Pag-uwi ko'y dumiretso ako sa kuwarto ni Lhiyet. Naabutan ko pa siyang nagbabasa, napahinto siyang nang Basta na lamang akong pumasok. Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa pangi-istorbo ko, ngunit ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon , kaya nangunot ang cute niyang noo. Pasalamat siya, cute siya. Kundi ay baka nakurot ko na siya sa tagiliran. Bakit ko ba in-spoil ang batang'to? "Why didn't you—" inilapag ko sa lamesa niya ang paper bag. "Oh my! Is this the hairpin?" Kung alam mo lang ang nangyari bago ko tuluyang mabili 'yan, mahal kong kapatid. Pinaglaban ko talaga 'yang hairpin na 'yan doon sa taong akala niya ay nasa bidding room siya kung makapagsabi na bibilhin niya iyon sa halagang isang milyon. Hay! Sa tuwing bumabalik sa aking isipan, at ang boses niya, naiirita ako dahil sa

