Shein NAKATINGIN lang si Shein sa mukha ng kanyang nobyo habang nakaupo at payapang natutulog. Hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin siya makapaniwala na nasa gitna na sila ng biyahe at ilang oras na lang at lalapag na ang sinasakyan nilang private plane ng kasintahan sa pilipinas. Ang bilis ng mga pangyayari. Ni hindi man lang siya nakapalag. At ang masaklap, wala siyang nadalang gamit! Lahat naiwan niya sa Russia. Maging ang paburito niyang camera. Hindi rin siya nakapag paalam sa mga kasamahan. Mukang plinano talaga ni Eon ang lahat. Pabor sana sa kanya ang ginawa ng nobyo. Hindi na niya kailangan pang makipag plastikan kay Althea. Ang kaso tiyak na hahanapin siya ng mga kasamahan. At siguradong magtataka ang mga iyon. At ang pinaka masaklap na mangyayari ay baka mawalan pa siya

