Natapos na ang pang-umagang klase kaya sabay-sabay na nagtungo sa canteen ang pitong magkakaibigan upang magmeryenda at magkukuwentuhan tungkol sa kani-kanilang karanasan sa kanilang araw at mga napansin sa klase. Mataas ang energy at saya sa pagitan nila, habang naglalakad sa masiglang pasilyo ng eskwelahan na puno ng ingay ng mga estudyanteng abala rin sa paglipat ng silid-aralan, nag-uusap tungkol sa kanilang mga paboritong guro at mga bagong natutunan sa iba't ibang subjects, may halong tawanan, biruan at pag-aalala sa ilang mahihirap na lessons. Ang malalakas na tawa at kwento ay pumapailanlang sa hangin, nagpapalakas ng samahan at nagiging sandigan nila sa harap ng pagod at stress. Sa mga sandaling iyon, ramdam nila ang kasiyahan ng magkakasama at saglit na nakakalimutan ang mga pagod sa araw habang pinagmamasdan ang bawat kwento ng kanilang araw—mga tagumpay, hirap, at saya na sama-sama nilang dinadala.
Ngunit bago pa man makarating sa canteen, nagpaalam muna si Mira at Shine na pupunta sila sa CR dahil kailangan nilang magbanyo, kaya tumabi muna sila sa gilid ng pasilyo para umiwas sa agos ng ibang estudyante na nagmamadaling magtungo sa susunod na klase o magmeryenda rin. Habang naglalakad sila sa liwanag ng fluorescent na ilaw sa pasilyo, damang-dama nila ang init ng araw mula sa malalaking bintana, kasabay ng tunog ng sapatos at mahihinang bulungan ng mga estudyante. Napansin nila ang grupo ng mga estudyante na kilala sa kanilang pagiging mapangmataas, mahilig mang-insulto ng kapwa, at kilala rin sa campus bilang “mean girls.” Malakas ang dating ng grupo, palaging nakasuot ng mga designer bag at may makakapal na make-up, madalas pinag-uusapan ng iba dahil sa ugali nilang magparamdam ng hindi maganda sa mga nakakasama nila. Ang kanilang presensya ay palaging nagbibigay takot sa iba, parang may sariling pilit na atmospera silang dala na nababalutan ng mga tinginan at bulungan.
Mabigat ang presensya ng grupo, kaya’t lalo nilang naramdaman ang tensyon sa hangin - tahimik ang iba ngunit nagsisiksikan ang mga miron, nag-aabang kung may magaganap na komprontasyon. Biglang may narinig si Shine na parinig mula kay Lily, isa sa mga mayabang sa grupo, "Ooops look who's here, the poor girl na mahilig makipagkaibigan sa mayayaman," sabay tingin na matahas at pagtawa ng kanyang mga kasama, may halong pangmamaliit sa tono nila. Ramdam ni Shine ang sakit ng mga salita, ngunit mas naramdaman niyang may kasama siyang kaibigan na handang tumindig para sa kanya at hindi nag-iisa sa laban. Hindi na napigilan ni Mira ang sarili at ipinagtanggol niya agad ang kaibigan, matapang, diretso at walang takot, buong-pusong ipinakita ang malasakit. Palaban niyang sinagot ang grupo, "Look who's here din, yung mga chaka na makakapal ang make up na nag fe-feeling maganda patutsada nito," sabay tingin sa kanila ng matapang, hindi natitinag sa mga titig na puno ng yabang. Marami ang napatingin at napabulong, nag-aabang kung ano ang susunod na mangyayari.
Dahil dito, lalong nakita ang matibay na samahan at malasakit ng mga tunay na kaibigan sa harap ng mga pagsubok at pangmamaliit ng iba. Sa kabila ng mga mapanghusgang salita, nanatiling buo ang suporta at pagtitiwala nila sa isa’t isa, at napatunayan nila na hindi madali sirain ang loob ng may matibay na samahan. Hindi ito basta-basta nagiba at lumakas pa ang loob nila dahil magkasama. Sa gitna ng komosyon, tinawanan na lang ng ilan ang sitwasyon ngunit di mapigilan na mamuo ang galit ng 'mean girls.' "Hey Mira, bakit ka ba nakikisawsaw, hindi naman para sayo yun, para yun sa kaibigan mong user," ani Ara, isa sa pinaka maarte at madalas mag-react sa mga ganitong eksena. "Excuse me lang, huh, tanong lang bakit ba iinit ng dugo nyo sakin. Inaano ko ba kayo at user ba kamo, kelan yun eh hindi naman ako nanghihingi saknila, kumikita ko ng sarili kong pera," depensa ni Shine, mahahalatang hindi na mapigilan ang inis at nararamdaman niyang injustice sa mga paratang nito. Sa bawat salitang binibitawan, ramdam ang paglalaban ng pride at dignidad ng magkabilang panig.
"Anong hindi, lagi kang nakadikit kay Jiro kahit saan siya magpunta mula pagpasok at hanggang pag uwi," sabad ni Lilac, pinapalala pa ang sitwasyon, parang gustong umpisahan ang gulo at pinapalakas ang tensyon. "Omg dahil lang dun, user na agad, tanga mo naman! Alam nyo kung gano kakapal kulorete nyo sa mukha, ganun din kapurol utak nyo," sagot ni Shine, mataray at matindi, na di mapigilan ni Mira na mapatawa sa sinabi ng kaibigan. "Abat sumasagot ka talagang poor girl ka," inis na sabi ni Lily, pati ang mga kasama niya ay nagparinig ng pilit na tawa. "O baka naman ginagamit mo yang body mo kaya Patay na Patay sayo si Jiro, sabagay yan lang pakinabang mo ano pa nga bang gamit ng magandang mukha at katawan mo," parang hindi pa nakuntento si Lily, puro parinig na may halong pang-iinsulto at inggit. Ang mga nanonood, tahimik at nananabik sa pagtatapos ng sitwasyon.
"Omg ako ba talaga o ikaw Gawain mo siguro kaya nasasabi mo yan," balik ni Shine, hindi nagpapatalo, matapang at palaban, di niya hinayaang mamaliitin siya ng grupo. "Anong sabi mong walanghiya ka," gigil na saad ni Lily, lalong umiinit ang ulo. "O bakit galit na galit ka, totoo siguro no," pang-aasar pa ni Shine, pinipilit na pakalmahin ang sarili ngunit halatang gigil din, ramdam ang bawat pagbira ng damdamin sa bawat sagutan. Di na napigilan ni Lily na sugurin si Shine, parang handa nang magkumprontahan ngunit eksaktong pagdating din ni Jiro, napansin agad ang gulo. Mapapansin sa nagaganap ang pag-iiba ng takbo ng emosyon mula sa tensyon patungong pag-aabang sa posibleng pagkunsumi.
“Anong merun at mukhang nagkakagulo kayo?” usisa nito, hawak ang bag at kunot ang noo, bakas sa boses ang pag-aalala at pagkalito sa nangyayari. Napansin niya si Mira na kanina pa dapat ay pupunta lang ng banyo kasama si Shine. “Mira, ang paalam nyo lang ay magbabanyo kayo di ba?” tanong ni Jiro na parang nagtataka, habang binibigyan ng pansin ang mga kasama at sinubukang intindihin ang sitwasyon. Nagsalita din si Lily, “pagsabihan mo yang alalay mo Jiro huh masyadong matalas ang dila,” at sinamaan ng tingin si Shine, ipinapakita ang malalim na hinanakit at galit. “Anong sabi mo? Sinong alalay?” hindi napigilan ni Jiro na magalit sa tinuran ni Lily. “Ulitin mo ang sinabi mo at sino ka ba?” tanong ni Jiro, na ikinatawa ng mga kaibigan ni Shine, palihim silang nagbulungan, hindi kasi nila akalain na hindi kilala ni Jiro ang mga “mean girls”. Sa bawat sagot at tanong, lalong sumisidhi ang tensyon at damdamin.
Labis din ipinagtaka ni Shine, na tila HINDI kilala ang grupo ng “mean girls” ni Jiro, pero cya kilalang-kilala, kahit walang yaman, kahit simpleng buhay. Sa kanyang isip, nagtaka siya kung bakit tila higit ang pagkakaalam ni Jiro sa kanya kaysa sa mga sikat na grupo. Nainsulto naman ang tatlo dahil parang di talaga sila kilala ng young master, samantalang si Shine na walang sinabi sa buhay ay sikat sa grupo. “Pare tama na yan gutom na kami o kala ko ba susunduin lang natin sila,” awat ni Rence sa kaibigan, pilit tumatawa, sinusubukang gawing magaan ang atmospera na kanina lang ay puno ng tensyon. Di kasi sila sanay sa aurang pinapakita ni Jiro na may kakaibang lakas ng loob. “Oo nga Jiro, tara na gutom na rin kami ni Mira,” sang-ayon ni Shine sa kaibigang si Rence, kunot ang noo ng poging binatilyo at halatang nagpipigil lang sa umuusbong na inis at galit. “Gutom na daw pero ang tagal,” di mapigilan na saad ni Jiro, may halong inis na reklamo, nahahawakan ang damdamin na unti-unting bumabalik sa normal. “Tara na nga,” sabay talikod sa mga kaibigan, habang tahimik na silang naglakad patungo sa canteen, iniwan ang tensyon sa pasilyo, ngunit dala pa rin ni Jiro ang kakaibang aura na labis na ikinababahala ng magkakaibigan at hindi pa rin tuluyang hinihiwalayan ng emosyon ng nagdaang komprontasyon.
Sa canteen di pa rin umiimik si Jiro iniisip pa rin ang nangyari kanina sa pasilyo, iniisip kung kaya ba natutong umiwas sknya si Shine dahil sa mga yon. Hindi nya matatanggap ang bagay na yun kaya di nya hahayaang maulit pa. Kapansin pansin naman ang pananahimik nya, nagmumuni-muni at tila tinitimbang ang bawat pangyayari kaya naglakas na loob na si Shine na kausapin ito ayaw nyang patuloy itong nananahimik. “Jiro sorry na kung natagalan Kami ni Mira hndi din naman naming intensyon na patulan pa sila, kaya lang sumobra na sila eh,” paliwanag ni Shine sa kaibigan na may kasamang lambing, pinapakita sa bawat salita ang pag-unawa at pagsisisi, nais niyang maibsan ang pag-aalala ng binatilyo. Tinignan cya ng nanunuring mata ni Jiro at tinanong, “Sila ba ang isa sa dahilan kung bakit umiiwas ka sakin lately?” usisa nito, sadyang seryoso ang kanyang tanong, bakas sa mukha ang pagdududa at pagtataka sa ikinikilos ng kaibigan. Hindi nakasagot agad si Shine, hindi niya maamin ang dahilan sa harap ng mga kaibigan, nagiisip kung paano niya ipapaliwanag ang tunay na nararamdaman. Sumabad si Kevin sa usapan kahit Puno ang bibig ng pagkain, “Oo nga naman Shine yari ka, bad mood si young master ngayon,” sinamaan ito ni Jiro ng tingin kaya agad nanahimik, naputol ang saglit na ingay at balik sa katahimikan. Si Shine ay di pa rin umiimik sa tanong ni Jiro kasi may katotohanan ito kahit magkaibigan sila; ayaw nyang madamay o masangkot ito sa gulo dahil sknya dahil mabait ito at magulang nito sknya. Nahalata naman ni Jiro iyon kaya nasabi nalang nya na “wag mo ng sagutin. Pero wag mo ng uulitin yun, magkaibigan tayo, dapat samin ka lang nakikinig hindi sa mga yun. Mas nasasaktan ako pag iniiwasan mo ko, feeling ko ayaw mo Kong maging kaibigan,” saad ni Jiro sa seryosong tinig, ikinatango nalang ni Shine ang pahayag nito. Puno ng diin at sinseridad.