok, bahagyang nakangiti habang tinuturuan nitong maglangoy si shine. Kita ang malinaw na dagat sa likuran at ang sikat ng araw na tila lalong nagpatingkad sa itsura mga ito.
“Grabe, parang pang-poster ah! ang sweet,” biro ni Mark, sabay tawa.
“Sigurado akong madaming tatamaan ’to mamaya sa party,” dagdag ni Paolo.
Napailing si Jiro at inagaw ang tingin sa cellphone. “Tigilan n’yo nga ’yan. Nag-enjoy lang naman tayo sa dagat,Minsan lang mangyari to” sagot niya, bagama’t may bahagyang pamumula sa mukha.
“Uy, kunwari ka pa,” kantiyaw ni Rence. “Mamaya, ikaw na naman ang sentro ng usapan kayo na naman ni shine,pwera biro bro bagay talaga kayong dalawa .”
Umiling lang si Jiro at muling humiga, nakatingin sa kisame.masaya sya ngayong araw dahil nasa kanila lang ang atensyon ni shine.Kahit naging bad mood si Jiro noong umaga, unti-unti ring bumalik ang pagiging mahinahon niya. Para bang hinipan lamang ng hangin ang inis na naramdaman niya kanina, at muling napalitan ng katahimikan at kontrol na matagal nang nakasanayan ng mga kaibigan niya.
Ewan ba niya, ngunit tuwing si Shine ang nasasangkot, nagiging kakaiba siya—mas sensitibo, mas mapagmasid. Ayaw na ayaw niyang nakikitang inaapi ito ng sinuman, lalo na kung nangyayari sa harap niya at, higit sa lahat, sa harap ng kanyang mga magulang. May kung anong kumikibot sa dibdib niya tuwing nakikita niyang napapahiya o napagbibintangan si Shine, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, ngunit malinaw na hindi niya kayang balewalain.
Makapagpapahinga na sana nang maayos ang grupo ni Jiro nang biglang may kumatok sa pinto. Napalingon silang lahat, at si Jiro ang kusang tumayo upang magbukas.
Bumungad ang receptionist ng resort—isang empleyadong matagal nang naglilingkod sa negosyong pag-aari ng kanyang pamilya. Magalang itong ngumiti at bahagyang yumuko bilang pagbati.
“young master, magandang hapon po,” wika nito. “Nais ko lang pong itanong kung anong oras po namin kayo ipaghahanda ng dinner.”
Saglit na nag-isip si Jiro at sumulyap sa kanyang mga kaibigan na kanya-kanya ring bumangon mula sa pagkakahiga. “Mga bandang alas-siyete na lang po,” sagot niya. “May event pa po kami mamaya.”
“Opo, noted po,” tugon ng receptionist. “Ipaghahanda po namin kayo.”“Ngunit pakiusap, huwag na po iyong mga mabibigat sa tiyan,” dagdag pa ni Jiro bago tuluyang magsara ang pinto. “May salu-salo naman pong magaganap mamaya, kaya hindi na kailangan na magarbo ang ihahain.”
Tumango ang receptionist bilang pag-unawa at agad na umalis.
Napangiti si Mark at napailing. “Ikaw talaga, parang ikaw na rin ang may-ari ng resort nato ah,” biro nito.
“Praktikal lang,” sagot ni Jiro habang muling umupo. “Ayokong antukin tayo mamaya.”“Naku, magugutom agad si Kevin niyan. Hindi pala tayo puwedeng magpakabusog,” biro ni Rence kay Kevin.
Agad namang napataas ang kilay ni Kevin at napatawa. “Hanep, ako na naman ang nakita mo,” sagot niya, kunwa’y nagrereklamo pero halatang aliw na aliw. “Parang kasalanan ko pang malakas akong kumain ah.”
“Hindi ba?” singit ni Paolo, sabay tawa. “Ikaw lang naman ang kayang umubos ng isang bandehadong ulam.”
Nagtawanan ang grupo.“Ano kayang ginagawa ng dalawang babae sa kabila? Ang tahimik eh,” puna ni Kevin habang nakahiga, nakatitig sa kisame.
“Malamang si Shine tulog na ’yon,” sagot ni Jiro na may kasamang bahagyang ngiti. Kilala niya kasi ang babae—masandal lang ito, agad na itong nakakatulog, parang sanay ang katawan sa pagod at kakulangan sa pahinga.
“Malamang si Mira nanonood na naman ng Korean drama,” tugon naman ni Paolo, sabay iling. “’Yung tipong sasabihin niyang isang episode lang, tapos madaling-araw na.”
Napatawa si Rence. “Classic Mira.”
Tahimik na napangiti si Jiro,,“Oo, ganun ’yon si Mira. Hindi mo ’yon maaabala kapag nasimulan nang manood,” pagsang-ayon naman ni kevin, sabay tawa.
“Si Shine naman, kung hindi tulog ’yon, nagbabasa ’yon o kaya gumuguhit,” sabi ni Mark, tila kabisado na rin ang mga nakagawian ng dalaga.
Tahimik lang si Jiro, nakikinig sa usapan ng mga kaibigan. Hindi siya sumasabat, ngunit bawat salitang binabanggit tungkol kay Shine ay tila dahan-dahang tumatama sa kanya. Sa isip niya, malinaw ang larawan ng dalaga—nakaupo sa gilid ng kama, may hawak na libro o lapis, tahimik na nilulunod ang sarili sa sariling mundo.“Nakakaurat nga ’yan si Mira eh. Bigla ba naman akong sinapak nung minsang inabala ko sa panonood,” sumbong ni Kevin na kunwa’y seryoso, sabay hawak sa sariling balikat na parang inaalala pa ang nangyari. “Napakabrutal talaga niya sa’kin.”
Halakhakan ang sumagot sa kanya.
“Deserve,” mabilis na sabi ni Rence.
“Ano bang ginawa mo?” usisa ni Mark.
“Tinanggal ko lang naman yung earphones para tanungin kung gutom na siya,” depensa ni Kevin. “Next thing I know, may kamao na sa balikat ko.”
“Mali ka kasi ng timing,” sabat ni Paolo. “Kapag K-drama ang pinapanood ni Mira, parang bawal manggulo. Sacred time ’yon.”tugon ni Paolo"Ikaw kasi puro pagkain ang hanap mo tssssk"iiling iling pa to.“Ano bang meron sa Korean kaya ang taas ng standard nila sa lalaki?” hirit ni Kevin, kunwa’y nagrereklamo. “Si Jiro lang yata ang papasa sa ’tin kung sakali.”
Sabay-sabay ang tawa ng grupo.
“Uy, may point,” biro ni Rence.
“Matangkad, tahimik, responsible,ubod ng yaman—kumpleto na,” dagdag ni Paolo na tila nananadya.
Napailing si Mark. “Kaya pala tahimik ’yan si Jiro, sanay na sanay nang i-compare sa mga oppa.”
Si Jiro naman ay bahagyang napailing at napabuntong-hininga, may munting ngiting pilit tinatago. “Tumigil nga kayo,” sabi niya, kalmado pero halatang naiilang. “Kung anu-ano na naman pinagsasasabi n’yo.”“Huwag n’yo na akong idamay diyan. Hindi ko na problema ’yon—basta ayoko sa kanila, period,” simpleng saad ni jiro. “Nakakainis kapag babae ang nagpapakita ng motibo. Parang nakakababa ng pagkatao.”
Biglang tumahimik ang silid saglit. Nagkatinginan ang iba, tila nabigla sa tono ng sinabi niya.
“Grabe ka naman,” mahinang puna ni Mark.
“Preference mo ’yan, pero huwagbka namang maging harsh,” dagdag ni Paolo, kalmado ngunit diretso.“Humahanga lang sila sa’yo, Jiro"dugtong pa nito… "alam ko naman,” sagot naman ni jiro bahagyang kumalma ang boses. “Pero may paghangang nakakabanas.”
Napabuntong-hininga si Rence at umiling. “Hindi mo rin naman sila masisisi. Hindi lahat marunong magtago ng paghanga.”
“Tsaka hindi rin kasalanan ni Jiro ’yon,” dagdag ni Mark.
Tahimik na si Jiro, ngunit sa pagkakataong iyon ay bahagya siyang umayos ng upo. “Hindi ko naman hinihikayat,” mahinahon niyang sabi. “At wala rin akong intensyon na paasahin ang kahit sino.”
Tumango si Paolo. “’Yan ang pinagkaiba mo. Alam mo kung saan ka lulugar.”“Gusto ko kasi, kung magkakanobya man ako, ay siya na ’yon—yung hindi ko na kailangang tumingin pa sa iba,” sabi ni jiro mas mababa na ang boses.
Tahimik ang silid. Wala munang bumiro. Parang bawat isa’y napaisip.
“Gets naman,” mahinang sabi ni Mark. “Hindi rin naman masama ’yon.”
Tumango si Paolo. “Mahirap lang talagang hanapin ’yung ganung klase ng babae.”“Meron na… nahanap ko na matagal na,” saad ni Jiro, halos pabulong ngunit sapat upang marinig ng lahat. “Ngunit hindi pa tamang panahon.”
Biglang tumahimik ang silid. Wala ni isang nagbiro. Parang may bigat ang bawat salitang binitiwan niya—hindi padalos-dalos, hindi rin pabida. Isa iyong pag-amin na bihirang marinig mula sa kanya.
“Wow,” unang nakabawi si Rence. “Seryoso ka?”
“Matagal na pala,” dugtong ni Mark, halatang nagulat.
Hindi na sumagot si Jiro. Bahagya lamang siyang ngumiti, sapat na upang ipaalam na wala na siyang balak magpaliwanag pa at sabihin. Hindi dahil ayaw niya—kundi dahil may mga bagay na mas ligtas manatiling tahimik.