"Saan galing ang mga putok na 'yon?" Pabulong ngunit madiin na tanong ni Carson nang umalingawngaw sa paligid ang sunod-sunod na putok at nagtatakbuhan palayo ang mga tao. Hindi naman bago sa kaniya ang ganitong eksena dahil talaga namang kinalakihan n'ya ito. Sa katunayan ay inasahan n'ya nang mangyari ang bagay na ito ngayon. Talaga lang hindi n'ya pwedeng ipakita sa kasama na hindi s'ya nagulat sa nangyari. Nakayuko sila at nasa ilalim ng puno. Hindi lang din sila ang narito at hindi n'ya alam kung nasaan ang iba nilang mga kasama. "Karaniwang nangyayari ang mga ganitong away o barilan sa tuwing may sayawan. Hindi natin alam kung kanino galing o kung sino ang nagpapaputok ngunit malalaman din naman yan." Pabulong naman din na sagot ng katabi n'ya. Tumango ang dalaga. "Kung gan

