Chapter 14:

1651 Words
“So… you’re a bodyguard too?” pagbasag ni Patrisha sa katahimikang bumabalot sa kanila ni Lance. Agad namang tumango si Lance sa tanong na iyon ni Patrisha. “Yes, Miss Patrisha. I work for your grandfather.” Nagtama ang mga tingin nila mula sa rearview mirror ng sasakyan. “Oh… I see.” Bahagyang napangiti si Patrisha. Hindi niya alam kung bakit hindi niya naisip iyon kagabi. Muli niyang naalala ang nakita niya—kung paano inilagay ni Lance ang braso sa balikat ni Archer, kung paano ngumiti si Archer sa kanya, at kung paano silang dalawa umalis nang magkasama. “Close kayo ni Archer?” bigla niyang naitanong sa lalaki. “Po?” Bahagyang nagulat naman si Lance sa naging tanong na iyon ni Patrisha. “Uhm… sampung taon na po kaming magkasama sa trabaho. Isa po siya sa itinuturing kong maaasahan at malapit kong kaibigan.” Tumango si Patrisha. “I see…” Pagkatapos ay bahagya siyang tumingin sa labas ng bintana, ngunit hindi nagtagal ay bumalik ang kanyang atensyon kay Lance. “So… may girlfriend ba si Archer?” Napatingin sa kanya si Lance mula sa rearview mirror. Mas gulat ang ekspresyon nito ngayon kaysa kanina. “G-Girlfriend?” Tumango siya. “Oo. May girlfriend ba siya?” “Uhm… Sa sampung taon na magkasama kami, wala po akong alam na girlfriend niya.” Napakunot-noo si Patrisha. “Wala talaga?” At dahil wala pa itong nakakarelasyong babae kahit na isa, lalo tuloy lumakas ang paghihinala niya rito na baka nga bakla talaga si Archer. “So, wala siyang interes na makipag-date?” “Siguro po.” “Or…” Sandali siyang natigilan bago muling nagsalita. “He is gay?” Halos mapalingon si Lance sa kanya. “What?” “I'm just asking!” Mabilis na bumalik ang tingin ni Lance sa kalsada habang pinipigilan ang sariling matawa. “I don't think so, Miss Patrisha.” “Then why doesn't he react to women?” “Maybe because he's just not interested.” Napakunot-noo si Patrisha. “Not interested in women?” “Hmm. Hindi naman po sa hindi siya interesado sa mga babae. Wala pa siyang napapakilalang girlfriend niya pero, may kaibigan siyang babae. Si Lisa. Iyon lang ang babaeng alam kong malapit sa kanya.” “Lisa?” “Opo.” Bahagyang napalabi si Patrisha. Naisip niya kung paano makitungo si Archer sa kaibigan nitong si Lisa. Malamig din ba ito gaya ng pakikitungo nito sa kanya? Pero hindi niya iyon matanggap. Hindi niya matanggap na maaaring may interes si Archer sa ibang babae, samantalang sa kanya ay wala. Gayong halos lahat ng lalaking nakikilala niya ay kahit papaano ay nagpapakita ng interes sa kanya. Napailing si Patrisha at pilit na itinulak sa isip ang tungkol kay Archer. “Anyway…” bahagya siyang umayos ng upo. “Malayo pa ba tayo sa terminal?” “Mga ilang minuto na lang po, Miss Patrisha.” Tumango siya at muling tumingin sa labas ng bintana. Hindi na siya nagsalita pa tungkol kay Archer. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maiwasang balikan sa isip ang mga sinabi ni Lance. Maya-maya pa ay tumikhim si Lance dahilan upang muling mapabaling ang tingin niya rito. “Uhm… nilalamig po ba kayo?” tanong ng lalaki sa kanya. “Huh?” Agad niyang naalala ang suot-suot na jacket ni Archer. “Ah…” Tumikhim din siya bago sumagot sa lalaki. “Medyo lang,” nasabi niya na lamang dito. Ayaw niyang magmukhang weird sa harapan ng lalaki. Kung bakit naman kasi siya pinagsuot ng jacket ni Archer. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan na silang nakarating sa terminal. Agad namang bumaba si Patrisha at masayang sinalubong si Lucy. “Nanay Lucy!” “Patrisha!” Niyakap niya agad ang matanda bago ito napatingin kay Lance na sumunod pala agad sa kanya. “Siya ba ang kasama mo?” “Opo. Si Lance. Bodyguard ni Lolo.” Ngumiti si Lance at bahagyang yumuko bilang pagbati. “Magandang araw po.” “Magandang araw rin sa’yo, iho.” Ilang sandali pa silang nag-usap habang inaayos ni Lance ang mga gamit ni Lucy sa likuran ng sasakyan. Nang tuluyan na silang makasakay, naupo si Patrisha sa likod kasama ang matanda. Sa buong biyahe pabalik, naging abala siya sa pakikipagkuwentuhan kay Lucy. Ngunit paminsan-minsan ay hindi niya maiwasang mapaisip tungkol kay Archer. Nang makarating sila sa mansion ay agad niyang sinamahan si Lucy sa magiging silid nito. “Nasa resort po si Lolo ngayon, isinama niya si Eros,” kwento ni Patrisha kay Lucy. “Ganoon ba? Siguro ay masayang-masaya ngayon ang batang iyon.” “Opo. Kanina niya pa gustong mag-swimming.” “Ang mabuti pa ay makapaghanda na ako ng pagkain para pagbalik nila rito ay makakain sila agad,” ani Lucy. “Huwag na po kayong mag-abala pa, Nanay Lucy. Mas mabuti kung magpahinga na po muna kayo. Mahabang oras din ang naging biyahe niyo.” “Ayos lang ako—” “Sige na po, Nay. Huwag na po kayong makulit at magpahinga na po muna kayo,” putol ni Patrisha kay Lucy. Sa huli ay wala nang nagawa pa ang matanda at sinunod na lamang ang bilin ni Patrisha na magpahinga ito. Paglabas ni Patrisha ng silid ay agad niyang nakita si Lance na tila paalis. “Lance,” marahang tawag niya rito na mabilis na nilingon ng lalaki. “Aalis ka?” “Opo, Miss Patrisha. Pupunta na po ako sa resort.” “Sa resort?” Sandali siyang napaisip saka muling nagsalita. “Puwede akong sumama?” “Opo naman po. Tara po!” masiglang tugon ni Lance. Napangiti naman si Patrisha saka sumunod sa lalaki. Pagdating sa resort ay nagpaalam na sa kanya sandali si Lance dahil may kailangan itong gawing trabaho. Pagkatapos ay dumiretso siya sa lugar kung nasaan ang kanyang anak. Nang makita siya ay agad naman siyang sinalubong ng bata. “Mommy!” Pero hindi ito tuluyang yumakap sa kanya dahil basang-basa ito. Na tila kaaahon lamang sa swimming pool. Iginala niya ang paningin niya sa paligid ngunit hindi niya natagpuan si Don Carlo maging si Archer. Ngunit may kasama namang dalawang kasambahay ang kanyang anak. “Nasaan si Lolo?” tanong niya sa anak. “Uhm… Ma’am Patrisha, pumunta muna si Don Carlo sa office niya. May meeting daw po siya kasama ang general manager,” sagot ng isa sa kasambahay sa kanya. “Ah ganoon ba… eh si Archer? Kasama ba siya ni Lolo?” “No.” Sa pagkakataon na iyon ay si Eros na ang sumagot kaya bumalik ang tingin ni Patrisha sa bata. “He’s not with Lolo Two. Kuya Archer is at the other pool. He ran into a friend there.” Bahagyang kumunot ang noo ni Patrisha. “What?” “I saw him talking to his friend there,” dagdag pa ni Eros bago ito muling lumusong sa tubig. Tinapunan naman ng tingin ni Patrisha ang kabilang bahaging pool na sinabi ni Eros. Natanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan ang tila maraming tao na nagkumpulan sa paligid ng pool. Mukhang may ginaganap na event sa bahaging iyon ng resort. May ilang tao na nakaupo sa mga mesa habang ang iba naman ay nakatayo at nagkukuwentuhan. May ilang staff din na abala sa pag-aasikaso ng mga bisita, habang sa isang bahagi ay may mga nakapaskil na ilang dekorasyon at gamit na tila bahagi ng isang activity. Bahagyang kumunot ang noo ni Patrisha. Hindi niya alam kung anong event ang ginagawa roon, ngunit mukhang masaya ang mga taong naroroon. “Anong mayroon doon?” tanong niya. “Sa narinig ko po kanina, may team-building daw po ang grupo ng mga guro,” sagot ng isang kasambahay kay Patrisha. Muli niyang iginala ang paningin sa paligid, hanggang sa isang pamilyar na pigura ang agad niyang nakilala sa gitna ng mga tao. Si Archer. At hindi ito nag-iisa. Lalong kumunot ang noo ni Patrisha nang makita niyang ngumiti ang lalaki habang kausap ang isang babae na tila ngayon lamang niya nakita. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, ngunit kapansin-pansin ang pagiging komportable ni Archer sa kausap nito. Paminsan-minsan ay may sinasabi ang babae na sinusundan naman ng maikling tawa mula sa lalaki. “Ngumingiti siya?” “Ano po ‘yon, Ma’am?” Hindi alam ni Patrisha na malakas niya palang nabigkas ang tanong na nabuo sa isipan niya. “Huh? Uhm… wala naman,” aniya sa kasambahay saka siya humakbang ng ilang hakbang upang mas makita si Archer at ang kasama nitong babae. Hindi niya namalayang ilang segundo na pala siyang nakatitig sa dalawa. Hanggang sa makita niyang may kinuha ang babae mula sa isang maliit na bag at iniabot iyon kay Archer. Isang bote ng sunscreen. Bahagyang tiningnan iyon ni Archer bago kinuha. Tumalikod ang babae at bahagyang itinaas ang kanyang buhok upang ilantad ang likod nito. Walang anumang pag-aalinlangan namang pinisil ni Archer ang sunscreen sa kanyang palad bago iyon marahang ipinahid sa likod ng babae. Napatitig si Patrisha sa kanyang nakikita ngayon. “What the…” Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang nakaramdam ng inis. Hindi naman dahil sa may mali sa ginagawa ni Archer. Marahil ay simpleng pagtulong lamang iyon. Pero hindi niya maiwasang maalala ang sarili niyang karanasan kasama ang lalaki. Nang minsan ay pinaabot lamang niya rito ang kanyang towel, halos hindi ito makatingin sa kanya nang diretso. Pero ngayon? Walang alinlangan nitong tinutulungan ang babaeng iyon. At mukhang wala man lang itong problema sa pagiging malapit dito. “So, sa akin lang talaga siya naiilang?” mahinang tanong niya sa kanyang sarili habang hindi pa rin inaalis ang mga tingin sa dalawa. Kitang-kita niya kung gaano katamis ang ngiti ng babae kay Archer, at kitang-kita rin naman niya kung paano ngumiti pabalik si Archer dito. Isang ngiti na kailanman ay hindi nito ginawa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD