KABANATA 7

2129 Words
"Ano ka ba! Alam mo naman kung ano talaga ang gusto ko," malanding tugon ni Brandon kay Eliza. Hawak ng dalaga ang kamay nito. "Bitiwan mo nga ang kamay ko, baka sabihin nila girlfriend kita! Kadiri kaya," anito, talagang hindi magpapapigil sa kabaklaan. "Hoy Brandon, tumigil tigil ka sa kalandian mo! Naku, puputulan ka talaga ni Congressman sinasabi ko sa'yo!" paalala ni Jelay dito. "Brenda! Brenda is my name mga bakla!" protesta naman nito. "Ay ang kupal, pang wrestling ang boses ko pero hindi ako bakla!" si Jelay uli. "Awats na mga bebe," ani Eliza na natatawa na lang sa diskusyon ng dalawa. "Eto kasi eh," sisi ni Brandon dito. Lalaking lalaki ang itsura pero ma malambot pa s marshmallow ang mga galaw. Takot kasi ito sa kaniyang pamilya. Nag-iisang anak na lalaki ng isang kilalang angkan ng politiko kaya takot na magladlad ito. Kaibigan nila ito simula noong nasa hayskul sila kaya kilala nila ito maging ang mga itinatagong sikreto. "Oo na.. Mag-ingat ka talaga d'yan sa mga kilos mo sinasabi ko sa'yo," muling babala niya. "Ah, ah, ah.. Tama na ateng," protesta naman nito sa nagsisimula na namang magsermon na si Jelay. "Girl, kumusta naman ang love life mo?" anito at bumaling kay Eliza. "Hay naku! Huwag mong kumustahin 'yan at daig pa n'yan ang tumama sa lotto dahil hindi lang bilyonaryo ang jowa niyan, ubod din ng guwapo!" muling sabat ni Jelay kahit na kausap ang isa sa kaniyang mga waitress. "Ay girl ang suwerte mo naman," ani Brandon na bahagyang nalungkot. "Ako kaya? Kailan maipapakita ang tunay na ako? Baka patayin talaga ako ng Daddy ko," anito. "Hindi ko boyfriend si Troy noh?" Irap ni Eliza sa kaibigan. Nakuwento niya kasi rito ang paghingi ng pabor sa kaniya ni Troy para mangpanggap na girlfriend nito. "Magpakalalaki ka na lang kasi," ani Jelay na nasa mood talaga mang-alaska. "Yuuck!" maarteng tugon ni Brandon dito. Maingay sila habang kumakain, kung ano-ano lang ang napag-usapan nila. Nang matapos kumain ay nagyaya si Jelay na mag-bar sa di kalayuan sa kaniyang resto. Medyo naiilang kasi siyang magkuwento kapag nanatili sila roon dahil maririnig ng kaniyang mga empleyado. Um-order si Jelay ng maiinom nang makahanap sila ng magandang puwesto. Hindi naman nagtagal ay lumapit ang waiter dala ang kanilang order. Ladies drink lang ang mga iyon dahil hindi naman kasi talaga sila umiinom. Ngayon lang ulit dahil may kaniya kaniya silang isyu sa buhay. Naka ilang lagok pa lamang ay naging mas madaldal na si Jelay kaysa dati. Nagsimula nang magkuwento tungkol sa bago niyang crush kuno. "Alam n'yo ba, sa dinami dami ng mga guwapo sa mundo, eto talaga... Dito pa sa isang ito talaga tumibok ang puso ko," anito habang iniikot-ikot ang alak sa loob ng hawak na baso. "This guy, na isa pang tambay, hayup na yan!" himutok pa niya. "Ew! Jelay mag-isip ka nga. Tingnan mo ang sarili mo, you deserve better!" maarteng reaksyon ni Brandon. "No, hindi isyu sa akin kung walang pera o tambay, it's just because he keeps ignoring me! Oh di ba?" aniyang tumawa ng pagak. "Akala mo lang crush mo pero baka na-curious ka lang noong i-ignore ka niya?" si Eliza habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Hindi ah!" protesta naman nito. "Feeling ko nga love ko na eh," aniya pa na ikinalaki ng mata ng dalawa. "Whaaat?" sabay silang napatingin dito para siguruhing seryoso ito. "Oo nga!" paniniguro naman nitong mas sumeryoso pa ang mukha. "Oh God! Help our friend, tulungan mo siyang maka-wala sa damdaming bumabalot sa kaniya ngayon," medyo over acting na dalangin ni Brandon. Natawa naman sia sa ginawa nito. "Ako talaga, naiintriga na d'yan sa Mr. Tambay na yan ha? Gaano ba kasarap 'yan?" dagdag pa nito. "I mean, kaguwapo.." patuloy nito. "Alright guys, ito talaga ang masaklap na kapalaran natin, kaya siguro tayo magkakaibigan," si Jelay na muling tumungga ng alak sa kaniyang baso. Inabot sila ng halos alas dose na ng gabi sa bar na iyon. Hindi na sila naghapunan dahil late na silang kumain ng lunch kanina. Bahagyang sumakit ang ulo ni Eliza nang magising kinabukasan. Tanghali na nang bumangon siya sa higaan, nakaramdam siya ng gutom. Naalala niyang hindi pala sila kumain ng hapinan kagabi. Pagkatapos maligo ay nagluto siya ng agahan kahit mag-aalas diyes na ng umaga. Sunny side up egg, ham at hotdog saka toasted bread lang ang hinanda niya. Nagtimpla s'ya ng kape saka nagsimulang kumain. Habang nag-aagahan ay nakatutok ang mga mata niya sa computer, nag-check na rin siya ng mga bagong emails para sa trabaho bukas. Medyo maluwag ang schedule ni Troy ngayong linggo kaya siguradong palagi niya itong makikita sa opisina. Napabuntong hininga siya, kailan ba niya matatapos ang misyon niyang pabagsakin ang pamilya nito. Hindi matatawaran ang galit sa kaniyang puso, kahit na minsan ay napapansin niyang gumagaan ang loob niya kay Troy ay nawawala ito sa tuwing maaalala niya ang pakay sa mga ito. Maghapon lamang siyang nanatili sa kaniyang apartment. Nanood ng movie at nagbasa ng mga paboritong libro. Nang bandang hapon ay tinawagan siya ni Jelay. "Beshy nandito na naman siya, pero deadma pa rin ang beauty ng lola mo," anitong excited pero medyo malungkot ang tinig. "Besh naman, tigila mo na yang kabaliwan mo. Wala kang kinabukasan sa ganiyang klase ng tao, aba eh kung talagang tao 'yan eh nabigyang pansin na sana yang kabaliwan mo," tugon niya sa kibigan. Hindi niya ito maintindihan dahil hindi pa naman niya nasubukang ma-inlove. Siguro ay hindi niya isasakripisyo ang kahit na ano para lamang sa pag-ibig. "Sandali beshy ha? Para maintindihan mo ako, nanakawan ko s'ya ng picture para makita mo kung saan ako nanggagaling," anito saka pinatay ang telepono. Napapailing na lamang na ibinalik ni Eliza ang pansin sa binabasang nobela. Nang muling tumunog ang telepono niya. Text iyon galing kay Jelay. Jelay: tingnan mo beshy. Jelay: huwag kang mai-inlove sa kaniya ha? Akin lang s'ya! Anang message galing kay Jelay. At sa huli ay nag-send ito ng larawan ng isang lalaking umiinom. Side view iyon kaya hindi niya gaanong makilala ang mukha nito. Pero parang pamilyar ito sa kaniya. Guwapo ito, matangos ang ilong at makinis ang balat. Gray ang kulay ng mga mata at kahit na mahaba na ang buhok ay lalo itong gumwapo sa ganitong itsura. Mukhang gusgusin na ito na tila napabayaan ang sarili dahil medyo hapis ang mukha nito at nanlalalim ang mga mata. Hindi maalala ni Eliza kung saan niya nakita ang mukhang ito. Nag send na lamang siya ng heart para hindi na madagdagan ang stress ng kaibigan sa love life nito. Pero guwapo naman talaga ang lalaki. No wonder na mahumaling dito si Jelay. LUNES na naman. Maagang pumasok si Eliza dahil maraming trabaho ang naghihintay sa kaniya. "Good morning sweetheart!" si Troy habang diretso siyang hinalikan sa mga labi. Sandali pero malalim na tila ba may nais iparating sa kaniya. Nabigla siya at parang kandila na natulos sa kinatatayuan. Hinapit siya sa beywang at iginiya papasok sa opisina. Hindi pa rin siya makabawi sa ginawa nito. Mabuti na lamang at bihira pa ang tao sa labas, kung hindi ay baka maghapon na naman na siya ang topic sa pagmamarites ng mga ito. "Why did you do that?!" nang sa wakas ay natauhan siya. "Do what?" tila nagma-maang maangan naman ang binata. "Hindi mo kailangang umarte lalo na at wala naman ang uncle mo sa paligid," inis niyang tugon. Naiinis siya hindi dahil sa ginawa nito, naiinis siya dahil nawawala siya sa huwisyo kapag napapalapit siya rito at ayaw niyang mangyari iyon. "So what kung wala? Gusto kong gawin iyon, that's it!" anitong ikinatahimik niya. What the f**k! Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi siya maaaring magulog sa taong ito! "Marry me!" Basag nito sa katahimikan. "What?" gimbal siya sa sinabi nito. "Are you crazy?" tanong niyang hindi pa rin makapaniwala. "Yeah, sooner or later ay hihilingin ni Mama ang magpakasal ako, gusto mo bang magpakasal ako sa kahit sino lang?" anitong nakangiti ng tila nakakaloko. "So responsibilidad ko na sundin ang kapritso ng Mama mo?" pagtataray niya. "At wala akong paki-alam kung pakasalan mo lahat ng babae d'yan!" aniyang umirap dito. "Come on, I'm serious," anitong bumaba ang boses at sumeryoso ang mukha. "I like you Eliza," anito. "Ha ha ha, hindi nakakatawa Mr. Monteverde," tugon niya kahit ang totoo ay kinakabahan na siya. Para siyang daga na na-corner na pusa sa isang sulok. Paano nga kung biglang magpakasal ito sa ibang babae? Mawawala ang tanging alas niya. "When I saw you with that guy, gusto kong pumatay ng tao," maya-maya ay pahayag nito. Hindi ito nakatingin sa kaniya pero alam niyang wala rin sa papeles na tinitingnan nito ang kaniyang atensyon. "Sino?" takang tanong niya. Sinusundan ba siya nito? Pero wala naman siyang maalalang kasamang lalaki maliban kay Brandon. Napangiti siya. Bingo! "So sinusundan mo ako?" aniyang nanunukso ang ngiti. "Of course not!" mabilis na tanggi nito. "Nagkataon lang na pareho tayo ng pinuntahang restaurant," dagdag pa nito. "Hmmm, ok!" nakatawang sabi niya pero wala sa mukha niya ang pagiging kumbinsido sa sinabi nito. "I'm expecting your answer by tomorrow, first thing in the morning," anito saka tumayo at naghandang umalis. "May meeting ako with Uncle Magno, hindi ka muna kasama. I'm giving you time to think," anitong kumindat pa bago tumalikod diretso sa pinto. "Hey-" aniya at akmang magpoprotesta sa sinabi nito pero mabilis itong nakalabas at sumara na ang pinto. "What the f**k! Ano itong pinasok ko?" hindi mapigilang isatinig ang lqmqn ng isip niya. Paano niya pakakasalan ang lalaking sa simula pa lang ay kinamumuhian na niya. Paano kung tuluyang mahulog ang loob niya rito? Hanggang sa pag-uwi ay laman ng isip niya si Troy. Mabait ito, maginoo at nakikita naman niyang napaka responsable nito. Pero ang galit niyang nabuo mula pagkabata ay hindi niyon mabubura. Halos magdamag siyang hindi nakatulog sa isiping iyon. Nagtatalo ang isip at konsensya niya. O mas tamang isip at puso niya. Bago pa siya nakatulog ay nabuo na ang pasya sa kaniyang isip. Ang panibagong plano para sa mabilis niyang paghihiganti. Bahala na. Kinabukasan, maaga pa rin siyang nagising kahit halos madaling-araw nang nakatulog. Nagtataka siya nang pumasok sa opisina ay pinagtitinginan siya ng mga empleyado. Binati naman siya ng mga ito pero sinusundan siya ng tingin. "Good morning Miss Arguella! Congratulations!" anito. Sa wakas may magsasabi na sa kaniya kung ano na naman ang nangyayari sa paligid. "What? Bakit?" takang tanong niya. "Ha? Hindi mo pa alam? Na promote ka! Nag retire na kasi si Mr. Amatorio ang Executive Vice President ng kumpanya, and guess what? Ikaw ang in-appoint ni Mr. Monteverde na kapalit n'ya, " mahabang kuwento nito. "Ayun! Maraming nagtaas ng kilay, pero huwag mo na silang pansinin," dagdag pa nito. "What? B-bakit ako?" Aniyang nagtataka rin. Hindi naman siguro ikokompromiso ni Troy ang kapakanan ng kumpanya para lang mapa-oo siya sa alok nito. "Well, balita ko hindi lang si Mr. Monteverde ang pumili sa'yo, all members of the board agreed," sabi nito. Hinatid lamang siya nito sa harap ng pinto ng kanilang opisina at nagpaalam na rin ito. Hindi na tuloy niya natanong kung naroon na ba si Troy. Bantulot niyang binuksan ang pinto. Halos hindi siya humihinga. Nananalangin na sana ay wala pa roon si Troy. Hindi pa siya handang harapin ito. "Good morning sweetheart!" napapikit siya nang sinalubong siya nito ng matamis na halik. "Oh, hindi ka yata nakatulog?" nanunuksong tanong nito habang inalalayan siya papunta sa kaniyang mesa. "Yes, it's yes in one condition,"aniyang hindi pinansin ang pang-aasar nito. "Yes? What yes? For what?" nagtataka naman ito sa sinabi niya. "Yes, magpapakasal tayo in one condition," paglilinaw niya. "Really? Oh God! Really?" hindi makapaniwalang tugon nito. Bakas sa mukha ang saya. "Any condition sweetheart, anything!" excited na sabi nito. "Make it secret. Kapag dumating na ang parents mo ay saka natin sasabihin," aniya. Bahala na, basta matupad ang plano niya. "Walang problema, ayaw ko rin namang pagpiyestahan ng publiko ang private life ko," anitong tila nakaka-unawa naman. "Ipapahanda ko kay attorney ang mga kailangan, we will get married as soon as possible," si Troy na halos yakapin na siya sa sobrang tuwa. "Eliza," anitong sumeryoso ang mukha. "Yes-" sagot niya pero bigla nitong tinakpan ng halik ang mga labi niya. Banayad at pino noong una pero lumalim ang halik na iyon nang tugunin ni Eliza. She never experienced this feeling before, ang tila mga paru-parong lumilipad sa kaniyang sikmura at ang pakiramdam na tila idinuduyan sa alapaap.Hindi niya maramdamang nakatayo pa siya, para siyang nasa cloud nine. Humigpit ang yakap ni Troy at nagsimulang gumalaw ang mga kamay nito. Kapuwa sila napa-igtad nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Mabilis siyang nag-ayos ng sarili. Inayos ang blusa na bahagyang natupi at ang buhok na nagusot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD