Shein MARAHANG nagmulat ng mga mata si Shein. At ang unang nasilayan niya ay ang mukha ng mga magulang na nakaupo at parehong nakahilig ang mga ulo sa kamang hinihigaan niya. Masakit ang likod niya. Namamanhid din ang mga braso at paa niya. Para bang binugbog siya ng ilang ulit. Sinikap niyang igalaw ang mga kamay pero bigo siya. Mas sumakit pa nga iyon ng igalaw niya. Napansin din niya ang binti na nababalutan ng benda kapareha ng isang kamay niya. "Ma? Dad." Tawag niya sa mga magulang na agad na nagising at tumingin sa kanya. Maingat na hinawakan ng ina ang kamay niya saka masuyong pinisil. Kababakasan ng pag aalala ang mukha ng parents niya habang nakatunghay sa kanya. "Anak ayos ka lang ba? Sandali lang tatawagin ko ang doktor." Saka lang niya napansin na nasa loob siya ng ospital

