"Hindi pa ba tayo uuwi?" Pabulong na tanong ni Carson sa katabing si Vicky. Sa gilid naman nito at ang mga kasamahan din nila na hindi n'ya pa nakakabisado ang mga pangalan. Ang mga gamit nila ay nasa bahay pa ng kapitan pagkat hindi sila pinayagan na pumunta sa bandang bukid nang maliwanag pa. Nasa. Kanilang tabi naman n'ya si Lucas na kanina pa n'ya nakakasama. Kung hindi pa n'ya ito tanungin kung ano ang pangalan ay hindi n'ya maalala ang sinabi nito noong nagpakilala ito sa kanila. "Ang sabi ng nila ay isang beses lang sa isang taon may ganito sa bawat barangay kaya sa ganitong mga pagkakataon lamang sila nakakapag-enjoy, sumabay na tayo sa kanila," pabulong naman din na sagot ni Vicky. "Oo nga," sapaw naman ni Charline. "Ngayon pa lang din ako nakaranas ng ganito eh. Sa Mosall

