Chapter 2

1423 Words
KAHIT hindi pumayag si George na magkita sila, sumugod pa rin siya sa condo unit nito kinabukasan. Kabisado pa niya ang address. Nag-taxi lang siya para hindi siya maligaw. Pagdating niya sa condo na tinutuluyan ni George ay nag-practice muna siya ng surprise lines para hindi magalit ang binata. Nakatayo na siya sa labas ng pintuan at ihihahanda ang sarili. She took a deep breath, then she pressed the red button of the doorbell on the left side of the door. She excitedly smiled and wait for the door to open for her. Pero nang bumukas ang pinto ay kaagad nabura ang kanyang ngiti. Ginupo ng hindi mawaring kaba at kirot ang kanyang puso nang bumungad sa kanya ang magandang babae. Tanging tuwalya ang sapit sa katawan. Isa itong latina at ang tangkad. Napasilip siya sa loob at nahagip ng paningin niya si George na tanging itim na underwear ang suot. What is the meaning of this? The violent heat instantly ran up on her head. Pinilit niyang maging kalmado ngunit nadaig siya ng kanyang emosyon. “Who’s that?” tanong ni George sa babae. “I-I guess you have a visitor, honey,” sagot naman ng babae habang sinusuyod siya ng tingin. Honey? Tama ba ang narinig niya? O baka guni-guni lang niya iyon. Hindi siya pagtataksilan ni Gorge. But George’s facial expression slapped her the reality. He was cheating on her. Ang bayolenteng init na unang umalipin sa kanyang sistema ay nahalinhan ng masigid na kirot sa kanyang dibdib. Uminit ang bawat sulok ng mga mata niya, na nag-udyok sa kanyang luha na dumaloy. “Iza…” tulalang sambit lang ni George, tila walang maisip na maidadahilan. “Ito ba ang dahilan kaya wala kang time makipagkita sa akin? You’re busy cheating with that woman?” namumurong sabi niya habang pigil ang kanyang emosyon. “I-I’m sorry, I-I didn’t expect she’s coming and-” “And what?” she cut him off. “Hindi mo siya natanggihan dahil ang totoo, matagal mo na akong ginagago, George!” nanggagalaiting bulyaw niya. Ang babaeng kasama nito ay nanonood lang sa kanila. Napaluha na rin si George. “I don’t know what to do, Iza, She told me that she’s pregnant,” bunyag nito. Pakiramdam ni Iza ay may milyong punyal na tumulos sa kanyang dibdib. Hindi siya nakapagtimpi. Sinugod niya ang lalaki at pinagsusuntok sa dibdib habang naglalabas ng sama ng loob. “Hayop ka! Hindi mo alam ang gagawin mo dahil alam mong ikaw ang ama, hayop! Napakawalanghiya mo hayop ka!” Hindi na niya naririnig ang mga katagang lumalabas sa bibig niya. Ginapos siya ni George pero tinadyakan niya ito sa binti at kaliwat-kanang sinampal. “Go to hell, asshole! Walanghiya ka! Ano ba ang kasalanan ko sa ‘yo bakit ginago mo ‘ko hayop ka!” naghihinagpis niyang singhal dito. “Iza… I will explain,” samo nito. Akmang yayakapin siya nito pero marahas niya itong itinulak. Lalong nagpuyos ang kanyang damdamin. “It’s over between us, George!” gigil na asik niya. Hirap na siyang magsalita nang deretso dahil sa paninikip ng kanyang dibdib. “Kahit anong paliwanag mo, narito na ‘to. Kaya pala ang tagal mo rito sa Rome dahil busy ka sa ibang babae.” Nabasag na ang kanyang tinig dahil sa labis na emosyon. Nang hindi na makapagsalita si George at umiiyak na lang ay tinalikuran niya ito. Patakbo siyang lumayo at pumasok sa elevator. NILAMON ng sakit ang puso ni Iza. Napadpad siya sa bar at tumungga ng alak. Sa sandaling iyon ay wala siyang ibang makakapitan upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Alam niyang hindi tama na sa alcohol siya kakapit. At least, alcohol helps to lessen her pain temporarily. Nang mahilo ay lumabas siya ng bar at naglakad-lakad. Gusto niya ng lugar kung saan puwede siyang sumigaw, umiyak at magwala. Nakarating siya sa madilim na kalye. Sa dulong bahagi ng kalye ay may grupo ng kalalakihan na nag-uusap sa tapat ng kotse. Nang malapit na siya sa mga ito ay hinarang siya ng lalake na may suot na boxing gloves. Malabo na sa paningin niya ang mukha nito. “Hey! Look at her. She’s beautiful, looks Asian girl,” sabi nito sa mga kasama. Lumapit naman ang iba pa. “Are you lost, señorita?” tanong ng mataba. Naduduling na siya at pasuray-suray ang lakad. Nang iwasan niya ang mga ito ay hinagip ng isang lalake ang kaliwang braso niya at hinatak siya pabalik. Nagpumiglas siya. “Let me go!” asik niya. “Let her go!” utos naman ng baritonong boses ng lalaki na hindi niya mahulaan kung saan nagmula. “And who are you, dude?” Nabitawan siya ng lalake. Lumingon siya sa kanyang likuran. Namataan niya roon ang matangkad na lalake na nakasuot ng itim na leather jacket at may salamin sa mga mata. Pamilyar sa kanya ang bulto nito. The guy with oversize sunglasses! Hindi siya sigurado kung ito ‘yon dahil naduduling na siya. May nakaparadang itim na kotse sa likuran nito. Bumaba mula roon ang armadong tatlong kalalakihan na naka-suit. Nang makita ang baril ay pumasok sa kotse ang mga kalalakihang humarang sa kanya at sumibad. Lalo siyang nahilo nang makalanghap siya ng usok ng sasakyan. Kamuntik na siyang matumba mabuti may malalakas na bisig na sumalo sa kanya. Napayakap siya rito nang mahigpit. His light manly perfume made her calm for a while. Para siyang idinuduyan sa alapaap nang maglakad na ito. Isinakay siya nito sa kotse. Lalo siyang nahilo nang umuusad na ang sasakyan. Ginupo na rin siya ng antok. Nang muling magising si Iza ay natagpuan niya ang sarili na nakahiga sa malambot na kama, sa loob ng may kadilimang kuwarto. Nang maibsan ang pagkahilo niya ay muling bumalik ang sakit sa kanyang puso. Lalo lamang niyang naiisip ang kataksilang ginawa sa kanya ni George. Humagulgol siya. Tumigil siya sa pag-iyak nang bumukas ang pinto. May kaunting liwanag na nagmumula sa lampshade. Naaninag niya ang bulto ng lalake na humahakbang patungo sa kanya. Hubad-baro ito. Tumayo siya kahit hindi niya maibalanse ang kanyang timbang. Hinapit nito ang baywang niya at kinabig siya palapit dito. Napayakap siya sa matipunong katawan nito. Ang bango nito. “Who are you?” paos na tanong niya rito. He didn’t talk. He just staring at her eyes while gently caressing her wet cheek. Nakaliliyo ang presensiya nito kahit hindi malinaw sa paningin niya ang mukha nito. Ang alab mula sa palat nito ay dumantay sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat at laman. Pinawi niyon kahit sandali ang kirot sa kanyang puso. Pumikit siya nang yumuko ito at siniil ng marubrob na halik ang kanyang mga labi. His passionate kiss planting a sensual heat in every inch of her skin, and she was tempted to open her mouth and gave him full access. She tastes his mouth but her mind reminding her about George. Gusto niyang isipin na si George ang kasama niya, na hindi totoong pinagtaksilan siya nito. Tumugon siya sa halik ng lalaki, na naging mitsa upang lumalim pa ang halik nito. She let out a soft moan when his strong hand squeezing the left side of her breast. His kiss was being rough, tempting her to do the same. Kakaiba ang halik nito, tila ba nag-iiwan ng apoy ang bawat paghinang ng labi nito sa kanyang bibig. Nakahihibang ang sensasyong dulot nito sa kanyang kaibuturan. Tumugon siya sa bawat haplos na iginagawad sa kanya ng lalake. Binigyan niya ito ng permiso na hibangin siya sa sarap ng romansa nito. Nabuwal sila sa kama at hinayaan niyang pugpugin nito ng halik ang bawat bahagi ng kanyang balat sa gawi ng leeg niya. Subali’t sa kabila ng kanyang pagkadarang sa kamunduhan ay umaapela pa rin ang puso niya. Isinisigaw pa rin nito ang pangalan ng lalaking nanakit sa kanya. “G-George…” sambit niya habang nasa ilalim siya ng malaking katawan ng lalake. Natigil ang paghalik nito sa kanyang leeg. Hanggang sa tuluyan itong lumayo sa kanya at tumayo. Hinila nito ang kumot at itinakip sa kanyang katawan. “Take a rest, princess,” he said in a cold voice. Hindi siya umimik. Narinig na lang niya ang banayad na pagsara ng pinto. Napatingala siya sa kisame. Kaagad ding humupa ang init na sandaling nagpahibang sa kanya. Hindi na siya nakabangon nang gupuin siya ng antok.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD