Rocket NAPAPAILING na lang si Rocket habang tanaw ang kasintahan palabas ng opisina niya. Gusto pa sana niya itong makasama ng matagal kaya lang naka duty pa siya at marami pa siyang pasiyente sa araw na iyon. Babawi na lang siguro siya sa susunod na araw. Dapat na din siguro niyang sabihin sa nobya kung ano ang nararamdaman niya. Hindi sapat na ipakita lang niya na espesyal ito para sa kanya. Alam niyang meron pang mas malalim na dahilan ang kasiyahang nararamdaman niya sa tuwing nakakasama si Shein. Ramdam niyang unting-unti nang nakapasok sa puso niya ang kasintahan. At masaya siyang malaman ang bagay na iyon. Dahil sa wakas tuluyan na siyang nawala sa anino ng dating kasintahan. Kaya lang dinadaga ang puso niya. Hindi niya alam kung paano magtatapat kay Shein. Gusto niyang gawing es

