Sa kabilang dako naman, si GAVIN, matapos niyang matapos ang ikaapat na taon ng high school, ay lumuwas na rin ng Maynila upang simulan ang bagong yugto ng kanyang buhay—isang malalim at mahaba-habang kabanata ng paglalakbay na puno ng pananabik at mga pangarap. Sa kabila ng emosyonal na pamamaalam sa kanyang pamilya at mga kaibigan sa probinsya—isang mahirap na pagkakataon dahil simula pagkabata ay kasama niya ang mga ito sa lahat ng kanyang karanasan at alaala—nagdala siya ng matinding pag-asa, may kaunting kaba at malalim na pananabik para sa pagtuklas ng buhay sa siyudad na pinapangarap ng marami. Sa bawat hakbang papalapit sa bus terminal, dama niya ang kakaibang halimuyak ng hangin mula sa lungsod, na sumasabay sa malambot na sikat ng araw na tumatama sa kanyang balat, habang ang mabigat na pakiramdam tuwing nag-uusap sila ng kanyang nanay ay nagiging palatandaan ng mahalagang pagbabago na darating sa kanyang mundo—isang paglayo, ngunit may dalang kabuuan ng pangarap.
Dahil may nag-aabang na agad na trabaho para sa kanya, hindi na siya nag-atubiling maglakbay patungo sa siyudad, bitbit ang maleta, mga simpleng pangarap hinggil sa pag-unlad ng buhay, at mga payo ng kanyang mga magulang na nagsabing huwag kakalimutan ang pinagmulan at ugat. Ang kanyang ninong, na matagal nang nagtatrabaho sa Maynila at kilala ang mga sulok at pasikot-sikot ng siyudad, ang tumulong sa kanya at ipinapasok siya mismo sa pinagtatrabahuhan nito, dahilan upang mabigyan si GAVIN ng oportunidad na makapasok agad sa mundo ng paggawa at magkaroon ng matatag na pundasyon para sa kinabukasan niya. Sa tulong at gabay ng kanyang ninong na parang ikalawang magulang na rin sa kanya, mas madali niyang naunawaan ang sistema sa lungsod—mula sa pakikitungo sa mga bago niyang katrabaho, hanggang sa pagtutok sa mga hamon ng trabaho at buhay sa Maynila—at hindi siya nagdalawang-isip na sumubok, kahit bago at medyo mahirap ang mga unang araw dahil naniniwala siyang ang tagumpay ay nakukuha sa pagtitiyaga, sipag, at tiwala sa sarili.
Sa paglipat niya sa Maynila, dala niya talaga ang pag-asa, kabog ng dibdib, at pananabik na sumubok ng mga bagong karanasan at hamon sa malaking lungsod—kasama na dito ang pagnanais na makapag-ipon para balang araw ay makapagtuloy pa siya sa kolehiyo, isang pangarap na matagal niya nang iniingatan sa puso simula pagkabata. Hindi naging mahirap ang pagsisimula para sa kanya sapagkat, bukod sa regular na rin siya sa kanyang pinapasukan, nakilala na rin niya ang ilan sa kanyang mga kasamahan na ngayo’y naging mga matalik na kaibigan niya sa Maynila, nagbibigay kulay at kakampi sa araw-araw niyang buhay. "Gavin, may naghahanap sayong babae sa labas," biro ng kanyang kasama, napapangiti silang lahat at nagiging mabilis ang pakikisama sa isa’t isa, na agad niyang sinagot ng, "Ay di pa tayo pwede Dyan, 19 palang po ako," sabay tawa, patunay na kahit bata pa siya ay alam niyang unahin ang responsibilidad at trabaho bago pa man sumabak sa mga kalokohan. Kung tutuusin, pati sa kanyang trabaho ay illegal din ito noong una dahil unang pasok niya ay menor de edad pa lamang siya, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang determinasyon at pagpupursige. Kung hindi dahil sa kanyang ninong, na ipinakiusap siya at nagbigay ng tiwala sa amo, hindi sana siya makakapagsimula agad sa Maynila; ang tiwala at tulong ng ninong ay naging susi at daan upang matupad ang kanyang pag-usad sa buhay at makamit ang mga pinapangarap na noon ay abot-tanaw pa lang.
"Sus bata wala ng bata-bata ngayon sa edad mong yan makakagawa ka na ng bata," sabay tawa ng mga kasamahan niya sa trabaho, na nagpasaya at nagpasigla rin ng kanilang grupo lalo na’t tila mas lalong nagiging magaan ang kanilang samahan sa trabaho. Siya ay mekaniko sa isang malaking kompanya—malaking karangalan para sa isang probinsyanong galing sa simple at tahimik na buhay—di man siya nakapagkolehiyo, natuto naman siya sa turo at gabay ng ninong niya, na naging gabay at tulay niya. Kaya daig pa niya ang may natapos dahil marunong siyang dumiskarte at hindi basta-basta sumusuko. Diskarte lang talaga ang puhunan, sabi nga nila, at matagal nang usapan na lapitin talaga siya ng babae kahit noong high school pa siya sa probinsya. Lalo na ngayong magbinata na siya at nagkalaman ang katawan; macho gwapito nga siya kung tawagin ng mga kaibigan at katrabaho, kaya tinutukso siya lagi ng mga bagong kakilala tuwing may dumarating na panibagong babae sa kanilang lugar. Minsan ay natutukso nga din siya, sino nga ba naman siya kung sa manok ay palay na ang lumalapit, tutukain na lang, choosy pa ba siya? Hindi siya santo, hindi rin inosente—may karanasan na rin siya pagdating sa pakikipagrelasyon, mula sa mga simpleng panliligaw hanggang sa seryosong usapan, ngunit hindi pa lang niya lubusang sineseryoso ang mga yun. Bakit nga naman siya seseryoso kung pwede naman siyang tumikim lang ng pag-ibig at damdamin—palaging bukas ang kanyang puso sa pag-usbong ng damdamin ngunit hindi niya pinipilit ang sarili sa mga bagay na hindi pa niya handang harapin.
Sa ganitong yugto ng buhay niya, si Gavin ay natututo hindi lamang sa malalalim na realidad ng trabaho, kundi pati sa mahahalagang aspeto ng pagiging isang tunay na binata sa lungsod—mabigat man ang responsibilidad, masaya pa rin siya sa kabila ng lahat. ''Magtapat ka nga sakin Gavin ikaw ba ay may naiwang asawa sa probinsya nyo at ayaw mong tumikim dito hahaha'' biro pa ng isang kasama niyang pilyo na kilalang may taglay na kalibugan at nakikita kung saan-saang lugar na may katalik, basta nakabukaka na lang. Napailing na lang siya sa tinuran nito, ''wala naman at hindi naman sa ganun, namimili lang talaga ‘ko. Ayoko naman basta na lang manunuhog at magpupunla,'' ani pa niya kay Kaloy, kasabay ng tawanan at biruan ng mga kasama sa narinig. ''Yan si Gavin, sigurista,'' saad ng isa nilang kasama na si Bernard, na tila proud pa sa pag-iingat at pagiging maingat ni Gavin. Iiling-iling na lang si Kaloy sa tinuran ni Gavin sapagkat, ayon sa kanya, kung siya raw ang may ganung itsura, gagamitin niya ito para makarami ng babae..''o sige na marami pa tayong gagawin Mamaya na yang mga babaeng yan.''saad ni Gavin at ipinagpatuloy na ang ginagawa.ng biglang may sumagi sa isip nya..ang dati nyang pag ibig..
GAVIN'S POV
Kamusta na kaya cya.nasaan na kaya cya ngayon? tatlong taon narin pala ng huli kaming magkita.naaalala nya pa kaya ko at gusto nya pa rin kaya ako.HAIST yaan mo na nga madami namang katulad nya at higit na maganda sknya.'' wika nya sknyang sarili.
'' where's Gavin?''dinig nyang may naghahanap sknya nasa ilalim kasi sya ng sasakyan at may kinukumpuni.si Samantha Valejo lang naman yun.ang isa sa makukulit na nagpapahiwatig sknya.hindi lang nya to lantarang maitaboy dahil sa anak ito ng amo nya.Tama anak ito ng amo nya maganda at makinis din naman ito ang ayaw nya lang dito ay parang linta.kung makabakod sknya Akala mo ay pag aari cya'' saglit cyang tumayo at tinigil ang kanyang ginagawang pagkukumpuni at hinarap ito na nakahubad baro ng walang pag aalinlangan.nasiyahan naman si Samantha sa nakita.six pack abs yummy'' ano ba ang ginagawa mo dito sam.?ang aga aga pa para mangulit no.''sambit ni gavin'' ikaw naman gusto lang kitang Makita masama ba yun?''rason nito''oo masama kasi ano nalang iisipin ng mga tao dito yung anak ng may ari nakatambay dito.''inis na wika ni gavin'' hey wag ka namang ganyan sakin gusto lang talaga kitang makita.aalis rin ako later.''saad ni sam may kasamang himas sa braso nya na ikinapitlag pa ni Gavin.may ibang umusbong sknyang pakiramdam bigla syang nag init na di nya mawari.''pag itong babaeng to hindi tumigil sa pagpapakita ng motibo yari to sakin'' saad nya sknyang sarili.bukod Kasi sa maganda ito ay sexy din talagang nkakaakit ang knyang datingan kaya di nya rin maiwasan na pagnasahan ito yun nga lang hanggat kaya nya ay iiwas cya.mahirap kasi kung may masasabi sknya ang mga amo nya .Hindi cya pwedeng mawalan ng trabaho.