"Hey! Bakit mo 'ko iniwan?" Iyan ang tanong ni Franchie nang sa wakas ay makapasok na siya dito sa classroom. "Ay! Hindi ka pa rin pala nagpapakilala," nakasimangot na dagdag niya't umupo sa katabing silya ko. Nagkibit-balikat ako. "I'm Diane." "Oh!" Ngumiti siya, pero agad iyong nalusaw nang mukhang may naalala siya. "Magkakilala kayo ni Zyker?" "Sino 'yon?" Kinuha ko ang bag ko't inihanda sa ibabaw ng desk ang aking notebook a kot ballpen. Ilang segundo na lang ay mag-uupisa na ang klase, sunod-sunod na rin ang pagpasok ng mga kaklase ko dito sa classroom. Iyong iba pa ay nagtataka sa tuwing babagsak ang kanilang mga paningin sa'kin. "Si Zyker!" Napakunot ang aking noo. Sinong Zyker? Wala naman akong kilala dito. Kapapasok ko pa nga lang. "Hindi mo kilala?" Hindi makapaniwalang

