Chapter 12:

1740 Words
Alas sais pa lamang ng umaga nang magising si Patrisha. Tahimik pa ang buong mansion at wala pa siyang naririnig na anumang ingay mula sa kwarto ni Eros. Nang silipin niya ang anak ay mahimbing pa rin itong natutulog. Napangiti siya. Mukhang nakapag-adjust na nga ang kanyang anak sa kanilang bagong tahanan, kung kaya’t palaging mahimbing ang tulog nito. At dahil maaga pa naman, ay naisipan niyang magpunta sa swimming pool na nasa likurang bahagi ng mansion. Mabilis siyang nagpalit ng damit at nagsuot ng black two-piece swimsuit. Lutang na lutang ang maputi at makinis na balat niya dahil sa kanyang suot. Kaya naman hindi niya maiwasang mapangiti sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuuan sa harapan ng salamin. Ngayon na lamang siya muling nakapagsuot ng two-piece matapos ang matagal na panahon. Noong nagtatrabaho pa siya bilang modelo, halos araw-araw niya itong isinusuot. “Walang kupas. Napakaganda mo pa rin!” nakangiting puri niya sa kanyang sarili. At nang makuntento na siya ay tahimik na siyang lumabas ng kanyang silid. Wala pang ibang tao nang makarating siya sa pool. Perfect para sa kanya, sabayan pa ng sariwang simoy ng hangin at ng napakagandang pagsikat ng araw. Tahimik ang paligid, kaya naman naisip ni Patrisha na magandang pagkakataon iyon para makapag-relax nang kaunti. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang lumusong sa tubig. Hanggang sa hindi niya namalayang lumipas na ang ilang minuto habang nag-e-enjoy siya sa paglangoy. Nang sa wakas ay mapagod siya, umakyat na siya mula sa pool. Ngunit pagkakaupo pa lamang niya sa gilid nito ay may narinig siyang mga yabag mula sa kabilang bahagi ng garden. Napalingon siya roon at bahagyang natigilan nang makita si Archer na papalapit. Mukhang hindi naman inaasahan ng lalaki na may makikita roon. Kung kaya’t nanlaki ang mga mata nito nang mapansin siya, ngunit kapansin-pansin din ang mabilis na pag-iwas nito ng tingin sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya dahil doon. Ganito rin ang ipinakitang reaksyon nito kagabi sa kanya. “Uhm… good morning.” Sinubukan ni Patrisha na batiin nang natural si Archer. Tumikhim ang lalaki bago magsalita. “Good morning,” simple at pormal na bati ni Archer kay Patrisha. Pagkatapos ay agad itong tumalikod at nagsimulang humakbang palayo. “Ah, sandali.” Mabilis na pinigilan ni Patrisha si Archer. Agad namang napahinto sa paghakbang ang lalaki habang nanatiling nakatalikod kay Patrisha. “Uhm… aalis ka na?” “Hindi ko kasi napansin na naliligo ka pala rito. Kaya mamaya ko na lang kukunin ’yung kailangan ko,” tugon ni Archer habang nananatiling nakatalikod kay Patrisha. “Huh? Pero ayos lang naman ako. Puwede mo namang kunin kung anuman ‘yung kukunin mo.” “Okay lang. Mamaya na lang,” saad ni Archer saka ito muling humakbang palayo. “Sandali!” muling awat ni Patrisha, kaya naman muli ring napatigil si Archer. Iba ang nararamdaman ni Patrisha noong mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay umiiwas sa kanya sa hindi niya malaman na dahilan ang lalaki. Tumingin si Patrisha sa kanyang towel na nakapatong sa isang poolside table ilang hakbang ang layo mula sa kanya. “Can you get me my towel?” marahang pakiusap niya. Saglit na natigilan si Archer. Sumulyap ito sa towel na tinutukoy ni Patrisha. “Sure.” At pagkatapos ay lumapit ito roon upang kunin ang towel. Ngunit sa halip na lumapit kay Patrisha ay nanatili si Archer ilang hakbang ang layo. Saka tumikhim at iniabot ang towel sa direksiyon ni Patrisha habang nakatingin sa kabilang bahagi ng garden. Napakunot ang noo ni Patrisha, saka siya tumayo at bahagyang lumapit sa lalaki. “You can look at me, you know,” saad niya. “Huh?” Humugot ng malalim na paghinga si Patrisha saka muling nagsalita. “May problema ba sa akin? Napansin kong… kagabi mo pa iniiwas ang tingin mo sa akin.” Bahagyang natahimik ang lalaki. Hindi pa rin ito lumilingon at nanatiling nakatingin sa kabilang dako ng hardin, tila sadyang iniiwas ang tingin sa kanya. “Wala,” maikling sagot ni Archer. “Wala? Sigurado ka?” Hindi sumagot si Archer at sa halip ay mas hinigpitan ang hawak sa towel. Napansin iyon ni Patrisha. Kaya sa huli ay napailing na lamang siya. “Fine. Give me the towel,” usal niya. Kinuha niya ang towel mula kay Archer, pero habang inaabot niya iyon ay nadulas ang paa niya sa basang tile sa gilid ng pool. “Ah!” Nawalan ng balanse si Patrisha. Nanghihina ang tuhod niya at tila babagsak na siya pabalik sa tubig nang may biglang yumapos sa kanyang baywang. Mabilis at matatag ang bisig na yumakap sa kanya. Saglit na natigilan si Patrisha nang maramdaman niya ang mainit na katawan ng lalaki, kahit basa pa ang kanyang balat mula sa tubig. Hindi niya inaasahang sasaluhin siya nito. At higit sa lahat ay hindi niya inaasahang masasalo niya ang seryosong mga titig nito sa kanya. Napatitig siya sa mga mata ni Archer at sa pagkakataon na iyon ay hindi ito nag-iwas ng tingin sa kanya. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya habang tila pinipilit panatilihing kalmado ang sarili. Napakalapit nila sa isa’t isa na halos isang dangkal na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha. At sa katahimikan ng umagang iyon, malinaw na narinig ni Patrisha ang mahinang paglunok ng lalaki. Napatingin siya sa lalamunan nito at kitang-kita niya ang mabilis na paggalaw nito habang lumulunok. At sa pagkakataon na iyon, hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong posisyon. Hanggang sa biglang bumitaw si Archer at mabilis na umatras nang ilang hakbang palayo sa kanya, na para bang may tinakasan. At pagkatapos ay iniiwas na naman nito ang mga tingin sa kanya. “S-Sorry,” mahinang usal ni Archer. “Hindi ko sinasadya…” “H-Huh?” tanging naging tugon lamang niya dahil abala pa rin siya sa pag-iisip ng dahilan kung bakit ang bilis ng t***k ng puso niya. “I should go.” Bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran na siya ng lalaki at mabilis na naglakad palayo. Na para bang may hinahabol na oras. Naiwan si Patrisha na nakatayo sa gilid ng pool, basang-basa pa rin, hawak ang towel, at nakatingin sa direksyon kung saan nawala si Archer. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Kanina lamang ay tila ayaw nitong tumingin sa kanya. Ngayon naman ay parang gusto nitong makalayo sa kanya sa lalong madaling panahon. Mabagal niyang inabot ang dibdib niya. Mabilis pa rin ang t***k ng puso niya… sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi naman ito ang unang beses na napalapit siya sa isang lalaki. Hindi rin bago sa kanya kung may lalaking humawak sa kanya. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagtibok ng puso niya nang magdikit sila ni Archer. Kagabi pa niya napansin kung paano ito umiiwas ng tingin sa kanya. At ngayon, matapos nitong saluhin siya, halos tumakbo naman ito palayo sa kanya. Ngunit sa halip na mainis, isang kakaibang kuryosidad ang muling namuo sa kanyang isip. Tiningnan niya ang kanyang sarili. Hindi kaya dahil sa kanyang suot na two-piece swimsuit? Bigla niyang naalala ang maiksing suot din kagabi kung saan siya ay sinimulang iwasan ng tingin ni Archer. “Hindi kaya… dahil doon?” tanong niya sa kanyang sarili. “Paano kung subukan ko ulit?” Hindi naman niya kailangang gumawa ng kung ano. Gusto lang niyang malaman kung bakit ganoon si Archer sa kanya. Bahagya siyang napangiti. “Let's see how long you can keep avoiding me.” Kaya naman, pagkatapos niyang maligo at magbihis, pinili niya ang pinakamaikling puting dress na meron siya. Halos hanggang hita lang ang haba, manipis, at medyo deep ang neckline. Nang makita niya ang sarili sa salamin, ngumiti siya nang pahapyaw. “Perfect.” Pagkababa niya, hindi nagtagal ay nakita niya si Archer sa may hallway. Kaagad siyang napangiti. Hindi niya ito tinawag. Sa halip, naglakad lamang siya sa direksyon nito na para bang nagkataon lamang na pareho sila ng pupuntahan. Nang mapansin siya ni Archer, saglit itong napatingin sa kanya. At gaya ng inaasahan niya, ay agad ding umiwas ng tingin ang lalaki. Napangiti si Patrisha dahil doon saka huminto sa harap ng lalaki. “Archer,” marahang pagtawag niya sa pangalan ng lalaki. Huminto naman si Archer sa paglalakad saka bahagyang yumuko sa harap niya. Hindi ito nagsalita at sa halip ay tila hinintay lamang ang sasabihin niya. “Uhm… nakuha mo na ‘yong kailangan mo sa may pool area?” “Uhm… hindi pa. Kukunin ko pa lang,” simpleng sagot ng lalaki sa kanya. “Hmm… ganoon ba?” Mas lalong lumapit si Patrisha kay Archer at napansin niyang bahagyang umayos ng tayo ang lalaki, bago muling ibinaling ang tingin sa kabilang direksyon. “Why do you keep avoiding me?” Saglit na natahimik ang lalaki. “I’m not avoiding you.” “Really?” “Yes.” “Then look at me,” hamon ni Patrisha kay Archer. Ngunit hindi agad gumalaw si Archer. At nang tuluyan itong tumingin sa kanya, ilang segundo lamang iyon bago muli nitong iniiwas ang mga mata. “You're doing it again. Ano ba talagang problema sa akin—” “Please be careful.” Hindi na naituloy ni Patrisha ang sinasabi niya dahil biglang nagsalita si Archer. “Careful about what?” kunot ang noo na tanong niya sa lalaki. Hindi na sumagot si Archer. At sa halip ay marahan nitong hinubad ang jacket na suot nito. Nagulat si Patrisha nang mabilis nitong ipinatong ang jacket sa balikat niya, saka hinila pababa para matakpan ang buong katawan niya. At pagkatapos no’n ay saka siya seryosong tiningnan ng lalaki sa kanyang mga mata. “Maraming tao rito sa mansion,” mahina pero matigas ang boses nito. “Staff. Guards. Pabalik-balik sila. Hindi mo alam kung sino ang makakakita sa’yo sa ganyang itsura.” “Huh? Anong problema sa itsura ko?” “They could see you dressed like that.” Patrisha raised an eyebrow. “And so? Ano naman kung may makakita sa akin na ganito ang suot?” Nakita ni Patrisha ang pag-igting ng panga ni Archer. “Huwag kang gumawa ng bagay na maaari mong pagsisihan sa huli.” “What?” “If you’re going to walk around the mansion, go back to your room and change,” seryoso at malalim na sabi ni Archer na siyang nagpaawang sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD