Mabilis na iminulat ni Patrisha ang kanyang mga mata nang hindi niya makapa sa kanyang tabi ang anak na si Eros.
Agad siyang napabangon nang mapagtanto niyang wala ang bata sa tabi niya. Lingid sa kanyang pag-aalala, mabilis niyang nilingon ang paligid ng kwarto, ngunit hindi niya ito nakita.
Kahit na pagod siya mula sa halos buong araw na paglilibot sa resort, sigurado siyang tinabihan niya ang kanyang anak bago siya tuluyang nakatulog. Hindi naman siya maaaring magkamali. Malinaw pa sa kanyang alaala na nasa tabi niya lamang si Eros kanina, bago siya tuluyang hilahin ng antok.
Kaya naman tuluyan na siyang bumangon at lumabas ng silid. Agad naman siyang nakarinig ng maliliit na ingay na nagmumula sa kusina. Kaya naman sinundan niya iyon.
Bahagya siyang nagulat nang pagsapit niya sa kusina ay bumungad sa kanya ang anak na masayang nakaupo sa isa sa mga upuan habang kasama si Archer.
Nakatayo si Archer sa harap ng kitchen stove. Nakasuot ito ng simpleng itim na polo at nakataas nang bahagya ang mga manggas nito habang may suot na apron.
Tahimik itong kumikilos habang nakatingin naman si Eros sa bawat ginagawa nito. Minsan ay nagtatanong ang bata tungkol sa mga sangkap, at matiyagang sinasagot iyon ni Archer, habang abala sa ginagawang pagluluto.
“Kuya, what’s that?”
“Paprika.”
“What does it do?”
“Adds flavor.”
“Oh.”
Sandaling pinagmasdan ni Eros ang mangkok.
“Can I help?”
“Yeah. Sure.”
Patuloy lamang na pinagmamasdan ni Patrisha ang dalawa mula sa gilid.
Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadali para kay Eros na maging komportable kay Archer.
Karaniwan ay ilang araw muna bago tuluyang maging palagay ang anak niya sa isang tao. Lalo na sa mga lalaking hindi nito kilala. Dahil lumaki ito sa ibang bansa at wala namang ibang nakasama roon kundi siya lamang at si Nanay Lucy.
Pero kay Archer? Parang ilang minuto lang. Dahil sa ilang araw nila sa mansion, ngayon lamang niya nakitang nagkasama ang dalawa.
At ang mas nakakagulat pa roon ay tila komportable rin si Archer sa bata. Hindi ito mukhang naiirita kahit sunod-sunod ang mga tanong ni Eros. Sa halip, matiyaga nitong sinasagot ang bawat tanong at sinisiguradong ligtas ang bata habang pinapanood siya nitong magluto sa kusina.
Ilang sandali pa nang makita ni Patrisha na akmang aabutin ni Eros ang kawali. Agad siyang kinabahan at susugod na sana para pigilan ang anak. Pero mabilis na humawak ang kamay ni Archer sa bata upang mapigilan ito.
“Careful, mainit ‘yan. Hindi mo dapat hawakan.”
“Oh.”
“Just stay there.”
“Yes, Kuya Archer.”
Bahagyang napasinghap si Patrisha. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niyang interaction ng dalawa.
Sa marahan na pagkausap ni Archer sa kanyang anak, at sa magalang at mabilis na pagtugon naman ng anak niya sa lalaki.
Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit, pero may kung anong nagbago sa tingin niya sa lalaki.
Dati, ang nakikita niya kay Archer ay isang tahimik at seryosong bodyguard na tila laging may sariling mundo.
Pero ngayon... He’s good with kids.
Makalipas ang ilang minuto ay inilapag na ni Archer ang isang plato ng golden-brown fried chicken sa mesa.
Agad na lumapit si Eros doon at masayang pinagmasdan ang paborito nitong pagkain.
“Wow!”
“Careful. It’s hot.”
Pero tila hindi na nakinig ang bata.
Kumuha ito ng isang piraso at maingat na hinipan bago kinagat.
Tahimik naman na naghintay si Archer.
“Is it good?”
Mabilis na tumango si Eros habang ngumunguya.
“It's really good, Kuya!” masayang sambit ng bata na nagpangiti kay Archer.
“Mabuti at nagustuhan mo.”
“It’s so delicious! I love it!” masayang komento pa ulit ni Eros.
Hindi naman makapaniwala si Patrisha na kumakain ngayon ang anak niya ng fried chicken, na luto ng iba. Ang luto lang kasi ni Nanay Lucy at ng paborito nitong fast-food restaurant ang kinakain ng anak. Kahit nga ang sariling luto niya ay ayaw nito. Kaya paanong… nagustuhan ng bata ang luto ng lalaking ngayon lang naman niya halos nakilala?
“If that's the case, you don't have to ask your Mommy to go into town, especially when it's already late. Anytime you feel like eating this, just tell me, and I'll cook it for you.”
“Why? Does Mommy complain to you whenever she has to go into town to buy something like this?” tanong ni Eros kay Archer habang ngumunguya ito.
“No, she’s not complaining. But… it’s not safe for her to go out when it’s already really late. So just tell me whenever you feel like eating this again,” malambing na tugon ni Archer kay Eros, na hindi alam ni Patrisha kung bakit parang naging kakaibang haplos iyon sa puso niya.
“Miss Patrisha?”
Nagitla si Patrisha sa pagdating at paglapit ni Mang Ben, mula sa kanyang likuran. Agad namang napabaling ng tingin sina Eros at Archer sa kanila.
“Mommy!” masayang sambit ni Eros nang makita siya, kasabay ng mabilis nitong paglapit sa kanya.
“Son…” usal niya.
Niyakap siya ni Eros sa kanyang baywang.
“Mommy, look! Kuya Archer cooked fried chicken for me. And you know what? It’s so delicious!”
Marahang bumaba si Patrisha upang pumantay sa anak saka muling nagsalita. “Why are you here? Hindi ba at tulog ka lang kanina sa tabi ko?” mahinang tanong niya sa bata. “Saka… hindi ba’t ayaw mong kumain ng fried chicken kung hindi galing sa favorite fast-food restaurant mo o kaya naman ay luto ni Nanay Lucy?”
“Uhm… Miss Patrisha, kasi kanina, nasabi ko kay Eros na masarap magluto si Archer. Kaya ayun, nag-request siya ng fried chicken para sa dinner,” singit ni Mang Ben sa kanila.
“Yes, Mommy! And sobrang sarap po! It’s the best fried chicken I’ve ever tasted!”
“R-Really?”
“Yes, Mommy! Taste it!” alok ni Eros kay Patrisha.
Marahang kumagat si Patrisha sa fried chicken na hawak ng anak. Sa pagkagat niya ay bahagya siyang natigilan.
Tiningnan niya si Eros, tapos ay tumingin din siya kay Mang Ben saka siya huling nag-angat ng tingin kay Archer, na tila naghihintay sa magiging reaksyon niya.
Ngumiti siya bago nagsalita. “It's actually good.”
Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Archer sa naging reaksyon niya.
“Sabi na! Hindi po talaga ako napapahiya sa tuwing ipinagmamalaki ko ang luto ni Archer!” masayang sabi naman ni Mang Ben sa kanilang tabi.
Ilang sandali pa nang biglang dumating si Don Carlo.
“Anong kasiyahan ang mayroon dito?” tanong ng matanda. Agad namang tumayo si Patrisha mula sa pagkakapantay nito sa anak.
“Don Carlo…”
“Lolo…”
“Lolo Two!”
Halos sabay-sabay na bati ng lahat.
Napadako ang tingin ni Don Carlo kay Archer, kaya naman binati ito ng matanda.
“Did you cook?”
“Opo,” magalang na tugon ni Archer.
“Lolo Two, Kuya Archer cooked fried chicken for me. It’s so delicious!” singit ng batang si Eros.
“Really? Aba’y dapat ko rin yatang tikman ‘yan,” nakangiting sabi ng matanda.
“Maghahain na po ako!” mabilis na sabi ni Mang Ben, saka ito nagsimula sa paghahain.
Bukod sa fried chicken ay nagluto rin si Archer ng iba pang mga putahe para sa dinner, na ikinatuwa naman ng lahat dahil sa sarap ng pagkakaluto niya.
Kaya naman masaya silang sabay-sabay na naghapunan nang gabing iyon sa mahabang dining table ng mansion.
Dahil nasiyahan si Eros sa masarap na hapunan, hindi nagtagal ay inantok na rin ito. Kaya naman sinamahan na ito ni Patrisha paakyat sa sarili nitong kwarto.
Pagkarating doon ay mabilis na nakatulog ang bata, marahil dahil sa kabusugan at pagod.
Nang masiguro na ni Patrisha ang mahimbing na pagtulog ng anak, ay pumasok na rin ito sa sariling silid. Akala niya ay madali rin siyang makakatulog dahil sa kabusugan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nakahiga pa rin siya sa kama at nakatitig lamang sa kisame.
“You don't have to ask your Mommy to go into town, especially when it's already late. Anytime you feel like eating this, just tell me, and I'll cook it for you.”
Napabuntong-hininga siya nang magbalik sa isipan niya ang mga narinig na sinabing iyon ni Archer kanina.
Bukod doon ay paulit-ulit na bumabalik din sa isipan niya ang itsura ni Archer habang maingat at seryoso itong nagluluto kanina. Maging ang bawat pinong pagngiti nito sa anak niya.
Sa huli ay napagpasyahan niyang uminom na lamang ng tubig. Bigla siyang nauhaw sa kung anu-anong mga naiisip niya. Kaya naman bumangon siya sa kama at lumabas ng silid.
Manipis na camisole-style na pantulog at maikling pajama shorts ang suot niya nang bumaba siya sa kusina.
Tahimik na ang buong mansion nang mga oras na iyon. Ngunit napahinto siya nang makitang may tao roon.
Nakatayo si Archer sa harap ng kitchen counter habang may inaayos na kung ano sa isang baso.
“Archer?”
Mabilis na napalingon ang lalaki sa kanya. Ngunit isang segundo lamang siyang tiningnan nito bago agad nagbawi ng tingin.
Napakunot ang noo ni Patrisha dahil doon. Hindi niya alam kung bakit bigla itong umiwas ng tingin. Napatingin tuloy siya sa kanyang sarili.
“Sorry. Hindi ko alam na may tao rito,” mahina niyang sabi.
“It's okay. Aalis na rin ako,” sagot ni Archer habang nag-iiwas pa rin ng tingin kay Patrisha.
Kung tutuusin, hindi sanay si Patrisha na may lalaking umiiwas ng tingin sa kanya. Kadalasan, kabaligtaran pa nga ang nangyayari.
Kaya hindi niya maiwasang isipin na baka hindi talaga maganda ang hitsura niya ngayon.
Lumapit siya sa refrigerator at kumuha ng isang baso.
“I just came here to get some water.”
Tumango si Archer.
“Okay.”
At pagkasabi no’n ay tuluyan na nga itong umalis.
Napatingin si Patrisha sa papalayong lalaki. Hindi niya maiwasang mapansin na ni minsan ay hindi talaga ito tumingin sa kanya nang matagal. Para bang sadyang iniiwasan nito ang kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon si Archer.
Muli siyang napatingin sa kanyang suot na pambahay at saka bahagyang napangiwi.
Siguro nga ay hindi siya mukhang presentable ngayon.
Umiling siya bago muling ibinaling ang atensyon sa baso ng tubig na hawak niya.
“Ang weird naman ng lalaking iyon,” mahinang bulong niya sa sarili.