Kabanata 4: Asernozia

2023 Words
Napalunok ako habang tinititigan ang kulay brown na mga mata niya. Nakakabilib makakita ng ibang kulay, bukod sa akin ay siya rin, iba sa karaniwang itim na itim na mga mata sa bansang ito. "W-water..." Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang mahina't paos niyang boses at saka napalayo sa kaniya. Water daw? Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Medyo nanginginig pa ang aking mga kamay dahil sa kaba, pero mabuti na lamang ay hindi ako nagkalat. "I-ito na," nauutal kong saad at saka tinulungan siyang maupo. Medyo napadaing pa siya kaya mas iningatan ko ang pagtulong sa kaniya. Baka hindi rin siya komportable dahil hindi naman malambot ang higaan. Tinulungan ko siyang uminom ng tubig, at nang matapos ay tumakbo ako pabalik sa kusina para ibalik ang baso't kumuha ng batsa na may lamang tubig, at bimpo. Dumaan na rin ako sa kuwarto nila nanay para kuhanan siya ng damit, hihiram na lang muna ako ng damit ni tatay, hindi naman ata magagalit si tatay. Huminga ako nang malalim, at saka mabilis na bumalik sa aking kuwarto. Nakita ko pa ang mataman niyang mga titig sa'kin dahilan ng aking pagka-ilang sa kaniya. Bakit ba siya titig na titig sa akin? "Kumusta ang pakiramdam mo?" "A-ayos naman," mahinahon niyang sabi, kaya napatango ako. Kinuha ko ang bimpo sa batsa at saka hinawakan ang kamay niya. Hindi naman siya nagreklamo, kaya nag-umpisa na akong punasan siya. "Buti naman at nagising ka na. Ilang araw na rin ang nakalipas nang makita kita doon sa dalampasigan." "Who are you?" Napakunot-noo ako sa tanong niya. "Ang tanong mo ba ay kung sino ako?" "Yes." Yes daw... Oo? "Ako pala si Diane—" "Diane?" Kunot-noo niyang tanong at agad na hinawakan ako sa magkabilang braso ko. Nagulat pa ako nang kapain niya ang aking leeg, at nakita ang kuwintas na nakasabit, nakatago ito sa ilalim ng suot kong damit dahil ginto ang kulay nito't baka ano pang sabihin ng iba. Mula nang mapadpad ako dito'y may suot na raw akong kuwintas. Diane ang pendant ng kuwintas kaya iyon na rin ang pangalan na tinawag nila sa'kin, maganda ang disenyo ng kuwintas, at hugis puso ang letrang A, nabubuksan din ito, parang locket, pero wala namang nakalagay sa loob. Kaya medyo nagtataka ako kung para saan iyon. "B-bakit?" Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin. Nakangiwing niyakap ko na lang din siya pabalik at saka tinapik ang kaniyang likod. Baka ganito siya magpasalamat? Tama, baka nga. "Diane... Diane, you're alive." Ano raw? Napanguso ako't medyo naguluhan, medyo may accent din kasi siya. Foreigner ba ito? Grabeh! "Ano po ang ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong at saka tinulak siya para tuluyan nang humiwalay sa yakap niya sa'kin. Kilala kaya ako nito? Base kasi sa mga galaw niya ay parang kilala niya ako, napadpad kaya siya sa palengke kaya pamilyar ang pangalan ko sa kaniya? Kilalang-kilala kasi talaga ako ng mga tao doon, at madalas din akong pag-usapan kahit wala ako, ayon kay Margarita. Tumayo ako't siya namang pag-ayos ng upo niya. Naiilang akong nag-iwas ng tingin habang nararamdaman ang hagod ng kaniyang paningin sa aking kabuuan, halatang sinusuri at pinag-aaralan ako. "N-nagugutom ka b-ba?" Napalunok ako't parang gusto kong sampalin ang sarili dahil sa pagka-utal ko. Bakit ba ako kinakabahan sa kaniya? Ang wirdo naman kasi ng naging kilos niya. Pero hindi pa rin mapagkakailang napakagwapo niyang binata. Mukhang maraming naghahabol na mga babae sa kaniya doon sa pinanggalingan niya. "You're Diane. Can't you remember me? I am your bestfriend, Sayber. We're childhood friends—" "Teka! Teka! Pwedeng paki-tagalog? Medyo nahihirapan—mali, hindi kita maintindihan. Hindi ako marunong magsalita ng Ingles, hirap ako't matagal-tagal na rin mula nang pumasok ako sa eskwelahan." Napakamot ako sa aking batok. Medyo kapos na rin talaga kasi ang pamilya, at tanging si Leonora na lamang ang nagpatuloy sa pag-aaral, kasalukuyan ngang nasa kolehiyo na ito, at ako naman ay napag-iiwanan na ng panahon. Pero gustong-gusto ko talagang ipagpatuloy ang aking pag-aaral, mukhang malabo nga lang dahil sa takbo ng buhay namin dito sa isla. "What—I mean, huminto ka sa pag-aaral?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Halos masira na nga ang kaniyang noo dahil sa sobrang pagkunot nito. "Oo, wala namang problema sa'kin dahil nakakatulong ako sa pamilya. At saka nandiyan lang naman ang pag-aaral, siguro kung makaahon man kami, makababalik na ako sa pag-aaral." Nang hindi siya magsalita ay lumabas muna ako't nagtungo muli sa kusina. Kumuha ako ng mangkok at naglagay ng adobong kangkong, mabuti na lamang ay may natira pang ulam. Nagsandok na rin ako ng plato at saka inilapag ang mga ito sa lamesa para kumuha ng kutsara. Akmang bibitbitin ko na ang mga ito nang bigla namang lumitaw sa aking harapan si Sayber, medyo hirap pa siya sa paglalakad kaya agad ko siyang nilapitan at tinulungang maupo. "Kain ka," pag-aaya ko't itinapat sa kaniya ang plato. Napanguso pa ako nang titigan niya ang mga ito. "Hindi ka ba kumakain ng adobong kangkong? Ano bang—" "Kumakain, salamat. Ikaw, kumain ka na ba?" Halos maglupasay pa ako sa malambing niyang tono at tingin na nag-aalala. "Ahm... Oo, kumain na ako kanina." Tumango na lamang siya at nag-umpisa nang kumain. Pansin ko rin na suot niya na ang damit ni tatay at mukhang bitin ito sa kaniya dahil sa tangkad niya, nag-mukha tuloy siyang naka-cropped top. Sexy naman siya at mukhang wala talagang malalait sa kaniya kahit na ano ang suotin niya. Pansin ko rin na hindi siya mapili sa pagkain dahil halos maubos niya na nga ang ulam. "Gusto mo pa ba ng ulam?" Kagat-labi niya akong nilingon at napakamot sa kaniyang ulo. "Kung meron pa, ang sarap kasi. Ikaw ba ang nagluto nito?" Tumango lamang ako't nakita ko naman ang pagkamangha sa kaniyang mukha. Kinuha ko na lamang ang mangkok at nilagyan ulit ng ulam. "Bakit ka nga pala na-aksidente? Nang dahil ba sa bagyo?" Tumango siya. "No, but yes. My dog jumped into the water habang nasa barko kami. Yah know, I was damn scared for him dahil nag-uumpisa nang lumakas ang alon at dumilim, but I forgot that he can swim, at kayang-kaya niyang makabalik sa barko by using the rope na nakasabit na para sa kaniya talaga, you know, he's a well-trained dog and intelligent. So when I jumped into the water, sumalabong sa'kin 'yong alon at may kung anong tumama sa ulo ko, dahilan nang pagkawala ng aking malay-tao. Narinig ko pa ang tahol ni Zef bago ako anurin." Umiling-iling siya. "Pasaway na aso 'yon, ako tuloy ang napahamak." Kahit na medyo malabo sa'kin ang Ingles niya dahil may accent. Natawa pa rin ako nang isipin na dahil sa aso niya, kaya siya napadpad dito sa isla. "But I'm thankful. Kasi nakita naman kita, siguradong matutuwa ang daddy mo. Matagal ka na naming hinahanap, Diane, at blessing in disguise talaga ang ginawa ni Zef." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "K-kilala mo ang a-ama ko?" Paanong... Eh hindi ko naman sinabi sa kaniya na kinupkop lang ako ng pamilyang kinabibilangan ko ngayon! "Yes, at nakuha mo sa kaniya ang kulay ng mga mata mo." Nginuso niya ang kuwintas ko. "At kung hindi mo tatanungin, galing sa akin iyang kuwintas na 'yan noong mga bata pa tayo. Kaya sigurado akong, ikaw ang hinahanap namin." Bigla akong napaupo sa silya dahil sa kaniyang sinabi. Gusto kong maiyak dahil sa nalaman, pero sobra-sobrang galak ang nararamdaman ko ngayong alam ko na kung sino ang totoo kong pamilya. Napalingon ako kay Sayber at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha, akala niya siguro ay kung ano na ang nangyari. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang mga pangyayari. Kung hindi ko pa nakita si Sayber, hindi ko pa malalaman kung nasaan ang aking pamilya. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya't nilapitan ako. Hinagod niya ang aking likod nang sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. "P-pwede bang sabihin mo sa'kin ang k-kalagayan n-ng pamilya ko, k-kung sino ba t-talaga ako?" Hinila niya ang isang silya at naupo sa aking harapan. Nginitian niya ako't inipit sa likod ng aking tainga ang mga buhok na humarang sa mukha ko. Pinunasan niya rin ang aking mga luha. "Tahan na, Diane." "K-kuwentuhan mo ako," sabi ko't napasinghot pa. "Tumigil ka na muna sa pag-iyak at tumutulo na ang sipon mo." Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya kaya pinigilan ko na ang aking sarili pinunasan ang dapat punasan. "Asernozia... Ikaw si Diane Asernozia, ang unang anak ni Mazimillo Asernozia, isang napakagaling na heneral, at isa ring negosyante. Hanga ako sa ama mo dahil nga kahit na abala siya sa trabaho bilang isang heneral, ay nakapagpagtaguyod na siya ng negosyo. Alam mo bang no'ng nawala ka ay hindi siya tumigil sa paghahanap sa'yo. Gusto niyang makita ang katawan mo, kahit pa patay o buhay ang makuha niya." Napalunok ako't biglang may naalala. "Eh ang aking ina?" Napaiwas siya ng tingin kaya nagtaka ako. Sinundot ko ang balikat niya para muling humarap sa'kin, at nagtagumpay naman ako. "Ang ama mo na ang magsasabi. Pwede ba tayong maglakad-lakad?" Agad akong napatayo at tinulungan siyang tumayo. Matagal din kasi siyang tulog, kaya siguro naghahanap siya ng preskong lugar at hangin, medyo kulob din kasi dito sa loob ng bahay. Pero malamig naman dahil nga malapit lang naman kami sa karagatan. Paglabas namin ay sumalubong sa'min ang malakas na simoy ng hangin. Walang katao-tao sa paligid, dahil sigurado akong nasa bayan na ang lahat dahil sa disco-an. Mabuti na lang at may kasama pa ako dito. Inalalayan kong maglakad si Sayber at rinig na rinig namin ang malalakas na hampas ng alon, tinatangay pa ng hangin ang aking buhok kaya sandaling huminto ako't tinalian ito. "Nasaan ang mga tao?" Nilingon ko si Sayber nang magtanong siya. "Nasa bayan na silang lahat. May disco-an kasi doon, kaya tayong dalawa lang ang nandito ngayon." "What? Really?" "Ahm... Kanina nga ay inaya ako ng aking kaibigan, pero kailangan kasing may maiwan dahil walang magbabantay sa'yo." "Sorry." Umiling ako. "Ayos lang, hindi naman problema sa'kin 'yon. Tara, doon tayo maupo sa may pampang, maganda manood ng paglubog ng araw." Agad kaming naglakad palapit sa pampang at saka naupo sa buhangin. Pinanood namin ang malalakas na alon at saka ako nag-angat ng tingin sa kaulapan, nag-uumpisa na kasing lumubog ang araw. Ito ang paborito ko sa pananatili dito sa isla. Malinaw sa'kin ang napaka-gandang tanawin, karagatan, at kung paano magtatapos ang araw. May mga ibon din na nagliliparan at tila ba naghahatid ng musika sa aking nga tainga, sinasabayan ang hampas ng mga alon na may kasamang ritmo. "Kumusta ka dito, Diane?" Napangiti ako. "Maayos naman, kahit na ramdam kong hindi ako ganoon katanggap-tanggap sa pamilyang kumupkop sa'kin, ay masaya pa rin ako dahil umabot ako sa ganitong edad." "Sinasaktan ka nila?" "Hindi naman. Madalas akong sermunan at sigawan, pero hindi naman umabot sa pisikalan." Medyo napaiktad pa ako nang bigla niya akong akbayan at ipatong ang aking ulo sa kaniyang balikat. Gusto ko sanang humiwalay, pero pakiramdam ko ay napagod ako buong araw kaya hinayaan ko na lamang ang aking sarili. "Kapag maayos na ang pakiramdam ko, babalik ako agad sa Maynila at ipapaalam ko kay tito na nakita na kita't buhay ka. Handa ka bang sumama sa kaniya't harapin ang pamilya mo?" Tumango-tango ako. "Matagal na akong naghahanap ng kalinga sa kanila, sa totoo kong pamilya. Ang mga alaala ko'y puno ng takot, at paulit-ulit na bumabalik ang nangyari noong ako'y anim na taong gulang pa lamang ako." "Naalalala mo?" "Tanging ang tahedya lamang, ngunit ang mga mukha ng aking magulang ay malabo. Nang mangyari 'yon ay na-trauma ako sa dagat, ilang buwan din daw akong umiiyak sa tuwing makakakita ng dagat." Humigpit ang hawak niya sa aking balikat. "Mabuti't kinaya mo, Diane." "Hindi na ako takot sa dagat ngayon, pero paulit-ulit naman akong dinadalaw ng trahedya sa aking mga panaginip at alaala." Natahimik siya, pero ramdam ko ang awa dahil sa sunod-sunod niyang pagbuntong-hininga. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at dinama ang malamig na hanging dumadampi sa aking balat. "I missed you, Diane."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD