Lucianda Solero MATAPOS NANG nangyari sa sala ay nagpalit na ako ng damit at inayos ang sarili ko. I went to the kitchen to get something to eat, tulog na ang mga tao sa bahay. I was doing all of that while browsing on my iPad. “Anong ginagawa mo sa bar mag-isa?” Napalingon ako sa pagdating ni Lucan at dumiretso sa sink. Bumagal ang pagnguya ko at pinanuod siyang kumuha rin ng makakain sa fridge. He took some fruits and washed them. Matapos nun ay umupo sa harapan ko at sinabayan akong kumain. “How did you know I was in the bar?” “Someone saw you.” Napatikhim ako at umayos ng upo. “Nakita kang pumasok mag-isa sa bar at lumabas na may kasama.” Biglang nanuyo ang lalamunan ko at napatikom ng labi. “Tigilan mo na ang Montalbo’ng iyun, Lucy. Kahit sino na lang bang lalaki ay p

