bc

Love Against Limits

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
family
independent
sweet
city
office/work place
school
mxm
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

At a young age, Timothy Sebastian Parker experience hardship in his life. He found out that he is an adopted child of the family he knew. There, Timothy decided to look for his parents and leave the family that caused him so much trauma. In his journey through finding his parents, he meets Alexander Travis Grayson a man that is brutal and merciless in everything, in everyone. Timothy needs Travis to help him with his finance so he applied as his secretary. As time goes by, Timothy fell on Travis and he doesn't know if Travis will accept his feelings even if they are both men.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Timothy Sebastian Parker “Salamat po, balik po kayo!” nakangiting bati ko sa customer na lumabas ng karinderya. Itinigil ko ang pag pupunas ng lamesa at tumingin sa labas, nitong mga nakaraang araw ay maayos ang aking pagtratrabaho ngunit dalawang araw na lang at muli nang mag uumpisa ang aming klase. Pagsasabayin ko na naman ang pag tratrabaho at pag aaral, mahirap ito ngunit makakaya naman para makatapos at maiahon ko ang pamilya ko sa hirap. “Tim, uuwi ka na ba? Sasabay sana ako,” natigil ako sa aking pag iisip at napatingin sa nag salita, doon ay nakita ko si Ate Siren. Si Ate Siren ay ang nakatatanda kong kapatid, naririto siya ngayon sa karinderya kung saan ako nag tratrabaho dahil nakipagkita siya sa kanyang kasintahan at sa tingin ko ay umalis na ito. “Hindi pa, may duty pa ako sa bar mamaya, Ate,” nakangiting sagot ko sa kanya. “Kung ganun, mauuna na muna ako,” sagot sa akin ni Ate Siren at saka ito lumabas ng karinderya. Hinabol ko lang siya ng aking tingin hanggang sa siya ay tuloyang makalayo. Pagkatapos ay agad na akong bumalik sa aking ginagawang pagpupunas, nawala na ang ngiti sa aking muka at seryosong nag linis ng mga lamesang nagamit sa pagkain ng mga customer. Maagap nagsasara ang karinderyang ito dahil sa gabi ay bukas ang likurang bahagi nito at naroroon ang bar kung saan ako nagtratrabaho sa gabi. Hindi naman marumi ang aking trabaho kahit sa bar pa ito, ang tanging ginagawa ko lang naman ay ang maghalo ng mga alak na inoorder ng mga customer. Pero sa ganitong trabaho, hindi maiiwasan ang mabastos lalo na ng mga customer na kinain na ng espiritu ng alak. Kahit ang bar ay may kaliitan, hindi parin maiwasang dayuhin ito ng mga kabataan lalo na nitong mga nakaraang araw dahil sa bakasyon. Ngunit, kahit may klase na ang mga ito ay nagagawa pa rin naman nilang magpunta sa bar upang magsaya o magpalakas ng loob, habang ako naman ay nagpupunta sa bar upang magtrabaho pangtustos sa aking pag aaral dahil tanging si Ate Siren lang ang tinututosan ng aking mga magulang. Kahit na ganun ang nangyayare, hindi ako nagkaroon ng kahit na anong inggit o sama ng loob sa kanila, bagkus ay inintindi ko na lang dahil hindi naman talaga kami mayaman. “Tim, maaga tayong magsasara ngayon,” sabi sa akin ng aking manager, “Nakita ko kasing maraming dumating na bisita sa bahay nila Rosa, siguradong magba-bar ang mga iyon kaya kailangan nating maghanda.” “Sige po,” nakangiting sabi ko sa aking manager bago naglakad papasok ng kusina. Dalawa lang kaming tauhan sa karinderya kaya naman double pagod ang aking nararanasan dito, dahil ako na rin ang nagluluto ng mga putahe. Bata pa lang ay nahilig na ako sa pagluluto at paghahalo ng kung ano anong alak, kaya naman bihasa na ako ngayon sa gawaing iyon at nagagamit ko ito sa aking trabaho na tumutustos sa aking pag aaral. “Narinig ko si manager, mukang marami tayong makikitang chikababes mamaya, Tim,” masayang sabi sa akin ni Arnel, ang aking kasamahan dito sa karinderya. “Wala akong pakialam sa ganung bagay, Arnel,” sabi ko sa kanya bago inalis ang aking apron. It’s already 4pm at siguradong ilang sandali na lang ay magsasara na kami kaya minabuti ko na lang na alisin ang aking apron dahil naiinitan na ako dito. Kailangan ko pang magbihis bago pumasok sa aking trabaho sa bar upang maging presentable akong tingnan sa mga customer. Mabuti na lang at nagawa nang linisan ni Arnel ang mga plato at naiayos na rin niya ang lagay nito sa bawat lalagyan. “Tatawid na ako,” paalam ko kay Arnel habang inaayos ang aking buhok na nagulo dahil sa pagtanggal ko ng hair net. “Susunod na lang ako, kailangan ko pang tulongan si manager sa paglilista ng mga bibilhin ko bukas na mga panglahok,” sabi sa akin ni Arnel habang may hawak hawak na ball pen at isang notebook na sa tingin ko ay paglilistahan ng kanyang bibilhin. Tumango na lang ako sa kanya bago binuksan ang pinto na nagkokonekta sa bar at sa karinderya. Tama, konektado na ang bar at karinderya sa iisang pinto upang hindi na namin kailanganin pang maglakad palabas at doon pumasok. “Bakit mo iniwan si Arnel, Tim?” tanong sa akin ni manager na abala sa pagbibilang ng mga alak. “Nagpaiwan po siya, tutulongan niya daw po kayong maglista ng mga rekado na bibilhin niya bukas,” sagot ko kay manager bago naupo sa kanyang tabi at nag umpisang ihanay ng maayos ang alak upang mabilang niya ng maayos. “AY! Oo nga pala, nakalimutan ko na ang bagay na iyon dahil natuwa ako dahil mukang magiging marami ang ating customer ngayong gabi,” nakangiting sabi ni manager at tumayo sa kanyang kinauuupuan, “Iiwan na muna kita dito, babalik ako agad.” Pumasok na ito sa pinto kung saan ako lumabas kanina, mukang maghihintay nang matagal si Arnel doon sa loob ng karinderya kung hindi ko binanggit kay manager ang tungkol sa kanilang paglilista ng bibilhin. Napailing na lang ako bago ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang pagbibilang sa mga alak na ngayon ay naayos ko na ang hanay at madali na itong bilangin. Ilang minuto lang ang tinagala t natapos ako agad, tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo. Naglakad ako patungo sa bar counter at nang ako ay makarating, agad akong pumasok doon at pinunasan ang lamesa gamit ang basahan na aking dala dala. Siguradong umaga na naman ako makakauwi ngayon sa bahay, pagkatapos ay matutulog lang ako sandali dahil may pasok pa rin ako sa karinderya ng maagap. Halos dalawa hanggang tatlong oras lang ang nagagawa kong tulog, kaya minsan ay nakakaramdam na rin ako ng hilo ngunit, hindi ko ito iniinda at tuloy tuloy lang ako sa aking pagsusumikap. Kahit alam ko na kahit anong gawin kong pagsusumikap ay hinding hindi ako magagawang ipagmalaki ng aking mga magulang, lalo na ng aking ama. Hindi ko rin alam kung bakit kakaiba ang trato nila sa akin, kahit wala akong kasalanan ay sa akin nila ibinubunton ang lahat. Mabuti pa si Ate Siren, mabait siya sa akin at close na close kami kaya siya lang ang madalas kong takbuhan sa oras na ako ay napapagod, nagagalit, at nawawalan ng pagasa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook