Chapter 7 naglilihi ka ba?

2193 Words
HEAVEN “Heaven!” nakangiting tawag sa akin ni Kath nang makita ako nitong naglalakad papunta sa receiving area ng resort. Pasado 6 na ng hapon. Dinaanan ako ng kaibigan ko dito sa cabin resort para sabay na kaming umuwi. Ka agad na kinawit ni Kath ang kamay sa braso ko. “So, how’s your first day at work, huh? Enjoy ba?” Ayokong maging ungrateful sa harap ni Kath. Pinasok na nga niya ako ng trabaho magiging maarte at reklamador pa ba ako? Nginitian ko siya. “Good! Heller, ano bang mahirap sa paglilinis na trabaho ‘di ba?” kibit balikat na sagot ko. Gusto kong makita ni Kath na masaya ako at petiks lang sa akin ang trabaho dito sa resort. Which is, petiks lang naman talaga kung tutuusin. Nagpapahirap lang sa buhay ko sa ngayon ay ang ma-attitude na katrabaho ko. Pero may araw rin siya sa akin. “Mabuti naman kung ganun, sabi sa ‘yo mabait si Ate Veronica e!” “Oo nga, mabait nga si Ate Veronica.” “Teka, nakita mo na ba ang Tatay ng mga anak mo dito sa resort?” Napaupo ako sa tanong ni Kath. “H-huh? H-hindi pa,” pagsisinungaling ko. Pero ang totoo. Nagkita na kami at kinutya kutya niya ang itsura ko. Napanguso si Kath. “Sayang, pero okay lang. Marami pa naman araw na darating para mag-krus ang mga landas n’yong dalawa.” Naglakad na kami ni Kath palabas ng resort matapos akong pumirma sa log book ni kuya guard. “Mm… eh paano kung makaharap mo na siya? Ano ang gagawin mo? Naku, girl ha. ‘Wag kang bibigay ulit sa kanya kahit gwapo pa siya. Baka naman makipag one night stand ka na naman ha. Jusko po. Maawa ka naman sa buhay mo.” Tumigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kaibigan ko. “Sa palagay mo ba Kath, sa itsura ko ngayon. Magkaka-interest sa akin si Clint? Eh puros mga sexy at magandang babae ang type niya. Baka nga pagtawanan niya ako pag nagkita kaming dalawa. Or baka pintasan niya akong pangit.” Tila bumalik sa realidad si Kath na hindi ako si Heaven. Ang personality ko ngayon ay kulot at ala betty la fea na babae. In short. Walang lalaki ang magkakainterest sa itsura ko. “Oo nga pala nun, sorry. I forgot, hindi ka nga pala maganda sa look mo.” natatawang sambit ni Kath. Sumakay kami ng tricycle, 5 minutes away sa main road ng highway ang resort na pinagtatrabahuhan ko. At mahal ang pamasahe. 70 pesos din. “Oy, fish ball oh! Tara bili tayo,” sambit ko pagbaba namin ni Kath ng tricycle. Nagutom ako nang maamoy ko ang amoy ng niluluto na turo turo ng vendor sa cart nito. Nauna na akong lumapit sa cart ng turo turo. “Kuya, penge po ng cup.” agad naman akong binigyan ng vendor at tumusok ako ng fishball at squidballs. “Mm! Ang sarap ng sauce mo kuya!” sambit ko habang ngumunguya ako at hindi ko alintana ang init ng fishball sa loob ng bibig ko dahil bagong luto lang. Sabi nga nila. Pag stress ka. Comfort food is the best way to get your stress away. Good thing, mura pa ang comfort food ko at swak sa budget ko. “Oy, Kath. Lika na dito, tusok ka na. Libre ko. Ang sarap ng sauce ni kuya.” aya ko sa kaibigan ko habang sige pa rin ang nguya at napapangiwi ako dahil sa init ng kinakain ko. Alanganin ngumiti sa akin si Kath. Binigyan naman siya ng cup ng vendor. Kinuha naman ni Kath ang cup at tumusok ng kakainin niya. Pero habang tumutusok si Kath, makahulugan siyang nakatitig sa akin na hindi ko maipaliwanag kung aliw na aliw ba siya sa katakawan kong kumain. “Okay na ito sa akin,” konting fishball lang ang laman ng cup ni Kath. Ako naman ay tumusok ng kikiam at fishball saka ko nilagay sa cup ko. Dahil sarap na sarap ako sa sweet and spicy sauce ni kuya vendor. Nilagyan ko ng marami ang cup ko. Bumili din ako ng dalawang bote ng mineral water para naman may panulak kami ni Kath pag nakasakay na kami sa jeep mamaya. “Mukhang gutom na gutom ka ha?” puna sa akin ni Kath habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng Jeep. “Mm. Medyo.” tipid na sagot ko. Dahil may um-stop ka agad na Jeep sa harap namin ay sumakay na kaming kaagad. Sa may hulihan kami ng Jeep nakaupo. Sakto naman dahil hindi kami maaabala sa pagkain ng kaibigan ko. “Hoy, Heaven. Aminin mo nga sa akin. Buntis ka na naman ba?” maya maya ay narinig kong tanong sa akin ni kath. Nabilaukan ako at napaubo. Mabuti na lang at agad akong nakapag takip ng bibig. “Ha?” gulat na usal ko kung bakit niya nasabi ang bagay na ‘yon. Sinamaan ako ng titig ni Kath. “Eh paano, kung kumain ka ng fishball. Daig mo pa ang hindi nakakain ng turo turo ng isang taon. Para kang naglilihi e. Samantalang nung nakaraan gabi lang kumain tayo ng fishball doon sa kanto sa may atin ‘di ba?” paliwag ni Kath. “Heaven naman, tama na ang dalawang bata. ‘Tsaka, one month old pa lang si Baby Hazel, please naman. ‘Wag ka munang mag buntis ulit. Maawa ka naman sa sarili mo.” Napatingin sa gawi namin ang ilang mga kasakay namin ng Jeep na nakarinig sa sinabi ni Kath. Napatingin sila sa akin. Marahil sa isip ng mga ito. Grabe naman ang babae na ito. Hindi na nga kagandahan. Ang hilig pang kumemi sa lalaki! “Hindi ako buntis ‘no! Ang judgemental mo!” agad na giit ko. “Masarap lang talaga ‘yung sauce ng fishball ni kuya vendor.” napanguso ako. Kinuha ko ang bote ng mineral water at umimon. Pinagpawisan tuloy ako dahil sa kaibigan ko. Napakamot naman sa ulo si Kath. “Sorry naman, pero masisisi mo ba ako kung pag isipan kita na naglilihi ka na naman. Ganyan na ganyan a kasi pag naglilihi ka e.” “Hindi po ako buntis, okay. At hindi na ako magpapabuntis sa lalaking ‘yon kahit kailan. Never na.” “Naks! Pag sure lang bhe, baka mamaya isang ngiti lang sa ‘yo ng gwapong tatay ng mga anak mo. Makalunok ka na ulit ng pakwan!” pang iinis ni Kath sa akin. Nawalan ako ng ganang kumain ng fishball nang maalala ko kung gaano kagaspang ang trato ni Clint sa akin kanina. “Hindi na, hinding hindi na niya ako mabubuntis kahit kailan.” nasaktan ako ng sobra sa mga salitang binitawan ni Clint kanina. Nakita ko ang ugali niya. Hindi maganda. Yung pagiging womanizer niya. Alam ko na ‘yon e. Pero yung manghamak siya ng tao dahil sa lang pisikal na itsura. Red flag na siya sa akin. Kinuha ni Kath ang phone at nag dotdot sa screen ng phone nya. “There. I take down your words. Hindi ka na magpapabuntis sa gwapo at makalaglag panty na ama ng mga anak mo. Nasa reminder ng phone ko ang sinabi mong ‘yan, Heaven. Kaya panindigan mo ‘yan.” Napailing ako dahil pinagduldulan pa sa harapan ko ni Kath ang screen ng phone niya na naka-take down note sa reminder niya ang sinabi ko. “Sira ka,” natatawang sabi. “Tama na yung dalawang bata, ang tanga ko na kung magkaka baby number 3 pa kami ng lalaking ‘yon.” ngiwi na sabi ko. Hindi na talaga ako magpapabuntis sa Clint na iyon. Red Flag na siya sa akin. Hindi na ako bibigay ulit sa lagkit ng titig at haplos niya. Hindi na… *** “H’wag matigas ang ulo sa Lola Kamila, okay Hunter. Mommy have to work at doon mag stay si Mommy kaya hindi ako araw araw makakauwi. ‘Wag sasama sa hindi kilala sa school. Wait mo lang lagi si Lola Kamila or si Ninang ganda. Makinig kay Teacher at mag behave. Mag aral ng mabuti sa school at ‘wag makipag away. You understand what I say, Hunter?” Mahabang paliwanag ko sa anak ko. Tatlong oras lang naman siya na mananatili sa daycare center. Malapit lang rin sa bahay ang school kaya naman hindi mahihirapan si Nay Kamila at si Kath na ihatid sundo ang anak ko. Pamilya na kami kung iturin ni Kath at ng nanay niya kaya naman alam kong aalagaan nila ng mabuti si Hunter. “Opo Mommy,” sagot naman sa akin ng anak ko. “Nay, Kath, kayo na ang bahala sa anak ko. Pag may problema. Tawagan n’yo po akong kaagad.” Lumapit sa akin si Nay Kamila. Hinagod niya ako sa aking likuran. “H’wag kang mag-alala sa anak mo, Heaven. Kami na ni kath ang bahala sa kanya. Mag ingat ka sa trabaho mo.” ani nay Kamila sa akin. “Sus! Ano ka ba Heaven, tingin mo pababayaan namin ni Nanay ang inaanak ko? Kami ang bahala sa kanya. Basta pagbutihin mo ang trabaho mo at ‘wag na ‘wag mong kalimutan ‘yung sinabi mo.” si Kath na kumu kuyakoy ang paa habang umiinom ng milo. “Sinabi ko?” kunot noo na sambit ko. Hindi ko kasi ma-gets ang ibig sabihin ni Kath. “Tsk! Yare tayo sa ‘yo Heaven! Natulog ka lang kagabi, nakalimutan mo na ka agad ‘yung sinabi mo. Paano pa kaya kung makaharap mo siya?” Kumibot ang isang bahagi ng aking labi. Gets ko na kung ano ang tinutukoy ni Kath. Yung tungkol kay Clint. “Hindi ko nakalimutan ‘yon. Hindi ko lang na-gets yung sinabi mo.” inayos ko ang bag ng anak ko. “Mabuti naman kung ganun,” sambit ni Kath at tumayo na rin ito. Lumapit sa salamin na nakasabit sa dingding saka nag apply ng lipstick. Kumuha ako ng tatlong libo sa aking wallet at inabot ko kay nay Kamila. “Nay, kayo na ho ang bahalang mag budget nito para sa pambaon ng anak ko.” nahihiyang sambit ko. Mabilis na napatingin si nay Kamila sa palad kong may hawak na pera. “Masyadong malaki ang tatlong libo Heaven. Tama na itong isang libo tutal malapit lang naman dito sa bahay ang daycare center.” kumuha ng isang libo si nay Kamila sa palad ko. “Itabi mo na ang perang ‘yan, hindi ba’t kailangan mong mag ipon para sa bunso mo.” Gumaan ang aking puso dahil sa kabutihan ni nay Kamila. “Salamat po Nay, babawi po ako pag may ipon na po ako.” hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na mangilid ang luha. “Hoy, Heaven. Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo. Dito sa bahay, bawal ang ma-drama. Hindi ka naman artista para ngumawa r’yan. Ang aga aga eh nag ka-crying lady ka na naman.” agad na sita sa akin ni Kath nang makita akong naluluha. Binalik niya ang hawak na lipstick sa loob ng shoulder bag. Humalik siya sa anak ko. “Behave ka kay mother okay, Hunter. Mamaya may pasalubong sa ‘yo si Ninang ganda.” bilin nito sa bata. Tapos ay kay nay Kamila naman siya humalik sa pisngi. “Nay, gora na po kami. Ingat kayo dito sa bahay. ‘Wag na rin po pala kayo magluto ng hapunan mamaya. May date kami nung isang boylet ko. Magpapa-take out na lang ako ng maraming food para may hapunan tayo mamaya.” nginiti nitong sabi at sinabayan pa ng kindat sa ina. “Ikaw talagang bata ka oh,” napapailing na lang na sabi ni nay Kamila sa anak. “Ganun po talaga Nay, bago nila ako makuha. Maglabas muna sila ng anda.” pilya ngunit magalang na tugon ni Kath sa ina. Natutuwa talaga ako sa samahan ni Kath at ng nanay niya. Sana pag malaki na ang mga anak ko. Pareho nila kaming parang trapa or magkaibigan lang kung magturingan. Pero yung respeto bilang mag-ina ay naroon pa rin. Pinalo ni nay Kamila sa puwet si Kath. “Umayos ka Katherine!” babala nito sa anak. Natawa naman si Kath. Dahil madalang sa patak ng ulan siya kung tawagin sa buong pangalan ng ina. Niyakap ko naman ng mahigpit ang anak ko. “Behave ka dito sa bahay Hunter. At palagi kang makinig kay Lola Kamila at Ninang ganda. ‘Wag mo rin kalimutan ang mag pray bago matulog.” bilin ko. Yumakap naman pabalik sa akin si Hunter. “Yes, Mommy. Mag bebehave po ako.” humalik sa pisngi ko si Hunter. “Ingat ka po sa work mo Mommy,” Bago pa ako maging emosyonal. Nilayo ko na ang aking sarili sa anak ko. Gosh. Hindi naman malayo ang resort na papasukan ko. Almost 45 minutes lang ay makakauwi na ako ka agad kung may problema. At sinabi ko na rin kay ate Veronica na tuwing sunday ng gabi ay sasaglit ng uwi sa bahay para makita ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD