HEAVEN
Mabilis na lumipas ang dalawang araw. At wala pa rin pagbabago sa malupit na pakikitungo sa akin ni Clint. Hindi niya ako kinakausap. Para akong aso na tatawagin lang niya sa ibaba kapag umiiyak ang baby namin or kailangan kong asikasuhin ang anak namin.
Naging magaan naman sa akin ang lahat, kahit pa para akong hangin sa kasama ko. Ni hindi nga niya magawang alukin akong kumain everytime na kumakain siya or nitapunan ako ng tingin. Wala siyang pakialam sa akin at pinaparamdam niya sa akin na ayaw niya ako bilang babysitter ng bata.
Maghapun lang nasa itaas si Clint after nito na mag jogging, nakatutok lang palagi sa laptop nito or kaya naman ay abala sa phone calls. At kapag palubog na naman ang araw, aalis ito at ang oras ng uwi dito sa cabin ay
11 na ng gabi. Ang sabi ni ate Veronica. Naroon si Clint sa bilyaran nakatambay at nakikipag hang out sa mga naglalaro ng billiard.
Pasado alas nuwebe na pala ng umaga at ngayon palang ako kakain ng almusal. Hindi ko naman kasi maintindihan si baby. Pagbalik namin dito sa cabin after ko siyang paarawan ay biglang nawala sa mood. Iyak ng iyak at ayaw niya na bitawan ko siya. Masyadong naglalambing sa akin ang anak ko. Gusto niya ay laging nararamdaman ang init ng bisig ko.
Napangiti ako at sawakas, nakatulog din ang baby ko after kong paliguan. Ligo lang pala ang solusyon para mawala ang toyo ng anak ko. Gusto ko tuloy matawa dahil naninibago akong mag-alaga ng baby girl. Dankasi naman. Ang anak kong si Hunter noon ay never akong pinahirapan. Hindi mahilig magpa-carry sa akin ang batang iyon. Hindi rin iyakin, iiyak lang siya pag gutom or need kong palitan ng diaper. Pero itong si baby Hazel, grabe ang moody ng batang ito. Ayoko man amin, pero nakikita kong kaugali siya ni Clint. Masyadong bugnutin at toyoin.
Nagpasya akong umakyat na sa itaas upang ilapag na sa crib si baby, at habang naglalakad ako paakyat sa hagdan ay pigil ang aking paghinga at kinakabahan akong makaharap si Clint. Well, always naman akong kinakabahan na makaharap siya. Paano ba naman kasi ako hindi kakabahan, meron at wala akong gawin na pagkakamali ay palagi pa rin mainit ang dugo niya sa akin. Kaya hindi ko maiwasan ang maging mabigat ang aking dibdib kapag aakyat ako sa itaas.
Pag-akyat ko ay sakto naman na kalalabas lang ni Clint ng banyo. Nakatapis ng towel ang ibabang bahagi dahil katatapos lang maligo. Lihim akong napalunok at patay malisya sa presensya niya, sinikap ko ang hindi mapatingin sa gawi niya. Pero makulit at suwail ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapasulyap sa kanya lalot hubad baro siya.
“Make it quick, and stop looking at me, ‘cause I hate you looking at me.”
Sabi ni Clint nang mahuli niya akong napasulyap sa kanya. I didn’t answer back. Binilisan ko na lang ang paglalagay sa baby namin sa crib at pagkatapos ay agad akong tumalikod sa kanya at naglakad pababa ng hagdan.
“Ikaw naman kasi Heaven, ang kulit mo! Sinabi ng ‘wag kang titingin sa kanya. Iyan tuloy, nahuli ka niya! Ang kulit mo kasi!”
Sermon ko sa aking sarili habang naglalakad ako sa hagdan. Malay ko ba naman kasi na titingin rin siya sa akin. Tss.
Dahil sa tagpo sa itaas. Pakiramdam ko ay lalo akong nagutom kaya naman agad kong nilapitan ang almusal ko sa ibabaw ng lamesa.
Ang ganda nga talaga ng abs ni Clint, parang pandesal ang six-pack abs niya!
Kiniling ko ang aking ulo. Hoy, Heaven. Ano ka ba? Lumalambot ka na naman sa kanya ha. Naku ka talaga. Redflag siya. Iyan ang dapat na ipasok mo sa kokote mo at hindi ang sixpacks na abs ng masungit na ama ng mga anak mo! Kaya mo siya kasama, dahil babysitter ka lang ng anak niyo. Iyan ang reyalidad ng buhay kaya gumising ka sa reality at sa kabaliwan mo!
Nakakailang subo pa lang ako ay narinig kong may nag doorbell. Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto saka ko iyon binuksan. My eyes widened ng mapagtanto ko ang taong nasa labas ng pinto. May bitbit ito ng gamit sa paglilinis. Kita mo nga naman ang buhay. Ang tadhana ang gumawa ng paraan para makabawi ako sa katrabaho ko na siyang naging dahilan kung bakit palagi ng mainit ang dugo sa akin ni Clint.
Kapag sineswerte ka nga naman talaga. Siya pa ang pinadala dito sa cabin ni Clint para maglinis.
“Yes,” nakangiti at mapang asar na sambit ko. Since ang kapalaran na ang gumawa ng way to get revenge on her. Then I will grab this opportunity. Hindi ko naman gagawin sa kanya ang kalupitan na ginawa niya sa akin. Kun’di ipapamukha ko lang sa kanya ang pagkakamali niya sa akin nung time na bago lang ako dito sa resort.
“Oh, maglilinis ka pala. Sige, pasok at umakyat ka na sa itaas. Pero ‘wag ka lang maingay dahil natutulog si baby Hazel.” saad ko sa kanya.
Ma-pride pa rin siyang talaga ‘till now. Hindi niya ako sinagot. Taas-noo dala ang mga panlinis na pumasok siya sa pinto at nilagpasan ako ‘tsaka dere-deretso na umakyat sa hagdan.
“Mm… One… Two… Three…” sambit ko matapos kong isarado ang pinto. Lumakad ako sa tapat ng hagdan. Hindi nagtagal ay narinig kong sumigaw si Clint.
“Who told you to up here nang hindi man lang hiningi ang permission ko? Alis!”
Sigaw ni Clint sa itaas.
“Tapos ka na bang linisin ang ibaba?” tanong ni Clint.
“H-hindi pa po S-sir C-clint…” nakanda utal na mabilis na sagot ng ma-attitude kong katrabaho noong time na pareho kaming housekeeper.
“Then bakit dito sa itaas ang inuna mo? Hindi ba sinabi ko na sa phone kanina, downstair ang unahin sa paglilinis dahil busy pa ako rito sa taas? Ang simpleng instruction hindi mo na-gets?” muli ay masungit na pagsasalita ni Clint.
Patas na tayo ngayon, ginawa mo rin iyan sa akin e. Binalik ko lang sa ‘yo ang kamalditahan mo sa akin.
“S-sorry po S-sir C-clint. H-hindi na po mauulit. Sorry po.” muli ay nauutal na tugon ng ma-attitude kong katrabaho.
“Dapat lang! Kung ayaw mong mawalan ka ng trabaho. Sige na, umalis ka na sa harapan ko!” malupit na taboy ni Clint sa kaharap.
Mabilis akong bumalik sa lamesa at nagpaka-busy sa aking pagkain. “Mm..” sambit ko habang kumakain at nakatingin sa screen ng phone ko pagbaba ng ma-attitude kong ex-workmate.
Malakas nitong binaba sa palag ang mga dala kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Masama siyang nakatitig sa akin. The same way I looked at her when she betrayed me by saying that to clean the upstairs first before the downstairs. Ako ang una niyang pinahamak, pinaramdam ko lang sa kanya how it feels. Kaya quits na kaming dalawa.
“Yes? Do you need anything? Water gusto mo?” alok ko sa kanya kaya naman lalong tumaas ang kilay niya at namula ang mukha. “Mm… Sorry for that, I accidentally heard kasi na sinigawan ka ni Sir Clint. That’s so sad, you know.” matulis ang nguso na sabi ko at pinalungkot ko ang aking mukha.
“Okay lang ‘yan girl, dapat kasi next time. Susunod ka sa instruction ni Sir Clint, alam mo naman ang boss natin na ‘yan… Masungit.” muli ay sambit ko.
Pulang pula ang mukha sa pagpipigil ng galit sa akin na nagsimulang kumilos ang ma-attitude kong ex-workmate. Dahil sa inis ko talaga sa kanya. Ni ang name niya ay hindi ako na-curious alamin. Tama na ang ma-attitude na pangalan sa kanya.
***
Araw ng friday ngayon. Pauwi kami sa mansyon nila Clint dahil magiging abala na si Clint at ang mommy nito sa pag-aasikaso para sa binyag ng anak namin.
“Hi, kuya Clint!” masayang salubong kay Clint ng kapatid nitong babae. Ang sabi ni ma’am Cristely. Dalawa ang anak niyang babae. At ang pangalan ng mga ito ay Aryana at Ayana. Hindi ko lang alam kung sino sa dalawa ang masayang bumati at sumalubong kay Clint sa dalawang kapatid niyang babae. Identical kasi ang sixtuplests na magkakapatid.
“Hi! So it’s you? Ikaw pala ang babysitter ng aking cute na pamangkin.” bati naman nito sa akin. Ako naman ang hinarap niya. She touched my hair. “How pretty naman your hair,” puri niya sa kulot na buhok ko. At napaisip. “Shiny… But… It looks like a wig. Sorry to say that. But don’t worry. Marami akong treatment sa kwarto ko. I can give you some.”
“S-salamat po.” nahihiya na tipid na sagot ko sa kanya.
“Anyway, I'm Ayana. Mom told me your name is Heaven. And you are mabait and pretty. I can say, Mom’s right.”
Lihim akong natuwa. Pakiramdam ko ay tulad ng mommy ni Clint, magiging close ko rin ang kapatid nitong si Ayana.
“O-opo Ma’am Ayana, Heaven po ang pangalan ko.” ngiting tugon ko rito.
Nginitian niya akong muli. “Huwag mo na akong tawagin ‘Ma’am Ayana’. Ew. Feeling ko ang tanda ko na pagtinatawag mo akong ‘Ma’am’. Eh mukha naman hindi nalalayo ang age nating dalawa.” she grinned at me.
Hinaplos niya ang hair ni baby Hazel. “Oh, cute cute talaga ng baby girl namin. Ang pretty like her babysitter.”
“Stop saying that, Ayana. Hindi sila magkamukha ng baby ko!” sita naman ni Clint sa sinabi ng kapatid.
“What’s wrong with that kuya Clint? Pretty naman talaga ang babysitter ng baby mo.” ngiti na giit ni Ayana sa kuya.
“Hindi sila magkamukha ng baby ko dahil babysitter lang siya, at hindi Mommy ng anak ko. Look at her. She’s ugly, while my baby is cute and pretty. At sigurado akong maganda ang Mommy ng anak ko, ‘di tulad ng nerd at pangit na babaeng ‘yan.” muli ay giit ni Clint.
Napalunok ako dahil sa masakit na sinabi na iyon ni Clint. Kahit hindi ko tunay na katauhan ang itsura ko. Masakit pa rin sa akin ang nilalait at pinipintasan niya ako.
“Tama naman po si Sir Clint, hindi po kami magkamukha ng alaga ko.” ngiti na sang ayon ko sa sinabi ni Clint.
Ngumuso si Ayana. “Mm! Ang sungit mo talaga kuya! D’yan ka na nga,” inakbayan ako ni Ayana sa balikat. “Tara, ihahatid na kita sa magiging room mo.” wika nito sa akin. Nagpatianod lang ako sa kanya sa paglalakad.
“Alam mo, ‘wag mong pansinin si kuya Clint. Ganyan lang talaga ‘yan. Paano, na-friendzone kasi ng first love niyang babae. Ayon, love na love niya si girl but itong si girl naman biglang nagbago at kinalimutan siya ng tuluyan ng maging sikat na artista. Kaya itong si kuya Clint, frustrated maging artista para makuha niyang ulit ‘yung first love niyang ‘yon.” kwento ni Ayana sa akin sa lovelife ni Clint habang naglalakad kami paakyat ng hagdan.
“But the problem, hindi naman yata siya destiny maging artista. Kasi kahit anong gawin niya, at ilang workshops na ang gawin niya. Wala pa rin. Pilit pa rin ang pag-arte niya at wala rin siyang talent na pwedeng i-showcase para sumikat. Tss.”
“Sinong artistang babae ba ‘yon?” bigla akong na-curious kong sino yung artistang first love ni Clint kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong kay Ayana. Tutal naman eh na kwento na rin naman niya sa akin ang bagay na iyon.
“Si Marika Lee,”
Tumango tango ako. “Ah,” hindi ako mahilig manood ng tv kaya hindi ako pamilyar sa Marika Lee na ‘yon. Pero dahil na-curios ako sa kanya. Mamaya ise-search ko siya sa google. But one thing I know. Sure akong maganda ang Marika Lee na ‘yon. Si Clint pa ba? Hindi siya magkakagusto sa pangit na babae. Sure na ilelevel niya sa kagwapuhan niya ang babae na mamahalin niya.