CHAPTER 2

1084 Words
Alexander Travis Grayson “WHAT THE HELL?” sigaw ko sa aking opisina at mabilis na itinapon ang aking binabasa. “Iho, kung ganyan mo haharapin ang problema, hindi ka makakausap niyan,” malumanay na sabi sa akin ni Lolo bago nito sinenyasan ang babaeng kinuha niya bilang secretary ko. Pang ilan na nga ba siya sa secretary ko? 20? 30? 100? Hindi ko na mabilang dahil sa dami ng nag apply bilang secretary ko pero kinabukasan ay agad din namang nag-resign. Lahat sila ay walang kwenta at ngayon, napatunayan ko na ang bagong dala ni Lolo na secretary ay wala ring kwenta. “You’re fired!” sigaw ko sa babae bago ako tumayo at mabilis na kinuha ang mga papeles na sinimot niya kanina pagkatapos ko itong itapon sa ere. Umalis namang umiiyak ang babae, pinabayaan ko ito at nagtungong muli sa aking upuan. “Tsk, tsk,” umiiling na sabi ni Lolo,”Ngayong wala ka ‘NA NAMAN’ secretary, sinong isasama mo sa probinsya para kumbinsihin ang may ari ng lupa na ibenta sa’yo ang tatayuan ng project natin doon?” Napahawak na lang ako sa aking noo dahil sa problemang ito, bakit ba kasi hindi pa ibenta ng Rosang iyon ang kanilang lupa? Gusto pa ba niyang idaan ko sa dahas ang lahat? Tsk. “Huwag mo ng subukang idaan sa dahas, Travis,” seryosong sabi ni Lolo, “Kahit ngayon lang ay paghirapan mong makuha ito, p’wede ka namang magsama ng mga kaibigan mo kung iyong nanaisin.” Tsk, kaibigan? Sinong mga kaibigan? “Mukang kailangan mo kami, kaibigan,” napakunot ang aking noo dahil sa biglaang pagpasok ni Jaxon, Brix at Evan. “Anong ginagawa n’yo rito?” asar na tanong ko sa kanila. “Naramdaman kasi namin pre na mukang may kailangan ka sa amin,” nakangiting sabi ni Evan, “Kaya heto na kami, pre.” Napabuga ako ng hangin at tumingin ng masama kay Lola, nakita ko itong nakangiti at nang mapansin niya na nakatingin ako ay bigla itong tumikhim at inalis ang ngiti sa kanyang labi. “Oh, ayan naman na pala sila, hindi mo na kailangang tawagin pa,” sabi ni Lolo sa akin habang iniiwasan ang aking tingin. ‘Mukang plinano nila ito,’ sabi ko sa aking isipan at napailing na lang habang tinitingnan ang tatlo na may kanya kanya ng dala na maleta na sa tingin ko ay naglalaman ng kanilang mga gamit. Muli akong napabuga ng hangin bago tumayo mula sa aking kinauupuan. “Igagayak ko lang ang aking mga gamit,” sumusukong sabi ko dahil mukang naset- up na nila ako. ‘Yari ka sa akin, Rosa, kung sino ka man,’ sabi ko sa aking isipan at agad na naglakad papasok sa silid na naririto sa loob ng opisina. Kapag walang pasok, halos dito na ako tumutuloy sa opisina at hindi na ako lumalabas. Kaya nagpasadya ako dito ng isang silid na para lang sa akin at ako lang ang may karapatan na pumasok. Ako na rin ang naglilinis ng silid, hindi naman ito narurumihan dahil malinis naman akong tao. Pagkatapos kong igayak ang aking mga gamit ay lumabas na ako ng silid habang dala dala ang bag na pinaglagyan ko nito. “Tara na para makabalik tayo agad,” sabi ko nang ako ay makalabas na mula sa silid. “Bakit kakaunti naman yata ang dala mo?” tanong ni Lolo sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at walang lingon na sinagot si Lolo. “Dahil alam kong mabilis ko silang mapapapayag na pirmahan ang kontrata,” seryosong sabi ko kay Lolo at saka ako nagpatuloy sa aking paglalakad palabas ng aking opisina. Ramdam ko na nakasunod lang sa aking likuran ang tatlo. Hindi na nakakagulat na tatatlo lang silang nakarating, dahil siguradong abala ang iba sa kanilang mga trabaho at paglilibot sa iba’t ibang panig ng bansa. “I forgot to tell you, Travis,” napatingin ako kay Jaxon nang ito ay magsalita, “May kasama kaming chix, sabi naman ng Lolo mo okay lang daw na magsama kami.” Hindi ko napigilan ang mapapikit ng mariin, ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang napapaligiran ako ng kababaihan. “Hindi naman siguro kayo nagsama ng isa pa para sa akin, ano?” nagpipigil ng inis na tanong ko sa kanilang tatlo habang nasa elevator kami. “Hehehe, hindi na,” kumakamot sa ulo na sabi ni Jaxon, “Sabi rin kasi ng lolo mo na kailangan mong ligawan at makuha ang loob ng anak na dalaga ni Rosa para mapapayag ang mga ito na ibenta ang lupa.” Napabuga ako ng hangin, sinasabi ko na nga ba at naset- up ako ng mga ito. “Huwag n’yong sabihing tinutulongan n’yo si lolo ngayon?” nagpipigil ng aking sigaw na tanong sa tatlo. “HA? Hindi ah, sadyang napadaan lang kami at nabanggit niya iyon,” difensive na sagot ni Brix, “Hindi kami nakipagkita sa kanya sa starbucks at nagpabayad para lang samahan ka, ‘no!” “Aray! Bakit kayo nambabatok?” sigaw ni Brix nang batukan siya ni Evan at Jaxon. “Tanga ka, parang inamin mo na rin na nagpabayad tayo!” sabi ni Jaxon dito. “Isa ka pa, Jaxon, ikaw naman nagpatunay!” sabi ni Brix kay Jaxon at parehas na binatukan ang dalawa. “IKAW NAMAN TUMANGGAP NG PERA AH/ IKAW NGA UMAKIT SA AMIN!” sabay na sigaw ni Jaxon at Evan kay Brix. Dahil doon ay napatingin ako kay Brix, nakita ko itong kumakamot sa kanyang batok at animo’y nahihiya sa kanyang ginawa kahit ang totoo ay hindi naman dahil natural na sa kanya ang pagiging mukang pera. “Ang yaman yaman mo, nagpabayad ka pa kay lolo,” naiiling ko na lang na sabi sa kanya bago ako lumabas ng elevator dahil bumukas na ito at kami ay nakarating na sa ground floor kung saan malapit sa parking lot. “Huwag kanang magalit, Travis, hahatian ka na lang namin,” sabi sa akin ni Brix habang nakasunod sa aking paglalakad, “At kahit mayaman ako, mas may thrill ang perang nakuha sa ganito, malay natin magka- love life ka doon.” Bago pa makarating sa aking sasakyan ay tumigil ako at tiningnan siya ng masama, alam nitong ayaw na ayaw kong paguusapan ang mga bagay na tungkol sa pagibig dahil wala akong oras para sa ganung bagay. Ang nais ko lang ay ang maging isang pinakamayamang tao sa buong mundo, iyon lang at wala ng iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD