HEAVEN
Lutang at naluluha akong bumalik sa office para sa mga staff ng resort. Hindi ko naman gustong guluhin ang pakikipag-s*x ni sir Clint sa kasama niyang babae. Ang sabi kasi sa akin ng kasamahan ko sa trabaho ay walang tao sa cabin 1. At mahigpit pa nitong utos na unahin kong linisin ang itaas na bahagi ng cabin dahil iyon ang gusto ng guest na magchecheck in sa cabin 1. Hindi ko naman alam na si Clint pala ang tao na tinutukoy nito.
Pumasok ako sa office at wala akong pinag sabihin ni isa sa kanila sa takot ko na mawalan ako ng trabaho. Hanggang sa marinig kong tinawag ako ni ate Veronica.
“Tapos ka na ba maglinis Heaven?” tanong nito sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot sa kanya ay muli itong nagsalita. “kung tapos ka na, mag lunch break ka na muna.” Sabi nito.
Dahil lutang pa rin ako sa nangyari sa akin sa cabin 1. Tumango na lang ako kay ate Veronica, kakausapin ko na lang mamaya iyong kasamahan ko sa trabaho kung bakit ginawa niya iyon sa akin.
“Sige po Ate Veronica,” libre ang food dito sa resort sa mga tauhan kaya naman gusto kong magtagal magtrabaho dito. Malaki ang masa-save kong pera. Plus, pwede din akong mag-stay in dito dahil may room para sa mga staff at tauhan ng resort. Pwede naman akong sumaglit sa bahay para bisitahin ang anak ko. Hindi naman pababayaan ni Nay Kamila ang anak kong si Hunter kaya panatag akong magtrabaho at kahit mag stay-in ako dito sa resort.
May isang malaking bahay dito para sa lahat ng staff na stay-in. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko ang babae na trainer ko. Nakita kong ngumisi ito habang naka focus sa pagkain tapos nakataas pa ang mga paa sa silya na parang nasa bahay lang.
Lumapit ako sa kanya at agad na humila ng silya saka naupo sa harapan niya. “Bakit hindi mo sa akin sinabi na may guest na pala sa cabin 1? Alam mo ba ang nangyari, umakyat ako sa taas para maglinis. Tapos…” napatigil ako sa aking pagsasalita. Hindi ko na kailangan pang sabihin sa kanya ang lahat.
“Hindi ko na kasalanan kung pinagalitan ka ni Sir Clint, bakit? Ano ba ang ginawa mo aber? Pumasok ka ba ng hindi man lang nag doorbell sa cabin 1?” kibit balikat na tanong nito sa akin habang abala sa screen ng phone niya at ngumunguya.
“P-pero… Di… ba binigay mo sa akin ‘yung susi ng cabin 1 kasi ang sabi mo walang guest doon? Kaya hindi na ako kumatok or nag doorbell sa pinto dahil umasa ako sa sinabi mo na walang guest sa cabin 1.” Sambit ko.
Malakas ito na tumawa. “Eh ang tanga mo naman pala, syempre dapat pa rin talaga na kumatok or mag doorbell ka kahit may hawak kang susi. Tsaka, bakit parang ako ang sinisisi mo? Ano ba ang inutos ko sa ‘yo? Di ba malinaw naman ang sinabi ko. Dalhin mo ang susi at maglinis ka sa cabin 1, unahin mo ang itaas dahil ‘yon ang gusto ng guest. Now, sige nga. Saan doon sa mga bilin ko sa ‘yo ang sinabi ko na ‘wag kang kumatok sa pinto? See, wala ‘di ba? Tonta.”
Hindi ako nakaimik…
“Pangit na nga, bobo ba, tsk.” mapanglait na mahinang sambit nito pero narinig ko ang sinabi niya.
Tinitigan ko siya ng masama. Sige lang, pagbibigyan kita ngayon dahil unang araw ko palang sa trabaho. Ayokong masira si kath kay ate Veronica kaya for now. Titiisin ko muna ang ‘wag kang patulan babae ka. At least ngayon alam ko na kung ano ang tunay na kulay mo.
“Sorry, hindi ko lang siguro naunawaan ang sinabi mo,” ayokong ibaba ang pride ko sa pagkakamali na alam ko naming sinadya niya. Pero dahil need ko ang trabaho, lulunukin ko ang pride ko. Kailangan kong makaipon ng pera. Mag aaral na ang anak kong si Hunter.
Tumayo na ako upang kumuha ng pagkain dahil nagugutom na rin talaga ako. Tsaka, makirot, naninigas at mabigat na ang aking dibdib dahil sa gatas kaya naman kailangan kong bawasan ito mamaya sa loob ng banyo pag alis ng kasama ko.
“Next time kasi ‘wag kang tatanga-tanga,” sambit nito kaya naman agad akong pumihit paharap sa kanya hawak ang plato. “Just a piece of advice kung gusto mo na magtagal sa trabaho,” ngisi nitong dagdag.
“Thank you,” ngiti na sabi ko. Alam ko naman na hindi iyon isang advise, gusto niya lang ipamukha sa akin ang katangahan ko.
Nilagyan ko ng kanin at ulam ang platong hawak ko. Paupo na sana ako sa silya para simulant ang pagkain ko pero napatigil ako dahil dumating si ate Veronica, nakataas ang kilay at madiin ang tinig na tinawag ako.
“Heaven can we talk?” sambit nito.
Umawang ang labi ko. Parang nararamdaman ko na ang dahilan kung bakit ako gustong kausapin ni ate Veronica. Mabigat ang mga paa na tumayo ako sa silya.
“Okay po Ate Veronica,” mahinang sagot ko at hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso dahil alam kong may nagawa akong kapalpakan sa unang araw ng trabaho ko.
“Okay, sumunod ka sa akin sa office,”
“Okay po Ate,” pigil ang paghinga na sumunod ako sa paglalakad kay ate Veronica. Malayo palang kami sa office ay natanaw ko na kaagad ang naka salubong na mga kilay na si Clint. Masama niya akong tinitigan kaya naman sobrang naasiwa ako. Hindi ko magawang tumitig sa kanya.
Hindi ikaw ang Heaven na naka one night stand niya ng two times, Kaya hindi mo kailangan mailang girl.
Paalala sa akin ng aking sarili.
Dumagundong ang t***k ng puso ko nang tumigil kami sa paglalakad ni ate Veronica sa tapat ni Clint. Nagwala ang puso ko sa magkahalong kaba at takot na makaharap ko ng malapitan si Clint.
“Sir Clint, ito na po si Heaven, new employee po siya at kaka-start lang din po niya ngayon araw.” Paliwanag ni ate Veronica kay Clint.
“Hindi niyo ba siya in-orrient man lang ate Veronica?” sagot ni Clint. Nasa tinig nito ang pagiging isang boss dito sa resort.
Nahihiya na nagbaba ng tingin si ate Veronica. “Na-orient naman na po Sir,” tila takot si ate Veronica na sumagot kay Clint.
“Kung na-orient n’yo na pala siya sa trabaho niya dito sa resort, then why did she do that to my cabin?” giit ni Clint kay ate Veronica at umalsa na rin ang boses nito.
“You,” agad akong nagtaas ng paningin kay Clint nang marinig kong tinawag niya akong “you”. Hindi ako sumagot, hinintay ko lang ang gusto niyang sabihin sa akin.
“Kung gusto mong magtagal dito sa resort ni Mamita, pwes ayusin mo ang trabaho mo at ‘wag kang tatanga-tanga. What you did was wrong. Paano kung sa ibang cabin mo ginawa ang kapalpakan na ‘yon, ha? Hindi basta putso putso lang ang mga guests na ang pupunta dito sa cabin resort naming para mag check in at mag relax. kaya next time, ayusin mo ang trabaho mo. At pwede ba, ‘wag kang basta-basta na pumapasok sa cabin lalo na kung accupied ang room. Ang simple ng ng bagay na ‘yan hindi mo pa alam? Ang tanga mo naman. Hindi ba tinuro ang bagay na ‘yan sa iyo sa eskwelahan? ‘Knock before you ente’‘di ba? ‘wag mo sabihin sa akin hindi mo alam ang bagay na ‘yon? Saan bundok ka ba nanggaling pangit ka?”
Kinuyum ko ang aking palad sa lahat ng masakit na salita na sinabi sa akin ni Clint sa harap ni ate Veronica. Ang akala ko ay mabuting tao ang ama ng anak ko. Hindi pala, walang puso, mapang maliit at bastos pala ang ugali na meron siya. Ngayon ay gusto kong pagsisihan ang ginawa kong pag-iwan sa anak ko sa gate ng mansion kung saan siya nakatira.
Lumunok ako at sinikap kung magsalita. “S-sorry po S-sir Clint, hi…hindi na po mauulit.” Mahinang sambit ko.
“Dapat lang, dahil hindi nagpapa-sweldo ng tanga at walang silbi ‘tong resort ng Mamita ko. Tsaka, sino ba ang nagpasok sa ‘yo dito? No, sino ang nag-hired sa ‘yo dito sa resort?” tanong ni Clint sa akin but I chose not to answer him. Si ate Veronica ang hinarap nito.
“Next time po Ate Veronica, kumuha naman po kayo ng staff na maayos ang itsura. Mamili po kayo ng kaaya aya sa mga mata at hindi ‘yung basta kung sino lang. Yung mukhang tao po ang i-hire n’yo next time.”
Piniga ko ang aking daliri para pigilan ang luha dahil sa mapanglait na sinabi ni Clint, kailangan pala pag mag-aapply ng trabaho dito sa resort ay maganda. Grabe naman ang descrimanation ni Clint sa pangit, sa tulad ng mukha na meron ako.
“Sorry po Sir Clint, hindi na po mauulit. Um, sa cleaning posisyon ko naman po nilagay si Heaven kaya kahit paano hindi po niya kailangan na mag assist or humarap sa guests.”
“Well, mabuti naman kung ganun. Dahil baka pag nakita ng guest ang mukha ng pangit na ‘yan, mawalan ng ganang kumain or worse, mag-check out dito sa resort ng wala sa oras.” Tugon ni Clint kay ate Veronica.
Hinarap akong muli ni Clint. “Next time, pag maglilinis ka ng cabin, make sure na nakapag-check out na yung guest para naman hindi ka nila Makita. Tutal naman hindi kahali halina ang mukha mo na humarap sa mga guest ng resort.” Muli ay mapang yurak na paalala sa akin ni Clint.
Mapait akong ngumitin sa kanya at tumango. “Okay po Sir Clint, sorry po.” Sambit.
“EW! I hate your smile, ang pangit mo!” mabilis na tugon sa akin ni Clint.
Si ate Veronica naman ay nag patay malisya na lang na walang narinig. ‘he hates my smile dahil ang pangit ko’. Nanliliit ako habang kaharap ko si Clint dahil sa mga mapang yurak niyang mga salita na binitawan sa akin.
Tinakpan ko ang aking nakangiting labi. “Sorry po,” sambit ko ng nakatakip ang bibig.
“Sorry po Sir Clint, hindi na po mauulit.” Saad naman ni ate Veronica.
“Sige na Ate Veronica, alisin mo na sa harapan ko ang pangit na ‘yan. Nasusuka ako pag nakikita ko ang mukha niya.”
“Okay po Sir Clint!”
Agad akong hinila ni ate Veronica palayo kay Clint.
“Tara na Heaven,” halos masubsob ako sa paglalakad dahil nabigla ako sa ginawang paghila sa akin ni ate Veronica. “Pag pasensyahan mo na ‘yon si Sir Clint, ganun lang talaga ugali nun. Hindi lang talaga maganda ang tabas ng dila pero okay naman siya. Nagmana lang talaga sa bibig ng Mamita niya.” Wika ni ate Veronica sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bahay ng mga staff.
Tumigil sa paglalakad si ate Veronica at hinarap ako. “Teka, ano ba kasi ang ginawa mo at G na G sa ‘yo si Sir Clint, ha, Heaven?” tanong ni ate Veronica habang mariin nakatitig sa akin.
Ngumiti ako. “Wag na lang po natin pag-usapan Ate Veronica,” sagot ko naman sa kanya.
“Mm… let me guess. Nakita mo bang nakikipag s*x si Sir Clint sa loob cabin niya?” ngisi na sambit ni ate Veronica. “Hindi lang ikaw ang naka-experience ng ganiyan scenario, pang ilan ka na rin.”
Dahil sa aking narinig ay napatango ako. “Opo, Ate Veronica. Nakita ko po kasing magkapatong si Sir Clint at ang babae na kasama po niya sa cabin 1.” Sambit ko.
“Ganyan talaga ‘yan si Sir Clint, kaya ikaw, next time. Pag nandyan si Sir Clint, ‘wag kang basta basta pumapasok sa cabin 1. Maharot kasi iyan si Sir, kaya kung mag stay man siya dito sa resort. Sure na may kasama siyang babae sa loob ng cabin.”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa natuklasan kong Gawain pala ni Clint ang magdala ng babae sa cabin 1.
“Sige po ate Veronica, tatandaan ko po ang lahat ng ‘yan.” Sang ayon ko kay Ate Veronica. Masaya na akong hindi ako nawalan ng trabaho. Pipilitin ko na lang na layuan si Clint pag narito siya sa resort para hindi kami mag kitang dalawa.