Sumapit na ang gabing pinakahihintay—ang acquaintance party para sa mga estudyante ng pamantasang pag-aari ng pamilya ni Jiro. Unti-unti nang napuno ng ilaw at musika ang resort, tila ba bawat sulok ay may pangakong bagong alaala.
Tapos na ring mag-ayos sina Shine at Mira. Nang humarap si Shine sa salamin, sandali siyang natigilan—hindi dahil hindi niya kilala ang sarili, kundi dahil bihira niyang makita ang sarili sa ganitong anyo. Suot niya ang isang gintong bestida na mahigpit ngunit elegante ang hulma, banayad na sumusunod sa bawat linya ng kanyang katawan. Ang disenyo ay simple ngunit marangal, kumikislap sa ilalim ng ilaw na para bang hinahaplos ng gabi ang kanyang pagkatao.
Napanganga si Mira nang lingunin siya.
“Shine…” mahina niyang sambit, halatang namamangha. “Grabe ka. Kung may reyna ang gabi, ikaw na ’yon.”
Bahagyang napangiti si Shine, may bahid ng hiya. “OA ka na naman,” tugon niya, ngunit ramdam niya ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Hindi siya sanay sa ganitong atensyon. Mas gusto niya ang katahimikan, ang pagiging simple. Ngunit sa gabing iyon, parang may kung anong nagtulak sa kanya na lumabas sa kanyang nakasanayang mundo.
“Hindi, seryoso,” giit ni Mira habang iniikot siya. “Hindi mo alam kung gaano ka ka-elegante tignan. Tahimik ka lang pero grabe ang dating mo.”Nakasuot rin si Mira ng isang eleganteng bestida—itim na dahan-dahang kumukupas patungong puti sa laylayan, may hiwang banayad na nagpapakita ng kanyang binti sa bawat hakbang. Ang simpleng disenyo ay pinatingkad ng mga kumikislap na detalye sa gilid, at ang mahabang buhok niyang nakalugay ay lalong nagbigay sa kanya ng dating na hindi mapagkakaila.
Napatingin din si Shine at sandaling napatigil din sa Ganda ng kaibigan. Ngayon naman siya ang namangha.
“Mira…” sabi niya, may halong ngiti at paghanga. “Ang ganda mo rin. Ang classy ng dating mo ngayon ah.”
Napatawa si Mira, bahagyang umikot na parang nasa harap ng salamin. “Talaga ba? Ikaw nga ’yung parang pang-cover ng magazine,” biro nito, sabay kindat.
“Hindi ako nagbibiro,” giit ni Shine. “Bagay na bagay sa’yo. Simple pero may dating.”
Saglit silang nagkatitigan at sabay na napangiti. Sa sandaling iyon, walang inggit—puro suporta lamang at tuwa para sa isa’t isa. Dalawang babaeng magkaiba ang personalidad, ngunit parehong may sariling ningning.
Huminga nang malalim si Mira at hinawakan ang kamay ni Shine. “Tara na,” sabi niya. “Mukhang handa na ang gabi para sa’tin.”
Sa kabilang kwarto naman, nagbibihis na rin ang mga kalalakihan. Isa-isa nilang inaayos ang sarili—may nag-aayos ng kuwintas ng relo, may nagtatalian ng kurbata—ngunit agad na napansin ng lahat ang porma ni Jiro.
Suot niya ang isang maayos na tuxedo na itim at abuhin ang kombinasyon, simple ngunit napakaelegante. Ang hiwa ng amerikana ay akmang-akma sa kanyang tindig, at ang kurbata’y maingat na nakapulupot, parang sinadya ang bawat detalye. Hindi ito palamuti lamang—bagkus, nagpapakita ng disiplina at katahimikang may dating.
“Grabe,” bulong ni Mark habang inaayos ang manggas. “Ikaw na naman ang agaw-pansin.”
“Parang ikaw ang bida ng gabi ah,” dagdag ni Rence, may halong biro.
Napailing lang si Jiro, bahagyang ngumiti habang inaayos ang cufflinks. “Tama na nga,” sagot niya, kalmado. Ngunit kahit hindi niya aminin, ramdam niyang may kakaibang kaba sa dibdib
“How to be you na lang talaga, bro,” biro ni Kevin habang inaayos ang kwelyo. “Alam naman naming pogi rin kami… pero pag tumabi na kami sa’yo, nagiging mga alalay ang datingan namin.”
Sabay-sabay ang tawanan.
“Grabe ka,” sabat ni Paolo. “May self-awareness pa eh.”
“Hindi na nga kami background character,” dagdag ni Rence. “Furniture na.”
Napailing si Jiro at natawa nang mahina. “Ang OA n’yo,” sagot niya, kalmado pa rin. “Kung ano-ano na namang drama ’yan.”
“Hindi ’yan drama,” giit ni Kevin. “Facts ’yan.”
Ngumiti lang si Jiro habang inaayos ang huling detalye ng kanyang bihis. Sanay na siya sa ganitong biro—sanay na ring hindi gawing big deal ang atensyon.
“Yung dalawa kaya sa kabilang kwarto, tapos na kayang magbihis?” puna ni Mark habang inaayos ang relo sa pulso.
Naalala ni Paolo ang sinabi ng receptionist kanina. “Sabi nung receptionist, nung hinatiran tayo ng dinner, kakaligo lang daw nina Shine at Mira,” dagdag niya. “Kaya siguro nag-aayos pa.”
“Tama,” sambit ni Jiro. Siya na rin ang nagpasya kanina na magpahatid na lang ng pagkain sa mga kwarto at huwag nang lumabas ng silid. Ayaw niyang maabala ang lahat, at aminado siyang mas gusto niya ang tahimik na paghahanda kaysa kung saan-saan pa pupunta.
Napabuntong-hininga si Kevin at naupo sa gilid ng kama. “Naku, ang tagal pa naman magbihis ng mga babae,” reklamo niya. “Pag sinabing five minutes, ibig sabihin nun kalahating oras.”
Nagkatawanan ang lahat.
“Sanay ka na dapat,” biro ni Rence.
“Worth it naman hintayin,” dagdag ni Mark, makahulugan ang ngiti.“Hindi na nila problema ang pag-aayos,” sabat ni Paolo na may kumpiyansang ngiti. “Magaling ang dalawang ’yon magdala ng sarili. Kahit walang make-up artist, kaya na nila.”
Tumango si Mark bilang pagsang-ayon. “Oo nga. Natural na elegante.”
Napangiti si Kevin, bahagyang napailing. “Kaya pala kampante kayo. Eh yung iba, todo effort pa may inarkila pang mga make up artist..”“Tignan mo, pupusta ’ko mamaya, karamihan ng babae paglabas natin, pakapalan ng make-up,” sabi ni Kevin na may halong biro at panghahamon.
Napatawa si Rence. “Hoy, wala kang ligtas ha. Baka marinig ka.”
“Observation lang naman,” depensa ni Kevin. “Hindi naman masama, kanya-kanyang trip.”
“True,” singit ni Mark. “Pero iba pa rin ’yung marunong magdala ng sarili kahit simple lang.”“Kukuha ba kayo ng mga partner n’yo?” tanong ni Mark, tila casual lang pero may halong asaran.
Napailing si Kevin. “Ako? Bahala na. Tingnan natin kung may kakapalan ng mukha na mangyayari,” biro niya.
“basic,” tawa ni Rence.
“Depende,” sagot ni Paolo. “Kung may makakasabay, edi good. Kung wala, enjoy pa rin.”
Tahimik si Jiro. Saglit siyang nag-isip bago magsalita. “Hindi ko kailangan,” wika niya sa huli, kalmado ang tinig. “Pupunta ako para makihalubilo, hindi para maghanap at hindi rin ako interesado.”
Nagkatinginan ang iba, may mga ngiting alam ang ibig sabihin.
“Sure ka?” kantiyaw ni Kevin. “Baka mamaya may kusang lumapit.”dagdag pa nito."naku walang kalapit Jan takot lang ng mga babae"dugtong naman ni Paolo.“Pero paano kung may lumapit sa dalawang prinsesa natin?” dagdag ni Kevin, may halong pang-aasar habang nakangisi.
“Ay, malamang meron,” sagot agad ni Rence. “Hindi pa nga lumalabas ’yon, sigurado na ’ko.”
“Klaro,” sabat ni Mark. “Natural pa lang.”
Tahimik si Jiro sa una. Saglit siyang huminga nang malalim bago nagsalita, kalmado ngunit may bigat ang tinig.
“Karapatan nila ’yon,” sabi niya. “Wala naman tayong hawak sa desisyon ng kahit sino.”
Napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya.
“Uy, mature,” biro ni Kevin, pero halatang sinusukat ang reaksiyon nito.“Pero imposible din… si Shine pa,” dugtong ni Kevin, saka tumingin kay Jiro. “Parang ikaw din ’yun, Jiro.”
Saglit na natahimik ang lahat.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Mark.
“Pareho sila,” paliwanag ni Kevin, mas seryoso na ang tono. “Tahimik, hindi mahilig magpapansin, hindi basta-basta pumapatol. Kung may lalapit man, sigurado akong marunong siyang umiwas—katulad mo.”
Hindi agad sumagot si Jiro. Bahagya siyang napangiti, isang ngiting hindi maipaliwanag kung tuwa ba o pag-iingat. “Kilala n’yo siya,” sabi niya sa huli. “Hindi siya ’yung tipo na naghahanap ng eksena.”
Tumango si Paolo. “Kaya nga siya delikado,” biro nito. “’Yung hindi mo inaasahan, sila pa ang mas napapansin.”“Si Mira naman… depende,” dugtong ni Kevin na nakangisi. “Kung mala-Korean ang mukha.”
Napatawa si Rence. “Totoo ’yan. May standards si ate mo.”
“Kapag may konting oppa vibes, tapos na,” dagdag ni Mark.
“Pero choosy din ’yon,” sabat ni Paolo. “Hindi lang mukha, dapat may utak at manners.”
Tahimik lang si Jiro, nakikinig. Bahagya siyang ngumiti—kilala niya si Mira. Palabiro, maarte kung minsan, pero alam kung saan lulugar. Hindi rin basta-basta nadadala ng itsura lang.
“Sa madaling salita,” sabi ni mark, sabay tawa, “kung hindi ka mukhang bida sa K-drama, huwag ka nang umasa.”pero Kay Kevin nakatingin at nagtawanan silang lahat.