HUMUGOT ng malalim na hininga si Syrene habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin sa loob ng malaking CR. Pagkatapos ay binuksan niya ang faucet at naghilamos. Hindi niya inasahan na bibigyan kaagad siya ng ka-loveteam dahil nga baguhan pa lang naman siya. Pakiramdam niya sobrang bilis ng mga nangyayari sa kanya sa showbusiness. Ang plano niyang pagiging extra ay nauwi sa regular appearance sa show at heto’t bibigyan pa siya ng love interest sa TV series na ito. “Good morning.” Nilingon niya ang bagong pasok na si Jane. Fresh na fresh itong tingnan kahit hindi pa man nagme-make-up. Kumuha si Syrene ng ilang pirasong tissue sa dispenser para ipunas sa basang mukha saka nginitian si Jane. “Good morning, Jane.” Nagsalamin ang babae habang inaayos ang ilang hibla ng buhok

