KABANATA 8

2104 Words
ELIZA Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong magpakasal kay Troy. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong gumawa ng paraan para sirain kung hindi man ipahiya sa publiko ang pamilya Monteverde. "Whaat?" Gulantang si Jelay nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko. "Seriously?" Aniya pang hindi makapaniwala. "Yang bibig mo, dinig ka na hanggang sa kabilang barangay," sabi ko habang tumingin sa paligid. Inaya ko siyang mag-lunch sa isang restaurant para sabihin ito. "Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, iyang reaksyon mo wagas!" Sabi ko pa at tinampal siya sa braso. "So what? Wala namang nakakakilala sa atin dito," pagdadahilan pa niya. "Ayaw na ayaw mo sa prince charming ko tapos ikaw pala obsess na obsessed diyan sa boss mo," sabi niyang naghahaba ang nguso. "Pero seriously ha, delikado yang pinasok mo beshy! Mabuti sana kung inlove ka d'yan sa Troy na yan," seryosong sabi niya sa akin. "Pero alam mo ba, mababago ng love ang buong pagkatao at galit d'yan sa puso mo kapag tinamaan ka nito," patuloy niya. "Sigurado na ako rito, they deserve it!" Sabi kong may galit pa rin sa tinig. "Sige na beshy, support mo na lang ako, last na talaga 'to sa kahibangan ko," sabi ko. Kahibangan kasi ang tawag niya sa ginagawa kong paglapit sa pamilya Monteverde. "Oh, eh ano pa ba ang magagawa ko? Kailan ba ang kasal n'yo?" aniya. Sa wakas ay kumalma na. "Next month. Ikaw at isang kaibigan lang niya ang witness," sabi ko. "Okay, teka! Yan bang kaibigan niya eh single?" muling tanong niya. "Ewan ko, akala ko ba may prince charming ka na?" balik tanong ko sa kaniya. Kanina lang kasi ay ibinibida na naman niya ang guwapong tambay sa resto niya. "Hmp! Hindi pa rin ako pinapansin. Tsaka ilang araw nang hindi pumupunta sa resto," may halong lungkot ang tinig niya. "It's okay, baka pinag-iisipan pa niya kung tatanggapin yang pag-ibig mo," sabi kong hinaplos pa ang likod niya. "Gagi, sige na sige na! Eto nga at magwi-witness na," natatawang tugon niya. "Salamat beshy ha, basta secret lang muna natin ito," sabi ko. Baka kasi madulas na naman ang bibig niya at makwento na naman kay Brandon. Napaka marites pa naman n'on. Kalalalaking tao chismoso. "Oo na, akala mo sa akin chismosa?" aniya saka umirap. "Yey! Da best ka talaga! Hayaan mo tutulungan kita d'yan sa prince charming mo kahit ayaw ko sa kaniya," biro ko sa kaniya. "Hay! Dios ko, huwag na. Baka ipahamak mo pa ako!" sagot naman niya. Pumayag si Jelay na maging witness sa kasal namin ni Troy. Walang malinaw na plano, basta magpapakasal lang kami. Gusto raw niyang sorpresahin ang Mama niyang babalik ng bansa sa susunod na taon. May oras pa ako para i-settle ang natitirang detalye ng plano ko. Si Troy ay naging extra-sweet sa akin kahit lumipat na ako ng opisina at may iba na siyang sekretarya. Kahit pa walang nakaka-alam ng plano naming pagpapakasal. Alam kong hindi ako mahal ni Troy. Siguro ay naboboring lang siya sa buhay kaya ginawa niya iyon. Siguro ay nagsawa na siya sa papalit palit na mga babae sa buhay niya. Nagkataon lang na ako ang available at pinaka qualified para pakasalan niya. Pabor din sa kaniya ang hiningi kong kondisyon dahil oras na magbago ang isip niya ay pwede lang kaming mag-file ng divorce. Oo, pwede kaming ma-divorce dahil American ang ginagamit niyang citizenship. Habang palapit ang kasal namin ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Excited ako dahil malapit nang mangyari ang mga plano ko. Pero kinakabahan din ako dahil mas magiging malapit kami ni Troy. Dahil pagkatapos ng kasal ay titira na ako sa bahay niya. Hindi ko alam kung paano siya iiwasan kapag nasa iisang bubong na kami. "Sweetheart dinalhan kita ng lunch," hindi ko namalayang nasa office ko na pala siya. Busy ako dahil napakaraming inwang trabaho ni Mr. Amatorio. Parang kahit isang taon akong masubsob sa trabaho rito ay hindi ko matatapos ang mga ito. "Sorry, hindi kita nasamahang mag-lunch. Marami pa kasi akong ginagawa," hinging paumanhin ko sa kaniya. "It's okay honey, may meeting ako kanina kaya hindi na rin kita nadaanan," tugon niya. Binuksan niya ang dalang paper bag at inilabas ang malaking bowl ng salad. Galing ito sa isang sikat na coffe shop. "Thank you," tanging tugon ko na lang nang buksan niya ito at ihain sa harapan ko. Pinanood lang niya ako habang kumakain at manaka nakang nagkukwento tungkol sa Mama niya. Kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalamang nag-asawa na siya. Hindi naman ako kumikibo. Mataman lamang akong nakikinig sa kaniya habang tahimik na kumakain. "Eliza," kapagkuwan ay untag niya sa akin. "Sana makasundo mo si Mama," anito. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. "A-are you okay?" Maagap niyang tanong at mabilis na hinimas ang likod ko. 'Perpekto na sana, kaya lang nasa maling pamilya ang lalaking ito,' anang isang bahagi ng utak ko. Hindi maaari ang iniisip ko. Uminom ako ng dala rin niyang inumin na kasama ng pagkain. Guminhawa ang pakiramdam ko nang sumayad ang malamig na likido sa lalamunan kong tila biglang natuyo sa sainabi niya. "Kung pagod ka na ay maaari kang magpahinga," aniyang bakas ang pag-aalala sa boses. "I'm fine, nasamid lang ako," sabi ko naman habang nagpapahid ng napkin sa bibig. "Oo nga pala, pagkatapos ng kasal hindi ka na magtatrabaho. Just stay at home," aniya. "H-ha? Bakit naman?" Takang tanong ko. Hindi ko inaasahan ang plano niyang iyon. "Ayoko syempre na mahirapan ka, basta sa bahay ka lang," pinal na sabi niya. "Uhm.. I have to go honey, may meeting pa ako," aniyang tumayo na. "Okay, see you," sabi kong tumayo rin para bigyan siya ng halik sa pisngi. "Huwag kang masyadong magpapagod," aniya at gumanti rin ng halik. "I'm sorry baby hindi kita mahahatid ngayon, baka late na ako matapos sa meeting ko. "It's okay," tugon ko. Mas mabuti na rin 'yun para may panahon pa akong makapag isip. Kabaliwan nga sigurong matatawag, pero magpapakasal ako kay Troy na wala akong paki-alam sa dahilan niya. Ang akin lang ay maisagawa ang plano ko. Parang kailan lang, bukas na pala ang nakatakdang kasal namin. Sa kakilala niyang Judge lang kami ikakasal. Dalawang witness at ang Judge lamang ang tanging dadalo sa kasal namin. Hindi ako makatulog kaya tinawagan ko si Jelay, kahapon pa raw siya hindi pumunta sa resto para mag-beauty rest. Natatawa ako dahil parang siya ang ikakasal. Mas excited pa siya kaysa sa akin. "Oh beshy, naku bakit hindi ka pa natutulog? Magmumukha kang bangkay bukas sa kasal mo," aniya nang sagutin ang tawag ko. "Besh, kinakabahan ako.." Pag-aamin ko sa kaniya. Kahit papano ay may bahagi pa rin ng utak ko ang natatakot. "Hoy babae, ikaw ang may gusto nito! Kung gusto mo i-urong na nating ang kasal," aniyang tila sinusukat ang magiging reaksyon ko. "H-hindi, hindi naman sa ganoon. Napakatagal kong hinintay 'to kaya dapat lang na ituloy ko," bawi ko. Oo nga naman, ito na ang pinakahihintay kong sandali. Kaunting panahon na lamang ay matitikman na ng mga Monteverde ang pait at sakit na ibinigay nila mula pagkabata ko. "Oh, sige na matulog ka na. Maaga kitang dadaanan d'yan bukas para sabay na tayong magpa-ayos." aniya. "S-sige goodnight beshie," sabi ko saka ibinaba ang telepono. Kinabukasan, maaga pa alang ay naligo na ako. Alas diyes ang oras ng kasal namin kaya dapat ay naroon na kami bago pa ang takdang oras. Alas siyete pa lang ay dumating na si Jelay para sunduin ako. Dala niya ang kaniyang sasakyan kaya hindi na namin kailangang makipag-agawan pa sa taxi sa labas. "Ano, ready ka na?" Aniyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Oo," sabi ko sabay hinga ng malalim. "Relax.." sabi naman niya. Matapos ihanda ang susuotin ko ay sabay na kaming umalis papunta sa suki niyang saloon. Halos kalahating oras rin ang biyahe namin dahil sa traffic. "Gawin mong pinakamagandang bride itong kaibigan ko at syempre pinakamagandang bride's maid naman ako," utos ni Jelay sa baklang nag-assist sa amin. "Huwag kang mag-alala, hmm kilala mo ako," paniniguro naman ng bakla. "Huwag masyadong makapal bakla ha? Hindi nagme-make up ang kaibigan ko, baka lagnatin yan," "Kahit nga hindi na s'ya mag-make up maganda na eh, pero dahil big day n'ya pagagandahin ko s'ya ng bonggang bongga!" anito. "Siguro napakaguwapo ng mapapangasawa nitong kaibigan mo," sabi pa nito na para bang wala ako na pinag-uusapan nila. Aba at talagang magka-ututang dila ang dalawa! "Ay bakla, hindi lang guwapo mukhang masarap din!" tugon naman ni Jelay dito. Nangingiti na lang ako habang nakikinig ng usapan nila. Hindi naman nagtagal at natapos na ang pag-aayos n'ya sa akin. "Wow! Napakaganda mo," palatak ng bakla. "Hoy bakla! Siguraduhin mo lang na talagang bakla ka ha? Kanina ka pa haplos ng haplos dito sa kaibigan ko," si Jelay habang tinutulungan akong ayusin ang suot kong puting dress na lagpas tuhod ang haba. Natawa na lamang ang bakla sa tinuran niya. Simple lamang ang pinili kong damit dahil ayaw kong maging takaw-atensyon sa iba. Pagkatapos namin sa saloon ay bumyahe na kami patungo sa lugar kung saan nagpa-schedule si Troy para sa gagawing seremonya ng aming kasal. Naroon na si Troy nang dumating kami. Hindi pa naman oras kaya umupo muna kami sa mga silyang naroon. Wala pa rin ang kaibigan ni Troy. "Ano ba yan, akala mo sya ikakasa ah, nagpapahintay beshy!" Bulong ni Jelay sa akin pero iyong bulong niya ay dinig rin yata ng buong barangay. "Shhh, marinig ka," tugon ko namang pinipigil ang matawa. Ang reaksyon kasi ni Jelay ay parang bride na late ang kaniyang groom. "He's on his way," ani Troy na tumingin pa sa suot na relos. Guwapong guwapo ito sa suot na tuxedo. Kanina pa nga kinikilig si Jelay dito. "It's fine, take his time," sarkastikong ngumisi naman si Jelay. Hindi naman nagtagal ay sabay kaming napatingin sa pinto nang iluwa noon ang isang matangkad at guwapong lalaki. Tila isang modelong rumarampa habang palapit sa amin. Maging ako ay napako ang tingin ko sa kaniya kahit na alam kong nakatingin sa aki si Troy. Nanlalaki naman ang mga mata ni Jelay habang nakatingin sa palapit na lalaki. Tila hindi makapaniwala sa nakikita. "Oh my God! Beshy ang prince charming kooo..!" Kulang na lamang ay kurutin niya ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. "Siya 'yun beshy, 'yung tambay sa resto!" aniya na kulang na lang magtatalon sa tuwa. "Ha? Sigurado ka?" Tanong ko pero hindi na niya iyon nasagot dahil tuluyan nang nakalapit sa amin ang lalaki. "Hey bro! Sorry I'm late," anang baritonong boses saka nagkamay ang dalawa. Walang itulak kabigin sa mga ito, parehong napakagugwapo. Pagkatapos kaming ipakilala sa kaibigan niya ay saka naman dumating ang Judge kaya wala na kaming panahon para mag-usap. Nahalata ko naman ang manaka-nakang sulyap ni Aron kay Jelay. Kilig na kilig naman ang gaga. "From this day forward, I promise to be worth it. Worth the time. Worth your love." Halos hindi ako makahinga sa pagbigkas ng mga salitang iyon. "I promise that you will always count. You will always comes first. Today is the beginning of the rest of our lives. I choose to spend today and all my tomorrows with you," sa wakas ay natapos ko rin ang wedding vow ko. Hindi ko na naintindihan ang iba pang pinagsasabi ni Troy at ng Judge dahil gusto ko na lang matapos agad ang seremonyas na 'to. Pero kung gaano ko kagustong matapos ay kabaliktaran naman ni Jelay dahil kanina pa ang tingin niya sa kaibigan ni Troy. "I now pronounce you, Man and Wife," mamaya pa ay narinig kong deklara ng Judge. "You may now kiss the bride," dagdag pa nito. Pero imbes na ako ang kiligin ay si Jelay ang panay ang kantyaw sa likuran ko. "Ayiii...sige na kiss na," aniya pa. Marahan naman akong hinalikan ni Troy sa labi. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Napakabango ng kaniyang hininga, para akong naliliyo sa hatid na kiliti ng maharan niyang halik. "Congratulations!" Anang judge at saka kinamayan kami bago magpaalam dahil may kakasalin pa raw siya sa kabila. "Congratulations bro!" Si Aron at mahigpit nagkamay ang dalawa, tinapik pa ni Aron ang balikat ni Troy. "Beshy! Congratulations!" Si Jelay naman na kulang na lang durugin ako sa higpit ng yakap niya. Pagakatapos ng aming kasal ay pumunta na kami sa isang five star hotel, nagpa-reserve rin pala siya para sa aming munting reception. Sumabay na ako kay Troy, si Jelay naman ay sumakay sa kotse ni Aron. Kilig na kilig siya, kulang na lamang ay magpasalamat siya dahil nagpakasal ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD