CHAPTER 5

1487 Words
Timothy Sebastian Paker Napahing akao nang malalim nang makarating kami sa karinderya, tama, hindi na ako nakapag isip pa at hinila na lang siya patungo sa loob nito gamit ang isang pinto na nag uugnay sa dalawa. “Okay ka lang ba?” hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Kitang kita ko kanina ang nangyare, pag pasok na pag pasok pa lang ng mga customer ay agad na nag tungo ang mga ito sa kanyang pwesto. Kung maagap niya lang sana itong napansin ay siguradong magagawa niyang makaalis ngunit sa nakikita ko ay tila nakapako ang kanyang tingin sa akin. Hindi ko naman p’wedeng hayaan na mayroong maharass na isang dayo na nasa sa loob ng aming bar, kaya kahit na mayroon akong ginagawa sa bar counter ay pinilit ko pa rin na makalabas at mapuntahan siya sa kanyang pwesto. Mukang nahalata na rin naman nito na napapalibotan na siya ng mga kababaihan at karamihan pa ay mga baklang nakadamit pang babae habang mayroong katawan na napakalaki. At iyon na nga ang nangyare kaya humantong kami rito, nakarating kami sa karinderya ng hindi nakakapag sabi sa aking boss. “Ano ‘yon?” tanong niya habang nakaupo. “Alin?” tanong ko. Hindi niya manlang sinagot ang tanong ko kanina na kung okay lang ba siya, marahil ay hindi ito sanay sa mataong ugar at hangan ngayon ay shock parin siya sa nangyare. “Yung kanina, anong nangyare? Biglaan,” sabi niya bago ito tumingin sa akin. “Ahh, ‘yon ba? Pag pasensyahan mo na, dito kasi sa lugar namin sa tuwing may dumarating na dayo ay iniisip nila na ito na ang mag aahon sa kanila mula sa kahirapan,” mahinahong paliwanag ko, “Pero hindi naman lahat nang naririto ay ganon, kadalasan ay dahil sa kagawapohang taglay ng isang dayo kaya nag kakagulo ang mga kababaihan at miski ang mga bakla.” “Ganun ba… saan naman ang lugar na ito?” tanong niya sa akin. “Karinderya ito, kadugsong ng bar kung saan tayo nanggali-” natigilan ako at naalala ang mga customer, “Oh s**t! Maiwan na muna kita dito, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, masyadong maraming customer at baka mapagalitan ako ng boss ko.” Pag katapos kong sabihin sa kanya iyon ay dali dali na akong bumalik sa bar, dumaan ako sa pinto na dinaanan namin kanina at agad rin naman akong nakarating sa bar. “Saan ka ba nanggaling, Tim? Sobrang daming customer, pawala wala ka!” sabi ng aking amo habang nag lalagay ng mga beer sa kanyang hawak hawak na tray. “Nagkaproblema doon sa dayo kanina, boss, dinala ko muna siya sa karinderya dahil pinagkakagulohan masyado ng mga tao,” sabi ko habang nag hahalo ng alak, “Ayaw ko namang may masabi sa ating bar ang dayo, kaya tinulongan ko muna.” “Abaaaaa! Tama lang ang ginawa mo, Tim, sa ginawa mo ay baka makatanggap tayo ng malaking tip,” nakangiting tagumpay na sabi sa akin ng aking boss. Ngumiti lang ako sa kanya pabalik, wala naman akong pakialam sa sinasabi niyang tip. Sadyang bnakaramdam lang ako nang awa dahil mukang wala itong magawa para makaalis sa sitwasyon na naiipit na siya. Kitang kita ko ang mga kababaihan kanina na halos hilahin na ang kanyang kasuotan, masasayang naman ito kung masisira lamang kaya mabuti na rin na ito ay akign tinulongan. “Tim, nasaan na yung lalaki?” tanong sa aking ni Berta. “Sinong lalaki?” tanong ko sa kanya habang iniiwasan na tumingin sa kanyang mga mata. “Huwag ka na mag maang maangan, Tim, nakita ng aming mga mata na ikaw yung kasama niya noong pumasok siya doon!” ramdam ko ang inis sa kanyang tono habang sinasabi ito, may pagturo turo pa ito sa maliit na pinto na aming pinasokan kanina ni Alexander. “Hindi ko alam ang sinasabi n’yo, Berta, marami akong ginagawa kaya p’wede ba?” seryosong sabi ko sa kanila. Sinamaan naman nila ako ng tingin bago padabog na bumalik sa kanilang lamesa at muling ipinag patuloy ang pag inum. ‘Talagang sinadya pa nilang lumapit sa akin para lang itanong si Alexander,’ sabi ko sa aking isipan habang nakatingin sa alak na dahan dahan kong nilalagyan ng yelo. “Timmmm~ nakita mo ba yung papa kanina?” malambot at baklang tanong sa akin ni Bogart bago ito naupo sa upuan na nasa harapan ng bar counter. “Hindi ko napansin, maraming pumasok na customer noong dumating kayo,” seryosong sagot ko sa kanya. “Hmmm~ saan naman kaya nagpunta si papa? Hindi ko na napansin na nawala na pala ito sa harapan namin dahil sa daming chakabels na nakigulo, hays!” tila stress na stress na sa kanyang buhay. “Hindi ko siya napansin at kung napansin ko man, hindi ako sigurado kung siya ba yung tinutukoy mo dahil sa dami ng tao,” mahinahong sabi ko sa kanya. “Tama ka, Tim,” nakangiting sabi ni Bogart sa akin, “Hangga’t hindi ko siya nakikita ngayong gabi, hahanap muna ako ng paglalaanan ngaking love interest.” Umalis na ito upang maghanap ng kanyang ‘love interest’ hindi ko tuloy mapigilang mapailing, siguradong kung hindi ko agad nagawang itago si Alexander ay magiging delikado ito kay Bogart dahil kilala ko na si Bogart. Hindi ito ang unang beses na mayroong dayong napadpad sa bar at kitang kita ko ang ginawa ni Bogart, maging sila Berta ay walang nagawa at hinayaan na lang ang isang dayuhan kay Bogart. ‘Muntik na rin naman ako sa kanya noon, mabuti na lang kaibigan ito ni ate Siren,’ sabi ko sa aking isipan bago napailing iling pa. Ayaw ko nang balikan pa ang ala alang iyon, kinikilabutan ako masydo, mabuti na lang talaga at kaibigan ito ni ate Siren kaya nagawa kong makaalpas sa kanyang mahigpit na pagkakayapos sa akin. “Tim, inutos ni Boss na tingnan mo muna yung dayohan at ako na ang bahala dito total mukang laht naman ay nakaorder na,” sabi ni Arnel sa akin paglapit na pag lapit nito. “Okay lang ba?” tanong ko sa kanya. “Huwag ka mag alala, okay lang, sige na,” sabi niya sa akin kaya tumango tango ako. Tiningnan ko ang pwesto ni Bogart at nila Berta, mabuti na lang at hindi nakatingin ang mga ito sa akin kaya dali dali akong pumasok sa pinto na nag kokonekta sa karinderya at sa bar. Agad kong hinanap si Alexander, mabilis ko naman siyang nakita dahil naroroon pa rin siya sa kanyang pwesto kung saan ko siay iniwan. Nakaupo ito sa sofa at nakasandal ang likuran sa sandalan nito habang nakatingala, dahan dahan akong lumapti sa kanya, iniiwasang maglikha ng kahit na anong ingay ang aking mga bawat pag hakbang. Nang makalapit na ako ay doon ko lang napansin na ito ay nakapikit, tila ito ay natutulog kaya naman dahan dahan akong naupo sa kanyang tabi. Kahit natutulog ito ay mananatili pa rin ako, hindi dahil gusto ko itong kasama ngunit dahil gusto kong makaramdam ng kaunting pahinga. Simula kaninang umaga ay wala pa akong pahinga kahit na kaunti, nag iisa ang karinderya na ito kaya maraming mga tao ang nag pupunta dito, kailangan kong mag luto ng mag luto, mag serve ng mag serve kaya wala akong pahinga. Pag katapos ay tulad kanina, tatawid kami sa kabilang bahagi ng lugar na ito at iyon nga ang bar kaya naman kinukuha ko ang pag kakataon na ito upang makapagpahinga ng kaunti kahit papaano. Mabuti na lang at natutulog na si Alexander, wala akong kailangang sagotin o itanong mula sa kanya. Ang kailangan ko lang ay manatili kahit na sandali, upang makapagpahinga ako at pagkatapos nito ay maaari na akong bumalik sa bar. Sa oras na makabalik na ako sa bar ay siguradong dire- diretso na ulit ang gagawin kong pag tratrabaho, tapos uuwi na naman ako ng dis oras ng gabi at sana ay hindi na ako umagahin pa. Sa isang buong araw, ang nagiging tulog ko lamang ay tatlong oras dahil umuuwi ako galing sa trabaho ng 3 ng madaling araw at kailangan kogn gumising ng 6 ng umaga upang pumasok muli. Ngayon ko lang naman ito ginagawa, habang summer pa at wala pang klase ay sinusulit ko na ang pag oover time ko dahil hindi naman mababa mag sahod ang aking boss at iyon ang dahilan kaya nananatili ako dito kahit pa mayroong maraming offer sa akin. Dito sa boss ko, maaari akong mag trabaho ng part time kapag may klase at full time naman kapag bakasyon. Naiiintindihan ito ng boss ko kaya wala akong problema sa trabaho, pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pagod dahil ilang araw na ganito nag aking ginagawa, dire- diretso, walang palya ang ginagawa kong pagod upang mag tuloy tuloy sa pag tratrabaho. Nakaramdam ako ng labis na pagdo at antok, kaya nakatulog na ako.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD