HEAVEN
Pagbalik ko ng resort ay nagkakagulo ang lahat. Abala sila dahil may taping daw ng teleserye na ishoshoot dito sa resort. Sa pool area ang spot ng taping.
“Heaven, paki naman oh. Paki dala mo naman ito sa Cabin 1. Busy kasi ang mga crew ngayon dahil sa pagse-serve ng agahan sa mga artista at producer ng teleserye na nagte-taping. Kaya makikiusap sana ako. Pwede bang ikaw na ang mag serve nitong breakfast ni Sir Clint?”
Napalunok ako at lihim na nanlambot ang aking mga tuhod. Gusto ko man i-disregard ang utos sa akin ng katrabaho ko. Ayoko naman isipin niya na ma-attitude ako at hindi marunong umunawa. Saka kailangan nila ang tulong ko. Ang masaklap lang talaga. Sa dinami rami ng cabin. Sa cabin pa ni Clint. E ayaw nga niya na makita ako.
Napakamot ako ng ulo. “S-sige, dadalhin ko ‘yang breakfast ni Clint, este. Ni Sir Clint.”
“Hay! Thank you, Heaven!” tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang katrabaho ko.
Inabot niya sa akin ang tray ng breakfast ni Clint. “Salamat ulit, ha. Alam kong hindi ito kasama sa trabaho mo dito sa resort. Kaya salamat talaga.” sambit nito.
“Wala ‘yon.” nakangiting tipid na sagot ko. “Sige na, dalhin ko na itong almusal ni Sir Clint.” tumalikod na ako at maingat na naglakad papunta sa cabin ni Clint. Haist. Bahala na nga kahit magalit pa siya sa akin. Sasabihin ko na lang na busy ang lahat ng crew kaya ako ang naatasan na magdala ng breakfast niya.
Nang marating ko ang cabin 1. Nag doorbell ako ngunit walang tao na nagbukas ng pinto. Baka naman tulog pa si Clint kaya naman nag doorbell akong muli. Still, wala pa rin lumabas sa pinto. Dahil nangangalay na ako sa bigat ng hawak kong tray. Wala sa aking sarili na pinihit ko ang seradura ng pinto.
“Hindi naka-lock!”
Lakas loob kong maingat na tinulak ang pinto pabukas. Tahimik akong naglakad papasok at pinatong ko ang tray ng almusal ni Clint sa ibabaw ng lamesa. Pumihit na ako agad papunta sa pinto para umalis ka agad dahil baka abutan ako ni Clint at pag salitaan na naman ako ng masakit.
Nakakatatlong hakbang palang ako ay agad na napatigil ako sa aking paghakbang at tumigil ang pagtibok ng aking dibdib nang marinig ko ang iyak ng isang sanggol.
Hindi ako pwedeng magkamali. Ang baby Hazel ko ang umiiyak na ‘yon mula sa itaas! Ang baby ko ‘yon!
Nilipad kung saan ang takot kong mahuli at makita ako ni Clint dahil sa malakas na pag iyak ng anak ko. Wala na akong pakialam kahit pagalitan pa niya ako. Basta gusto kong makita at mayakap ang anak ko!
Mabilis kong tinakbo ang hagdaan paakyat sa itaas. Kulang na lang ay tumalon ang puso ko sa labis na saya nang makita ko ang anak ko. Nasa gilid ng kama ni Clint ang crib ng anak ko!
Ito yung bagay na hindi ko kayang ibigay sa anak ko. Ang ganda at halatang mamahalin ang kulay pink na crib ng baby ko. Maging ang suot nitong damit ay maganda rin.
Kasabay ng paghakbang ko palapit sa crib ay ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.
“Baby ko… Miss na miss kita…”
Para akong nakalutang sa alapaap sa sobrang saya na makita at makarga ang anak ko. Marahil ay naamoy ako ng baby ko nang buhatin ko siya kaya naman agad itong tumigil sa pag iyak.
Mahigpit ko siya niyakap at pinupog ng halik. Ang bango ng baby ko. Ang bango bango niya.
“I love you, baby girl ko…”
Ang pinag tatakahan ko lang. Saan nagpunta si Clint? Bakit nagawa niyang iniwan mag-isa dito sa loob ng cabin si baby. Paano kung may mangyari na hindi maganda sa anak namin tapos wala siya.
Dahil ako lang naman mag-isa ang nandito. Naupo ako sa gilid ng kama ni Clint at agad na tinaas ang aking suot na uniform. Masakit na ang dibdib ko dahil punong puno ng gatas. Kahit gaano kamahal ang powder milk na kayang ibili ng daddy ng anak ko sa kanya. Mas masustansya pa rin ang gatas ng ina. Ang akin.
Napangiti ako dahil grabe ang pagsipsip ng anak ko sa dibdib ko. Parang gutom na gutom sa gatas. Na-miss ko ang ganito. Yung buhat ko ang baby ko habang pinapa-breastfeed siya.
“Ang cute cute mo talaga baby Hazel ko,” hinaplos ko ang maamong mukha ng baby ko. Kahit hindi makapagsalita ang baby ko. Alam kong masaya rin siya na makasama ako ngayon.
“Mm… Mmm… Baby ko… Mahal ko…” kinatahan ko ang baby ko ng lullaby na madalas kong kantahin sa kanya habang pinapa-breastfeed ko siya at walang sawa na hinahaplos ang mukha.
Dahil napunta ang buong atensyon ko sa pagpapa-breastfeed sa anak ko. At sa kaligayahan na makita ko ang baby ko. Hindi ko namalayan na may tao na pala sa likuran ko. Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang malakas na tinig ni Clint.
“WHAT THE HELL? Ano ang ginagawa mo sa baby ko?!” he shouted at me. Madilim ang mukha at agad niyang tinawid ang kinauupuan ko at pagkatapos ay sapilitan na kinukuha sa akin ang baby namin sa akin bisig. Pero dahil ayaw bumitaw ni baby Hazel mula sa pagdede sa akin kaya naman hindi niya nagawa na kunin sa akin ang bata.
“Ikaw pangit na babae ka! Anong karapatan mo na pumasok dito sa loob ng cabin ko ng walang kong pahintulot. Yuck! Bakit mo pinapa-breastfeed ang baby ko?! Baka kung anong sakit pa ang makuha sa ‘yo ng baby ko! Give me my baby!” patuloy na sambit nito. Dahil sa lakas ng boses ni Clint at buong lakas niyang kinuha sa bisig ko ang bata. Biglang pumalahaw ng iyak si baby Hazel.
“You, ugly duckling woman! Stay away from my baby!”
Agad kong hinawi ang uniform ko para takpan ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero mas nangingibabaw sa akin ang pag iyak ng baby ko.
“S-sorry po Sir Clint, pero ‘wag na po kayong sumigaw. Lalo lang po umiiyak ang bata dahil sa lakas ng boses n’yo po.”
Mas lalong nag-apoy sa galit sa aking si Clint dahil sa kapangahasan kong sabihin iyon sa kanya.
“And who do you think you are to tell me that? Huh? Ikaw ang dahilan kaya umiiyak ang baby ko!” piniga niya ang aking braso. “Mind this, ugly woman. Sa oras na magkasakit ang baby ko dahil pina-breastfeed mo siya. I will sue you and put you in jail for the rest of your life!” muli ay sigaw niya sa pagmumukha ko.
Napangiwi ako dahil masakit ang braso ko na pinipiga ni Clint. “A-aray ko po Sir Clint, wala po akong sakit. Hindi ko po mahahawaan ng kahit na anong sakit ang baby niyo po.”
“Make sure of that. Dahil mabubulok ka talaga sa kulungan kapag nagkasakit ang baby ko!” pabalya akong binitawan ni Clint kaya naman napaupo ako sa lapag.
Mabilis siyang lumapit sa intercom sa gilid ng pinto. “Tumawag kayo ng doktor at pulis ngayon din!” sambit nito.
Nabahala naman ako sa aking narinig. D-doktor… P-pulis… ayokong makulong.
“S-sir Clint, ‘wag n’yo na po akong ipakulong. Wala naman po akong sakit. Naawa lang po ako sa baby n’yo kaya ko siya pina-breastfeed dahil iyak po ng iyak ang baby niyo po.” pagmamakaawa ko.
Pero sa itsura ni Clint ngayon. Sure akong hindi ito makikinig sa akin kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin ko sa harapan niya.
“Shut your filthy mouth! Wala kang karapatan para utusan ako!” sikmat niyang sabi sa akin. He scoffed. “May pera akong pambili ng gatas ng anak ko kaya hindi mo siya dapat kaawaan. At sa inyong dalawa, ikaw ang mas nakakaawa, not my child!”
Gusto ko man pagsisihan ang kapangahasan na ginawa kong muling pagpasok dito sa loob ng cabin ni Clint. At ang pagpapa-breastfeed sa anak namin dahilan para magalit na naman siya ng sobra sa akin ay hindi ko magawa. Mas nangibabaw sa akin ang kasiyahan sa konting oras na nayakap at napa dede ko ang anak ko.
“Sir Clint, nandito na po ang pulis. On the way na rin po ang doctor.” sabay kaming napalingon ni Clint sa boses na nagsalita. Si kuya guard at ang dalawang pulis na pinatawag ni Clint.
“Hulihin niyo ang pangit na babaeng ‘yan!” mariing utos ni Clint sa mga pulis.
Lumapit naman sa akin ang dalawang pulis. “Ano po ba ang ginawa ng babae na ito Sir?” tanong ng isang pulis. Hinawakan ako ng mga pulis sa aking magkabilang braso.
“Pumasok ‘yan dito sa loob ng cabin ko without my permission at gusto niyang hawaan ng sakit ang baby ko.” paliwanag ni Clint sa mga pulis.
Nagkatingin naman ang dalawang pulis sa narinig. “Sakit po Sir? Ano po ba ang ginawa ng babae na ito—--?” napatigil ang pulis sa pagtatanong dahil biglang may nagsalita.
“Anong nangyayari dito Clint? Bakit may pulis?” nakataas kilay na pagsasalita ng babae. Nakita ko na ang mukha ng babaeng dumating. Siya ang mommy ni Clint.
Bumaba ang mga mata ng mommy ni Clint sa braso ko na hawak ng dalawang pulis.
“She’s working here. Kaya bitawan n’yo po siya.” malumanay na utos nito sa mga pulis. Tinitigan nito ng masama ang anak.
“Clint, ano na naman ito Son?”
Agad na lumapit ang mommy ni Clint sa baby ko na hindi pa rin tumitigil sa pag iyak. Kinuha niya ang bata sa bisig ni Clint.
“That ugly woman, Mom. She entered here with my permission. And… Pina-breastfeed niya ang baby ko!” paliwanag ni Clint sa ina.
Isang malakas na tawa lang ang sinukli ng mommy ni Clint sa anak nito.
“And that’s your reason kaya gusto mo siyang ipakulong? Dahil lang pina-breastfeed niya si baby Hazel? Goodness, Son!”
Tumingin ang mommy ni Clint sa mga pulis. “Sir, pasensya na po kayo sa abala. At sa ka-O-A-an nitong anak ko. Pwede na po kayong umalis.”
Binitawan ang braso ko ng mga pulis. Sa guard naman ang hinarap ng mommy ni Clint.
“Guard, ihatid mo na sa gate ang mga pulis.”
“Okay po Ma’am.” tugon ng guard. Napakamot na lang sa ulo ang dalawang pulis at si kuya guard, then umalis na ang mga ito.
“M-mom…” dismayado na sambit ni Clint. Tanging taas ng kilay lang ang sinukli ng mommy ni Clint sa kanya.