Chapter 1

1940 Words
EXCITED na si Izabelle sa business trip nila ng kanyang boss sa Rome Italy. Maswerte siya dahil bukod sa secretary ng boss ay isa siya sa napiling kamasa sa business trip at seminar. Tatlong buwan pa lamang siya sa G&C chemicals and pharmaceutical company sa Pasig. It’s her first work as an accounting staff. Sinuwerte siya sa unang apply niya sa trabaho kahit fresh graduate sa kursong BS Accountancy. Nakapunta na siya sa Rome Italy, noong sumama siya sa boyfriend niyang si George na isang commercial pilot. George was her college friend and first boyfriend. Sa kasalukuyang nasa Italy si George matapos ang international flight nito. Dumalo ito sa family reunion ng mother side nito. Migrated ang ibang kapatid ng mommy nito roon. Dahil palaging may international flight si George, bumili na ito roon ng condo unit. “Babe, sorry but we can’t meet this Sunday. Extended ang family reunion namin at ayaw akong payagan ni Tita Bela na gumala,” sabi ni George nang tawagan niya ito at sinabi na on the way na sila papuntang Rome. Nalungkot siya sa sinabi nito. “Sayang naman, babe. It’s our chance to enjoy the Rome date for a second time,” dismayadong sabi niya. Bumuga siya ng hangin habang nakalapat ang cellphone sa kaliwang tainga niya. “Miss pa naman kita.” Naroon na sila sa boarding area ng airport at hinihintay na lang ang eroplanong sasakyan nila. Ang boss at secretary nito’ng si Alfred ay kumakain ng cup noodles sa likuran niya. “Oh, I missed you too,” tugon naman ng binata sa malambing na tinig. Huminga rin ito sa phone. “I’m sure you will be busy during the seminar with your boss, so we can’t go out together. But don’t worry, I’ll call you if I have free time.” “Kahit sa condo mo na lang tayo magkita, babe. Gusto lang talaga kitang makasama. Isang buwan na rin akong nangungulila sa ‘yo, eh,” drama niya. “I know but our time was not enough. I’ll call you naman, eh.” “Sige na nga. Basta pag may free time ka, ha?” “Yes, babe. But please don’t expect.” “Okay. I love you,” sabi na lamang niya. “I love you too.” Naputol na ang linya. Saktong nag-announce na ang staff para sa susunod na aalis papuntang Italy. Pumila na sila ng kanyang boss at ng secretary nito. Excited na siyang makapak ulit sa bansa’ng isa sa paborito niya. Sa buong araw at magdamag na biyahe ay apat na oras lang ang naitulog ni Iza. Umiinit na ang pang-upo niya dahil bihira siya tumayo at kapag pupunta lang sa comfort room. Siya ang pumuwesto sa upuang malapit sa bintana, habang nasa gitna si Alfred. Nasa unahan naman ang boss nilang lalaki. Forty years old lang ang boss nila at isang surgeon. Ang asawa nito ay isang kilalang chemical engineer na may dugong Chinese. Pagdating nila sa Rome kinabukasan ng hapon ay nag-check in kaagad sila sa hotel. Doon din sa hotel na iyon gaganapin ang seminar at ibang activity related sa mga pharmaceutical companies sa buong mundo. Binigyan siya ng temporary ID ng hotel at nakasulat doon ang purpose niya sa hotel. Kasama siya sa guests na mag-stay ng tatlong araw para sa mahalagang events. Tig-isa silang kuwarto ng secretary at boss. Ang ganda ng kuwarto, malaki at maaliwalas dahil sa all-white painted walls and ceiling. Talagang pang-five star hotel. Marami ring magagandang pasilidad ang hotel na mayroong seven floors. It has luxurious facilities that make her feels like she was in the royal palace. The staff is very accommodating and friendly. The foods are classy with Italian delicacies. She loves Italian food and the culture also. Nahawa na siya kay George na lumaki sa piling ng lolo nitong Italian national. Napasarap ang tulog ni Iza kaya paggising niya kinabukasan ay nagmadali siyang naligo. Alas-siyete na ng umaga. Dapat bago mag-alas-otso ay naroon na sila sa conference room ng hotel kung saan gaganapin ang seminar. Nagkape lang siya at dalawang perasong toasted bread ang kanyang kinain. Nagsuot siya ng puting blouse na pinatungan ng gray blazer. Black slacks naman ang suot niya sa ibaba at black close shoes. Isang maleta talaga ang dala niyang damit dahil ilang beses siyang nagbibihis sa isang araw. Bitbit niya ang kanyang laptop paglabas ng kuwarto. Basa pa ang hanggang baywang niyang buhok kaya hinayaan niya itong nakalugay. Hindi naman mahangin sa loob at malamig kaya hindi ito magugulo. Patakbong tinungo niya ang elevator nang makitang magsasara na ito. Para makalusot ay patagilid siyang pumasok. Kamuntik pang maipit ang kamay niya. Sa lakas ng pagpreno ng mga paa niya ay bumundol siya sa matigas na katawan ng matangkad na lalaki. “Oh, sorry!” bulalas niya, saka nilingon sa lalaki. Naapakan pa niya ang makintab na itim nitong sapatos. She scanned her surrounding. Her heart pounded when she noticed that she was surrounded by six guys. They’re all wearing black suits except the guy on her left side. He’s wearing a gray-fitted long sleeve polo. Ito ang binangga niya at inapakan ang paa pero parang robot na hindi man lang gumalaw. He also wore oversize sunglasses while his both hands were in his pocket. Kahit nakatago ang mga mata, obvious na guwapo ito at mukhang bata pa. Well, magagandang lalaki naman talaga ang mga latino. Ang tangos pa ng ilong, manipis ang mga labi na natural ang pamumula. Hindi rin ito kaputian pero makinis ang kutis. In fairness, hunk and katawan. At ang height, malapit na sa six feet, palagay niya. Hanggang balikat lang siya nito kahit nasa limang talampakan, limang pulgada ang taas niya. Nawindang siya nang yumukod ang isang lalaki sa harapan nito at pinahiran ng panyo ang dumi sa sapatos nito. Napaangat ang kaliwang kilay niya sa nakita. Sosyal. May taga-punas ito ng sapatos na naka-suit. Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito kahit pakiramdam niya’y inaapuyan ang katawan niya. Balewala ang lamig sa elevator. All boys ba naman ang kasama niya roon at ibang lahi pa. Napa-paranoid na siya. What if biglang masira ang elevator at ma-trap silang lahat doon? ‘Tapos walang marunong magsalita ng wikang Englis. Napangiwi siya sa naisip. Mabuti na lang bumukas na ang pinto. Nauna siyang lumabas at sumunod ang grupo ng kalalakihan. Nagulat siya nang nakabuntot ang mga ito sa kanya at pumasok pa nga sa conference room. So, kasama ang mga ito sa seminar ng mga pharmaceutical companies owner. Hiyang-hiya si Iza sa kanyang boss. Nauna pa ito sa conference room kasama ang secretary. May laptop ding dala si Alfred kaya kanya-kanya silang take notes sa mga importanteng paksa. Mabuti na lang English speaker ang host ng events. Habang nakikinig, nahagip ng paningin ni Iza ang grupo ng kalalakihan na nakasabay niya sa elevator. Hindi lahat sa mga ito ay nakaupo. Ang iba ay nakatayo lang sa likuran ng boss. Obvious naman na ang boss ng mga ito ay yaong nabangga niya sa elevator, na pinunasan ang sapatos. Pero ang bata naman ata. Pansin niya na hindi ito nagtatanggal ng sunglasses, hindi naman naka-focus sa nagsasalita sa dulo. She felt anxious as if there’s a burning sensation squeezing her flesh. Natigilan siya nang mapansing sa direksiyon niya nakatingin ang lalaki na may oversize sunglasses. Tuwid lang itong nakaupo at hindi gumagalaw. She looked at her back, at her left, and the right side. Siya lang naman ang babae sa hanay nila. Mga may edad halos na lalaki ang mga kasama niya. Nakalolokong hindi niya mahulaan kung kanino ito nakatingin dahil sa oversize nitong sunglasses. Wala naman nang araw bakit ayaw nitong alisin ang salamin? Naisip tuloy niya baka bulag ito kasi parang robot na hindi gumagalaw. Tuwid lang ang upo nito. Ang katabi nitong lalaki sa gawing kaliwa ang nagsasalita para rito. Hm. Ang weird. Naging abala sa pagti-take down ng information si Iza, kaya hindi na niya namalayan na nagsialisan na ang ibang participants sa seminar. Humilab ang sikmura niya pagkatapos ng halos tatlong oras na seminar. May ibang activities pa raw pagdating ng hapon. Sa restaurant ng hotel na sila nag-luch. Kasama pala iyon sa package ng hotel. Napag-usapan nila ni Alfred na ito na lang ang sasama sa boss para sa outdoor activities kinabukasan. Natuwa naman siya roon. Maghapon daw mawawala ang mga ito kaya may oras siyang gumala at mapuntahan si George. Plano niya itong sorpresahin. Nauna na siyang natapos kumain. Naglakad-lakad muna siya sa malawak na lobby ng hotel. Namamangha siya sa artworks na naka-display roon. Ang husay ng mga kamay ng manlililok na gumawa ng unicorn statue. Para itong totoo. Nang hawakan niya ito ay biglang gumalaw. “Ay palaka!” bulalas niya. Napaatras siya. Bumalya ang likod niya sa estante ng mga corals. Umalog ito. Nagulat siya nang may malakas na kamay na humagip sa kanang braso niya. Hinila siya nito palayo sa estante. Iyon pala ay nalaglag ang artificial pearl na yare sa kristal. Kung hindi siya umalis doon ay sa ulo niya iyon bumagsak. “Take care next time,” anas ng baritonong boses ng lalaki sa kanyang tainga. She could feel his warm breath on her nape. He released her arm. Nang linugnin niya ito ay nakatalikod na ito. Lumapit ito sa mga alalay na naka-suits. Ito ‘yong lalaki na may oversize na sunglasses. “Pay for her damages,” utos nito sa isang lalaki saka umalis. Tumalima naman ang alalay at kinausap ang staff ng hotel na naglinis ng kalat. Natulala si Iza. Bakit ito pa ang magbabayad? Siya ang nakasira ng gamit. Nilapitan niya ang alalay. “I apologize, sir. You don’t need to pay for my damages, it’s my fault,” she said politely. The guy just smiled. “It’s okay, señorita,” anito. Hindi na lamang siya namilit na bawin ang ibinayad nito sa nasira niyang gamit. “Tell your boss thanks for saving me,” sabi niya. “I will.” “Gratias tibi.” Ngumiti lang ang lalaki saka siya iniwan. Bumalik na lamang siya sa inuukupa niyang kuwarto. Pagpasok niya sa kuwarto ay kaagad niyang tinawagan si George. “Babe, saan ka ba bukas?” tanong ni Iza kay George nang kaagad nitong sagutin ang tawag niya. Lumuklok siya sa gilid ng kama. “I’ll be on my condo tomorrow but I have an important thing to do,” tugon naman nito. “What makes you busy then? Can we meet?” “Oh, sorry. May ano kasi…” His voice became flat and being anxious. “Anong meron?” Humiga siya sa kama. “Ahm, may pinapagawa kasi sa akin si mommy tungkol sa candidacy campaign niya. You know, she’s running for congresswoman this coming national election in the Philippines.” “Oh, I see. Pero baka kailangan mo ng tulong. Marami akong alam since naging mayor din ng Lipa ang lolo ko,” aniya. “Please, don’t bother. Just focus on your seminar at baka magalit ang boss mo kung aalis ka.” “Okay.” “I’ll call you later, okay? I love you.” “I love you too.” Si George ang pumutol ng linya. She took a deep breath. Hindi niya maintindihan bakit parang iba ang dating sa kanya ng boses ni George, na parang may itinatago ito sa kanya. Napa-paranoid na naman siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD