HEAVEN
Simula nang umalis si Clint kanina ay hindi pa rin siya bumabalik dito sa cabin. Masakit na ang sikmura ko dahil sa gutom. Pasado alas-nuwebe na ng gabi. Kahit ilang baso ng tubig na ang naubos ko. Hindi pa rin talaga kayang mapawi ang gutom na nararamdaman ko ngayon.
Saan kaya nagpunta ang lalaking ‘yon? Hindi ko naman pwedeng iwanan mag-isa dito sa cabin si baby Hazel. Hindi pa binyag si baby kaya hindi maganda na iniwan mag-isa ng walang kasama. Iyon kasi ang sabi ni nay Kamila sa akin noong hindi binyag ang anak kong si Hunter.
Dahil wala pa si Clint, nagpasya na lang muna akong pumasok ng banyo at maligo. Naisip ko na hindi pa naman darating si Clint. Ang banyo na lang sa itaas ang ginamit ko. At least, pag umiyak si baby Hazel. Maririnig ko ka agad.
Iniwan kong naka bukas ng konti ang pinto ng banyo para madali kong marinig kapag nagising si baby Hazel. Mabilis lang naman akong maliligo dahil banyo ito ni Clint kaya dapat lang talaga na bilisan ko ang paliligo ko.
Pagkahubad ko ng lahat ng saplot ko sa katawan. Agad kong sinabon ang sarili at nag shampoo. Pero hindi ko pa natatapos banlawan ang aking katawan ay narinig kong umingit si baby. Tsk. Minadali ko ang aking pagligo. Binalot ko ng towel ang basang buhok ko. Naisip ko na kailangan kong humingi ng day off para ipasadiyang ipakulot ang buhok ko. Hassel din kasi talaga na aalisin ko pa ang wig ko pag maliligo at at ikakabit ko after ko maligo.
Dahil nataranta na ako nang marinig kong umiiyak si baby Hazel, at sa kakaisip na baka abutan ako dito ni Clint. Hindi na ako nakapag conditioner ng hair ko.
Lumabas ako ng banyo na nakatapis ng towel ang katawan ko na dala ang damit na hinubad ko. Nilapag ko sa ibaba ang damit ko at agad kong binuhat si baby.
“Hindi pa tapos maligo si Mommy, baby. Wrong timing naman ang gising mo.”
Tumigil naman agad sa pag-iyak si baby Hazel nang maramdaman niya ang init ng bisig ko. I kissed her on her cheek. Para kang kuya Hunter mo noon anak. Ganyan na ganyan din siya noon.
Henele ko si baby Hazel upang muling makatulog. “Tulog na, baby kong maganda. Tulog na, baby kong mahal,” sambit ko habang patuloy na hineheli si baby.
“Are you trying to seduce me?”
Napapitlag ako sa gulat nang marinig ko ang inis at nandidiri na boses ni Clint sa akin ng abutan niya akong nakatapis ng towel.
“Really, you think mase-seduce mo akong ugly cleaning lady ka?” muling pagsasalita ni Clint. May kakaiba sa kanyang boses. Lumakad siya papunta sa kanyang kama kaya naman agad akong tumalikod sa kanya dahil sa takot na makita niya akong walang makapal na kilay at makilala niya kung sino akong talaga.
Dahil sa ginawa niya, tama nga ang hinala ko. He’s drunk. Naamoy ko ang alak sa kanya.
“S-sorry po Sir Clint, naliligo po kasi ako nang marinig kong umiyak si baby Hazel.” dahilan ko.
Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa palayo sa kanya pero bago ko pa marating ang unang palapag ng hagdan ay narinig ko na tinawag niya ako.
“Sandali, ugly cleaning lady.” nanlalaki ang aking mga mata at napatingin sa lapag nang itapon niya ang damit na hinubad ko. “You forgot your trash, I hate trash here. I hate you...” walang puso niyang sabi na parang basura na tinapon ang damit ko.
Lumunok na lamang ako. Dahil buhat ko ang baby namin. Maingat akong umupo ng bahagya at dinampot isa isa ang mga damit ko na tinapon niya sa lapag.
Hindi basura ang mga damit ko, at lalong hindi ako basura!
Tahimik akong tumayo at muling naglakad pababa ng hagdan. Pigil ang aking paghinga at namumuo ang aking luha.
Ang babae na pangit sa harapan mo ngayon, at ang babae na basura sa ‘yo. Inanakan mo lang naman ng dalawang beses!
Nilapag ko muna si baby sa sofa. Mabilis akong nagsuot ng damit. Naramdaman ko na naman ang pag-iyak ng aking sikmura. Sobrang gutom na gutom na talaga ako.
Nang makapagbihis ako. Pina-breastfeed ko muna si baby, nang mahimbing na itong natutulog ay umakyat ako sa taas para ilagay sa crib. Naabutan kong natutulog na din si Clint. Humihilik pa ito dala marahil ng kalasingan.
Hinalikan ko sa dibdib ang baby ko saka ko ito iniwan. Nag-iisip ako kung paano ako makakakain dahil gutom na talaga ako. Laking pasasalamat ko nang biglang tumunog ang phone ko at si ma’am Cristely ang tumatawag sa akin.
“Mabuti po at tinawagan niyo po ako Ma’am Cristely,” agad na sambit ko sa kanya.
“Why? May problema? Inaway ka na naman ba ng anak ko?” sunod sunod na tanong nito.
Hindi na mahalaga sa akin kung inaaway ako ni Clint, nasanay na ako sa kanya sa maikling panahon na kasama ko siya at inaaway niya ako.
“Um, ano po kasi… Gutom na gutom na po ako Ma’am.” walang paligoy ligoy na pag amin ko.
“Ano? Hindi ka pa nagde-dinner until now? Bakit?” narinig kong malakas na bumuntong hininga si ma’am Cristely sa kabilang linya. “Humanda sa akin ‘yang batang ‘yan!” matigas na sambit nito at hindi nagtagal ay lumambot rin ang boses. “Sorry, Heaven. Okay, tatawag ako sa clubhouse para dalhan ka ng hapunan diyan.”
“Maraming salamat po Ma’am Cristely,”
“Sorry talaga kung ginutom ka ng anak ko, hija. Hayaan mo. Hindi na mauulit ito. At ibibilin ko na rin sa clubhouse na dalhan ka ng food mo from breakfast to dinner.”
Gusto kong tumalon sa tuwa. Kahit minu minuto akong awayin ni Clint, basta busog ako. Okay lang sa akin dahil need ko ang pagkain lalot nagpapadede ako sa baby ko.
“Salamat po Ma’am Cristely, sobrang salamat po sa inyo.”
“Thank you din sa ‘yo Heaven. At sana, habaan mo pa ang pasensya mo sa anak ko. Oh sige, hintayin mo na lang ang food mo. Goodnight,”
Nang matapos akong makipag-usap kay ma’am Cristely. Napatitig ako sa screen ng phone ko. Naka-wallpaper kasi ang picture naming tatlong mag-iina.
Magkakasama sama rin tayong tatlo ulit mga anak ko. Promise iyan ni Mama…
Makaraan ang ilang sandali, narinig kong tumunog ang doorbell. Dali dali akong tumayo at tinakbo ang pinto para buksan ito. Pagtalikod ng crew na naghatid sa akin ng pagkain ko ay agad akong tumakbo sa lamesa.
Pumikit ako at inamoy ko umuusok na isang bangkok na pork sinigang. In-orderan din ako ni ma’am Cristely ng gulay. Dahil sa gutom ko. Naubos ko talagang lahat ang pagkain ko. Kaya naman ang problema ko ngayon. Hindi ako nito makakatulog ka agad dahil sa sobrang kabusugan ko.
“Haist. Ang takaw mo kasi, Heaven!”
------
Kinumagahan. Kahit kulang ako sa tulog dahil sa pagising gising ko sa tuwing nagigising si baby Hazel. Gumising pa rin ako ng maaga para painitan si baby sa umaga.
Habang buhat ko sa aking bisig si baby Hazel at nagpapainit kami sa arawan. May mga taong nag jojoging at nagba-bike. Malawak kasi ang activity area ng resort na ito. May mga puno rin ng mangga kaya naman malilim at sariwa ang hangin.
“Ommmmmg! Ang hunk at hot naman this guy! Ang laki ng abs!”
“Oo nga, ang sarap lamasin ng abs niya! At nakita mo ba ‘yung ano niya. Nakabakat! Gosssh! Ang laki girl! Ang sarap!”
Narinig kong pilya na pag-uusap ng dalawang babae di kalayuan sa akin. Pasimple akong lumingon para makita kung sino ang lalaking tinutukoy ng mga ito.
“Girl, palapit siya dito sa atin. Makipagkilala tayo sa kanya!”
“Good idea, girl!”
Napalunok ako nang makita kong si Clint pala ang pinagpapantasyahan ng mga ito. Hindi ko sila masisisi kung pagpantasyahan nila ang katawan ni Clint. Paano ba naman. Hubad baro ito sa itaas at ang suot na pang ibaba ay jogging pants na hapit na hapit sa kanyang lower part.
Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang kulay itim na pants. Hubog na hubog ang magandang katawan niya dahil for sure ay alaga sa gym.
“Hi, cute.” pa-sweet na tawag kay Clint ng isang babae. Agad naman napatigil sa pagtakbo si Clint at hinarap ang mga ito.
“Hi,” tipid na tugon naman ni Clint rito.
“Ang ganda ng view dito sa resort ano?” sambit naman ng isang babae habang nakatitig sa abs ni Clint.
“Yeah, maganda talaga ang view dito sa resort. That’s why I like it here.” sagot ni Clint.
“So, you're always here? Mm?”
“Mm… kinda, Yes.”
“How nice naman! Mm… starting today, dadalasan na rin namin ng kaibigan ko ang pumunta dito sa resort.”
“Anyway, what’s your name? I’m Amy, and she’s my friend, Izy.”
“I’m Clint, nice to meet you, girls.” pakilala naman ni Clint sa sarili sa mga ito.
Bago ko pa marinig ang pakikipag landian ni Clint sa dalawang babae. Mabilis na akong kumilos at naglakad palayo sa gawi nila. Alam ko na kasi ang susunod sa pakikipagkilala niya sa mga ito. Next ay ang mag exchange sila ng number and so on.
I don’t want to get hurt. Who Am I to get hurt ‘di ba? I’m just a ‘ugly cleaning lady’ a ‘Babysitter’ sa buhay niya…