CHAPTER 3

1259 Words
Alexander Travis Grayson ‘Luntian Province,’ basa ko sa aking isipan nang makita ko ang isang malaking sign board. It’s almost 4 hours simula nang umalis kami sa company, kanina pa kami nagmamaneho at hindi naman ako nakakaramdam ng gutom o pagod. Hindi kami magkakasama sa iisang sasakyan, pero nakasunod lang naman sila sa akin habang sakay sakay sa isang Van kasama ang kanilang mga babae. Ayaw na ayaw kong may nakakasamang iba sa aking sasakyan, alam nila iyon kaya marahil naghanda sila ng isang Van na kakasya sila kasama ang kanilang kanya- kanyang mga babae. Ilang minuto pa ng aming byahe ay pumasok na kami sa isang may kasikipang daan, halos lumagpas na ang mga bahay sa kalsada kaya halos maubosan ako ng pasensya sa aking pagmamaneho ng maayos at mabagal para lang hindi makasagi ng mga bahay bahay na nasa gilid gilid. Dahil sa naubos na ang aking pasensya ay minadali ko ang aking pagmamaneho, hindi ko naman inaasahang malawak na pala ang kalsada. Tila napunta na kami sa kabayanan ng probinsya at kung hindi ako nagkakamali, malapit lang sa bungad nito ang bahay ni Rosa. Napatingin ako sa isang gilid at nakita ang isang karinderya, natuon ang tingin ko sa isang lalaki na nakasuot ng apron at nakatingin sa langit at kitang kita ko sa kanyang muka ang labis na pagod at hirap. Agad ko na lang na inalis ang aking tingin sa taong iyon at itinigil ang aking sasakyan, inilibot ko ang aking tingin at tiningnan ang sketch na nasa dokyumento bago muling tumingin sa paligid. Sa pagkakataong ito, nakita ko ang isang Ale na naglalakad palapit sa aking bintana. Kumatok ang ale at binuksan ko naman ito, nakangiti siya sa akin at tila ba namamangha ang ekspresyon. “Hindi ko akalaing paaanyayahan n’yo ang aking imbetasyon,” sabi ng Ale sa akin. “Rosa,” tipid kong bigkas at hindi na nagtanong kung siya ba ang aking hinahanap dahil base naman sa kaniyang ibinungad sa akin, sa tingin ko ay siya na nga. “Tama ka, Sir, dito po kayo magpark ng inyong sasakyan,” sabi niya sa akin bago nag umpisang mag lakad. Napabuga ako ng hangin at pinaandar ang aking sasakyan bago ako sumunod sa kanya. Dinala niya kami sa isang bakanteng lote at itinuro ang isang pwesto na bakante. Nagpark ako doon ng aking sasakyan at nakita ko namang tumabi sa aking sasakyan ang Van na sinasakyan nila Brix. Kinuha ko ang aking susi at inilock ang aking sasakyan, tanging wallet, cellphone at susi lang ang aking dinala at ang aking bag na naglalaman ng bihisan ay iniwan ko sa loob ng aking sasakyan. Nakita ko namang naghihintay si Rosa sa labas ng sasakyan, habang sila Brix, Evan at Jaxon naman ay kalalabas lang ng Van at naglalakad na rin patungo kay Rosa kasama ang kanilang mga babae. “Nakakatuwa naman at marami kayo,” nakangiting sabi ni Rosa habang nakatingin sa amin. “Dalhin mo na kami sa inyo para mapag-usapan na ang tungkol sa kontrata,” seryosong sabi ko kay Rosa. Huminga naman ito ng malalim bago nagsalita, “Sumunod kayo sa akin.” Nag umpisa na itong maglakad kaya agad akong sumunod dito kasama sila Brix, mahalalata sa paligid na ito nga ay probinsya. Kahit bayan ay mayroong napakaraming puno, marami ring tindahan at may malaking karinderya kaming nadaanan. Unti unti ng dumidilim ang paligid, marahil ay lumulubog na ang araw. Sa tagal ng aming byahe dahil sa sobrang layo nitong lugar ay inabot kami ng hapon, mabuti na lang at nakapagtanghalian na ako kanina bago kami umalis. Ilang sandali pa ng aming paglalakad ay nakarating kami sa isang hindi kalakihang bahay, nakita ko na tila may salo salo sa loob ng bakuran nito, sa tingin ko ay mayroong ginanap na okasyon. “Maupo kayo mga iho at iha,” nakangiting salubong sa amin ng isang matanda, “Tamang tama ang inyong dating, dahil hindi pa nagsisimula ang birthday party ng aking apo na si Lala.” “Hindi po namin alam na okasyon po pala ang aming pupuntahan, nakapagdala po sana kami kahit ng kaunting regalo,” nakangiting sabi ni Evan. Sa tingin ko, kaya silang tatlo ang binayaran ni Lolo ay dahil may kanya kanyang galing ang mga ito, Si Brix ay magaling mang ipit ng mga tao gamit ang pera isa rin siyang CEO ng isang kumpanya, habang si Evan naman ay magaling sa mga ganitong usapan isa siyang abugado, at si Jaxon naman ay magagamit sa oras ng dahas dahil ang kanyang trabaho ay secret agent. Mukang sinigurado na ni lolo na makukuha namin ang lupa kaya ang tatlong ito ang kinuha niya at binayaran para samahan ako dito. “Hindi na kailangan pa iyon, Iho, ang mahalaga ay nakarating dito si Mr. Grayson,” nakangiting sabi ng matanda habang nakatingin sa akin. Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik, hindi ko sila kailangan pakisamahan dahil hindi naman ako magtatagal dito. Hindi ako makakatagal dito dahil kitang kita ko na napakaraming tao at marami na ring nakikiusyosong kapitbahay. “Pumasok kayo dito sa loob para mapagusapan ang kondisyon,” sabi ni Rosa. Wala kaming nagawa kung hindi ang pumasok na lang upang makaalis na agad kami dito. Naupo kami sa mga upuan na naroroon. “Masaya akong nakarating ka dito, Mr Grayson,” kunot noo akong tumingin sa babaeng nagsalita. “Siya ang aking anak na si Lala, Mr Grayson at pumayag naman na ang iyong lolo,” nakangiting sabi ni Rosa sa akin, “Pumayag ang lolo mo sa kasunduan namin na ikaw ang magiging escort ng aking anak ngayong gabi, at ikaw rin ang palalabasin naming nakabuntis sa kanya.” Nalunok ko ang aking laway, habang sila Brix, Evan at Jaxon ay nakita kong nagpipigil ng kanilang tawa. “I’m not agree,” seryosong sabi ko. “Pero, pumayag na ang lolo mo,” sabi ni Rosa sa akin. “Well, si lolo na lang ang pag- escortin n’yo,” sarkastikong sabi ko bago ako tumayo sa aking kinauupuan. “Travis,” tawag sa akin ni Evan na tila nagbibigay ng isang warning. Hindi ko siya pinakinggan at naglakad na lang ako palabas ng bahay. “Mr Grayson, sandali!” rinig kong sigaw ni Rosa ngunit hindi ko ito binigyang pansin. Nakalabas na ako sa kanilang bakuran, diretso lang ang aking paglalakad pabalik sa aking sasakyan ngunit nakaagaw ng aking pansin ang lalaking kanina ay nakita ko sa karinderya. Kasalukuyan na itong nagbubukas ng tila isang bar. Hindi ko alam kung anong meron sa akin ngunit automatikong naglakad ang aking mga paa patungo sa kaniyang pwesto. “Bukas na kayo?” wala sa sariling tanong ko dito. Nakita ko ang gulat sa kanyang muka, marahil ay dahil nagmula ako sa kanyang likuran. “A-ah, oo,” nauutal niyang sagot sa akin at saka ito pumasok sa loob. Sumunod ako sa kaniya, tama nga ako ng aking hinala dahil isa nga itong bar. “Tim- oh, may customer na pala agad tayo,” rinig kong sigaw ng isang bakla. “Good evening, Sir, anong order n’yo? Alam n’yo masarap maghalo ng alak ang aking tauhan na ‘yan, napakasipag at talagang maaasahan,” sabi ng bakla na sumigaw kanina. “Beer lang,” tipid kong sagot bago naglakad sa bar counter at naupo doon. Inihanda na niya ang aking beer at ang pulutan na mani, habang ginagawa niya iyon ay hindi ko magawang alisin ang aking mga mata sa kaniyang muka. Kalalaki nitong tao ay tila napakaamo ng kanyang muka at mga mata, kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD