"Speechless?" Mapaglarong tanong ni Zyker at saka ngumisi. Napailing na lamang ako't inilapag sa gilid ng mesa ang bulaklak. Ipinagpatuloy ko ang pag-kain at hinayaan na si Zyker sa pang-aasar niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bumilis ng gano'n ang t***k ng aking puso. Imposible namang maramdaman ko iyon sa taong 'to, na dinadaan lang naman ang lahat sa pambobola. Babaero nga ata talaga 'to. "Diane, can you give me an answer?" Napakunot ang aking noo at hinarap si Zyker na ngayon ay dinadama ang kaniyang dibdib. "Why does my heart beats so fast?" "Boom! Ang korny!" Bigla niyang kinuha ang tisyu, binilog niya ito, at saka ibinato kay Xier. Ang kulit talaga ng isang 'to, hindi talaga makokompleto ang barkadahan kapag walang makulit. Sa kanilang magkakaibigan ay parang com

